Strike II

14 2 0
                                        

Amanda's POV

Parati nalang ba akong gutom?

Kakakain ko lang ng snack pero gutom parin ako. Hindi din kasi ako nag-breakfast, lalu't bad trip ang Ninang ko ngayon.

Ako nalang nga itong nakikituloy sa bahay niya, ako pa ba itong maglalakas loob humingi ni isang piraso sa kinakain niya? Pakiramdam ko tinatapakan ko lang ang pride ko kapag ginawa ko yun.

Yun ang ikalawang aral na itinuro ng First Quest sa akin.

Hindi rin naman ako gutom nun, yun ang akala ko. Pero ngayon, gutom ulit ako dahil bumili lang ako ng biscuit kaninang recess.

Mabuti nga't walang pasok sa last subjects kaya hinayaan nila kaming lumabas.

Pero dahil close pa ang gate ng school, hindi kami makakalabas ng school at umuwi ng bahay.

Napahawak ako sa tiyan ko.
Umiingay na siya ngayon.

Lumingon naman ako sa harap ng bench na inuupuan ko.

Sword.

Nakaukit siya sa pader ng isang classroom.

Namiss ko tuloy humawak nun, dati-rati kasama ko pa yun sa pagtulog.

Syempre kapag Assassin ka, hindi mo alam kung sino ang kalaban mo, kaya makakabuting parati kang handa. Dahil hindi mo sila makikita sa mukha, mararamdaman mo sila.

"Hey," Lumingon ako sa tumabi sa'kin.
Pandak pero cute. Mayroon siyang choker sa leeg, kulay itim ang damit pati narin ang lipstick niya. Mayroon din siyang hugis heart sa ibabaw ng kanang mata niya.

Kaklase ko pala sa Analysis, pero hindi ko siya maalala lalu't ang alam ko kaka-transfer niya lang this year.
"Narinig ko ang tiyan mong sumisigaw, kaya bibigyan kita ng makakain."

Hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya o magagalit ako.

"Anong klaseng pagkain?"
Tanong ko sa kanya.

Mayroon siyang maliit na knapsack bag na hugis ulo ng pusa at may kinuhang chocolate bar mula doon.

Na-excite ako at tinago ang pagkagutom ko.

"Dark chocolate!" Sigaw ko, hindi ko na talaga matatago ang gutom ko.

Inalok niya ako at dali-dali kong kinuha sa kanya ang pagkain at binalatan ang chocolate. Kinain ko agad ang laman.

Heaven.

Napangiti ako sa kanya. Habang kumakain ng chocolate. Hindi talaga ako nakakain ulit nito! Ang dami kasing dapat unahing bilhin eh.

"Salamat." Sabi ko pagkatapos kong naubos ang isang bar. Inaamin ko, nakukulangan pa ako sa kinain ko.

Nakatingin lang din siya sakin at ngumiti.

"Ako si Henny," Inalok niya akong makipag-shake hands. Tinanggap ko yun kahit walang chocolate.
"Ikaw naman, anong pangalan mo?"

Pangalan ko.
Imbentong pangalan ko.
"Ako si Amanda."

Sabi ko sakanya.

Nawala agad ang ngiti niya at napatingin sa wristwatch niyang kulay itim din.

"Amanda, wala ka bang kasama? Kaibigan?" Sasagot sana ako na wala, dahil walang gustong makipag-kaibigan sakin lalu na't nababasa ko minsan ang iniisip nila, at akala nila weird yun. Kasali lang kasi yun sa strategy na pinag-aralan ko sa First Quest.

"Uhm, may group projects sila, yung iba naman kasama yung mga nobyo nila, kaya, minabuti kong mag-isa na lamang."

Tumango siya at saka nakatingin ulit sa relos niya.

Beautiful ManslayerWhere stories live. Discover now