CHAPTER I
Pasukan na naman, at tulad nang nakagawian ay okupado na naman ang mga kwarto sa ibabang bahay nina Ms. Ramirez. Boarding house ito ng mga babae at may limang kwarto na inuupahan ng mga boarders. Okupado nang lahat ng silid kaya naman masaya ang landlady.
“Marami tayong boarders ngayon kumpara dati.” Sabi pa ni Ms. Ramirez sa nag-iisang anak nito na si Hannah habang nag-aayos ng isang bungkos na bulaklak sa flower vase.
“Oo nga ‘Ma eh. Halos puro first year at mga bago.” Sagot ni Hannah. Ulila na sa ama si Hannah at nagtatrabaho na bilang isang teacher sa isang private school malapit lamang sa kanila. Twenty years old na sya pero hindi pa rin nagkakaboyfriend.
“Kasisimula pa lang ng school year ay dagsa na ang boarders. Paano naman kasi’y napakalapit nitong ating bahay sa eskwelahan. At bukod doon ay medyo mababa kumpara sa iba ang upa.” Dagdag pa ni Ms. Ramirez.
“Mukha namang mababait sila ‘Ma.”
Maya-maya pa’y narinig nilang tumunog ang doorbell. Ang kanyang ina ang nagbukas ng pinto, habang siya ay nakahiga sa sofa at nagbabasa ng horror novel.
“Sigurado ka hijo? Ladies’ boarding house ito hijo…” naulinigan na lamang niyang sabi ng kanyang ina.
“Wala na po akong ibang mahanap na matutuluyan. Napakalayo po ng bayan namin sa aking pinagtatrabahuhan at nauubos po halos ang aking sinusweldo sa pamasahe pa lamang… kahit po sa isang maliit na kwarto na lamang ako umupa, kung mayroon pa.” magalang na paliwanag ni Kenneth, isang lalaking nagtatrabaho bilang arkitekto sa isang construction company.
“Ah, sa tingin ko naman ay mabuting tao ka, sandali lamang hijo.” Nilapitan nito si Hannah at sinabing tingnan ang bakanteng kwarto sa itaas, upang magamit ni Kenneth.
“Ma?! Bakit? Diba ladies lang ang inaadmit natin dito? Bakit mo ipapagamit yung bakanteng kwarto sa taas?” may pagkainis na singhal ni Hannah.
“Naaawa ako sa kanya at alam ko namang mabuting tao sya…”
“Whatever!!!”
“Hannah? Tingnan mo ang kwarto sa taas at ipaayos mo kay Inday.” House maid nila si Inday. “Mabuti na rin na may lalaki tayong kasama kahit isa para makatulong sa mga mabibigat na gawain.”
No choice na si Hannah. Wala na syang magagawa dahil alam niyang hindi sya papakinggan ng kanyang ina. Padabog syang tumayo at tumungo sa kwarto na bakante upang buksan iyon. Iyon ay lagayan niya ng kanyang mga damit na hindi na isinusuot at ng mga kagamitang hindi na nya nagagamit. Bodega for short.
Kung bakit ba naman kelangan pang tanggapin ditto yung lalaking yun! Ang sama ng awra nya! Hindi ko sya feel!
“Sino po ‘yung babae kanina?” tanong ni Kenneth.
“Anak ko, si Hannah. Teacher sya sa St. Peter Academy. Halika maupo ka muna… Ano ngang pangalan mo hijo?”
“Kenneth po. Kayo po?”
“Tita Fhe na lang. Ipinapaayos ko na ang magiging kwarto mo, pagpasensyahan mo na kung may kaliitan.”
“Ayos lamang po yon, mag-isa lang naman po ako. Magkano nga pop ala ang monthly payment?”
“800 pesos. Kasama na ang water at electric bill.”
“Ah. Tamang tama. Makakaipon pa ako. Salamat po Tita Fhe.”
“Wala iyon hijo. Kaya lamang ay ayos ka lamang ba na ang kasama mo sa bahay ay sandamukal na mga babae? Puro boarders kasi ang nasa baba.”
“Ayos lang po tita. Sa gabi lang naman ako uuwu ditto dahil maghapon ang trabaho ko.”
Mula sa hagdanan pasigaw na tinawag ni Hannah ang kanyang ina.
“Ma!! Ok na yung kwarto!” sabay liko sa direksyon ng papunta sa kwarto nya, at pumasok doon at padabog na isinara ang pinto.
“Naku namang bata ito. Pagpasensyahan mo na ang anak ko at may pagka-masungit. Halika hijo, ipapakita ko sa’yo ang magiging kwarto mo.” At umakyat sila sa hagdanan patungo sa isang kwarto sa dulo ng hallway. Nang mapadaan sa kwarto ni Hannah ay napansin ni Kenneth na nakasilip si Hannah sa pinto at masama ang pagkatingin sa kanya.
Ah! Ayaw mo ata sa akin?! Haha. Bahala ka! Tinanggap na ako ng Mommy mo!
Dahil likas na alaskador ay kinindatan niya si Hannah at ngumiti ng isang nakakalokong ngiti. Napansin iyon ng dalaga at kaagad isinara ang siwang ng pinto. Napangiti naman siya habang naiisip ang masungit na anak ng kanyang langlady.
“Ito ang magiging kwarto mo, ikaw na ang bahala sa kung anong ayos ang gusto mo. Nakatagilid yung kama kasi hindi nagagamit. Magpapaakyat na lang ako ditto ng bedsheet. Sige hijo, bababa na muna ako at ipaghahanda kita ng merienda.
“Naku, salamat po nang marami tita Fhe, wag na po kayong mag abala.”
“Ayos lang. Ipaghahanda ko rin naman ng merienda si Hannah eh. Oh sige Kenneth, kung may kailangan ka ay huwag kang mahiyang kausapin ako.”
“Opo tita, salamat.”