Strike V

10 1 0
                                        

Chan's POV

Naghihintay ako ngayon sa labas ng gate. Nakauwi na kaya si Amanda? Kailangan kong masigurong mahahatid ko na siya ngayon sa apartment namin.
Pagdating niya dun ipapaliwanag ko sa kanya lahat.

Lahat ng kasinungalingan ko at ni Henny. Lahat ng katotohanan na dapat niyang malaman mula sa amin.

Matagal na akong nagbabantay kay Amanda, o tawagin nalang natin sa pangalang Grave Forrence.

Simula nang namatay ang Kuya ko- namin ni Henny. Hindi kami magkapatid ni Henny, barkada ko lang ang Kuya Exreal niya. Siya din ang may tatag ng Gang namin na totoo nga namang kinakatakutan dati, pero ng namatay-pinatay siya ng hindi kilalang mga Assassin at ang iba pa niyang kasama sa First Quest, unti-unting nawasak lahat ang gang na tinatayo niya at ako, pilit kong binabangon ang dating samahan namin.

Pero bago pa man namatay si Exreal, may nasabi siya sakin, nararamdaman niyang may mangyayaring masama sa kanilang mga Assassin, at alam niyang may gustong magpataob ng pangkat nila. Kaya sabi niya sakin, kilalanin ko daw si Grave Forence.

Mula noon, palihim akong nagmamasid sa First Quest habang nagpa-practice sila. Doon ko nakilala si Grave.

Matapang, pero natatakot talaga ako sa kanya. Kikisap mata palang ako, natira na ng sword niya ang opponent niyang mannequin.

Muntik na akong aatras noon, pero nabuhayan ako ng loob dahil kay Exreal. Sinabi niyang gagawin niya akong pinuno ng Gang basta't babantayin ko si Grave. Pumayag ako.

Hanggang sa pinatay nila si Kuya Exreal. Wala talaga akong kompletong detalye tungkol kag Grave. Pero yung gabi na siya nalang ang natira sa First Quest. Sinusundan ko parin si Grave.

Yung nakita kong may aaim na sana sa kanya mula sa tuktok ng building na pinagtataguan niya, agad akong tumakbo at tinira ng bato ang lalaking may hawak ng armas.

Nakaligtas si Grave Forrence.

Mula noon, sinusundan ko parin siya hanggang sa nakarating siya sa bahay ng Ninang niya.

At doon niya binanggit ang kasinungalingang pangalan niya, "Amanda Candace Meyer"

Simula noon, huminto ako sa pagsunod sakanya at tinitingnan ang mga bagong record niya.
Nagmimistula akong stalker niya dahil lahat ng kompletong pekeng dokumento ginagather ko para tulungan siya. Tulungan si Exreal.

Nilakasan ko ang loob kong kausapin siya noon sa Sprint Team ng school. Tinanong ang pangalan niya at kung ano-ano pa pero hindi niya ako sinasagot ng kompleto. Tuwing tinatanong ko siya sinasagot niya din ako ng tanong. Assassin nga talaga.

Kahit patay na si Exreal, hindi ko bibitawan ang pangako ko sakanyang po-protektahan si Grave. Tutulungan ko siyang mahanap ang tunay na may kasalanan sa assassination ng First Quest.

Pero gusto ko ring malaman ang tungkol kay Grave. Baka sakaling may makuha akong impormasyon tungkol sa kanila. Kaya nagtaka ako kung ano ang lagi niyang dalang notebook.

Diary.

So silly right? Ang nakakatakot at napalakas na babae magsusulat sa diary? Doon ko naisipang may lambot din pala sa puso si Amanda.

Last year, nakilala ko si Henny. Hindi kami close ng pamilya ni Exreal kaya nabigla nalang ako ng inapproach niya ako at sinabi niya sakin lahat.

Pati narin ang ability niyang mind-reading.
Pero hindi ko inamin ang ability ko in return.

Pero hindi ako naniniwala sakanya ng ganun kadali. Hindi ako madaling nagpauto.

Kahapon, nilapitan niya ako ulit at binalaang... may gustong pumatay kay Amanda.

Beautiful ManslayerWhere stories live. Discover now