Strike III

18 0 0
                                        

Amanda's POV

Tumingin ako sa Ninang ko na may pagtataka.

"Ano ulit ang ibig mong sabihin, Nang Janice?"
Tinanong ko siya ng pangalawang beses.

"Ang sabi ko," Inaayos niya ang buhok niya sa bun at naglagay ng lipstick habang hawak-hawak ang salamin. "Isang linggo akong mawawala. Pakibantay ng bahay at wala akong maibibilin sayong pera dahil gagamitin ko pambili ng ticket sa barko."

Napaface palm ako. Alam kong wala akong karapatang magreklamo kasi nakikituloy lang naman ako sa bahay nila at nakikain.

Pero naman! Pitong araw siyang mawawala! Saan ako makakakuha ng pagkain niyan? Buhay pa kayo ako next week?

"Pero Ninang, baka hindi na po ako abutin ng ikatlong araw nangg hindi kumakain."

Tiningnan niya ako ng masama.
"Nagrereklamo ka?" Tanong niya. Halata naman diba?

"Eh kasi Ninang," May sasabihin pa sana ako nang kinuha niya na ang bag niya at lumabas ng bahay.

Kinuha ko rin ang bag ko dahil papunta na rin ako ng school.

Huminto siya at hinawakan ang balikat ko.
"Amanda, makinig ka," Sabi niya. "Kapag nakuha ko na ang pera, padadalhan kita."

Maniniwala ba ako? Parang ayoko na'ng makinig sa mga pangako niya.

"Ninang," Sabi ko. "Saan naman po ako hahanap ng pera pambili ng pagkain?"

Yumuko siya at hinarap ulit ako.
"Sa mga kaibigan mo, huwag mo sabihin sa'king wala kang kaibigang mauutangan?"

Napanganga ako.
Kaibigan.
Si Henny lang ang kaibigan ko. Pero, hindi din ako nakakasigurong papansinin pa niya ako ngayon, lalu't nahihiya na'ko tuwing naalalang tatlong beses niya na akong nalibre kahapon.

"Susubukan ko po, Ninang." Sabi ko.

"Good!"

Bigla namang may sumulpot na kulay gray na kotseng Audi. Sundo siguro yun ni Ninang.

Napatingin si Ninang sa'kin at nagtataka.

Binaba ng driver ang window ng kotse niya.
Nakasimangot ako na'ng nakita ang mukha ng may-ari ng kotse.

"Hi Kamandang," Bati niya.

Napasigh ako. Bweset na naman ang araw ko.

"Anong ginagawa mo dito? " Tinaasan ko siya ng kilay.

"Susunduin kita," Sagot niya at ngumiti.

"Ayoko, umalis ka na." Sabi ko sakanya.

Lumingon naman sa'kin si Ninang at nginitian ako.
"Boyfriend mo ba yun, Amanda?"

Nagsimula na akong maglakad at inayos ang bag ko.
"Hindi, Ninang," Sabi ko sakanya at umalis sa tapat ng bahay.
"Aalis na po ako."

Sabi ko sakanya.

Naglakad lang ako at hindi pinansin si Chan.
Binilisan ko ang lakad ko.

Huminto ako at nagtataka, hindi niya ako sinusundan?

Nilingon ko ulit silang dalawa ni Ninang sa likod.

Nag-uusap sila?
Ano?
Anong pinag-uusapan nila?

Naamoy ko naman sa aura ni Ninang ang binabalak niya.

"Amanda!" Sabi ni Ninang na nakatingin sa direction ko.
"Total may pera naman tong kaibigan mo, bakit hindi ka nalang sakanya tumira? Magandang opportunity yun habang wala ako."

Beautiful ManslayerWhere stories live. Discover now