May Naiinggit

88 0 0
                                    

Working days na naman, at dahil parehong may trabaho, halos isang linggong hindi man lang nagkakausap sina Hannah at Kenneth. Kapag umaalis sa umaga si Hannah, nasa kwarto pa si Kenneth, at kapag dumarating naman si Kenneth sa gabi, nasa kwarto na rin si Hannah at inaayos ang mga inuuwing paperworks galing sa eskwelahan.

            Aminin man nila oh hindi ay nami-miss nila ang isa’t isa. Kaya naman excited sila na mag-weekend na para magka-usap ulit sila.

            Araw ng Linggo, maagang nagising si Hannah upang magdilig na mga halaman sa garden. Nasa simbahan kasi ang mama nya at may pupuntahan pa ito matapos magsimba, kaya naman siya na ang nagdilig, total ay wala naman siyang pasok. Maya-maya pa, habang hawak ang hose at pina-uulanan ang mga halaman, isang pares ng kamay ang tumakip sa kanyang mga mata.

            “Kapag hindi mo inalis ang mga kamay mo, kung sino ka man, babasain kita!” banta niya.

            “Eh di basain mo!!!” sabay alis ng kamay at takbo palayo ni Kenneth.

            “Ikaw talaga! Nakakainis ka na! Ang aga aga nambubulabog ka na! Eto’ng sayo!” sabay tutok ng hose kay Kenneth kaya naman nabasa ito. Sya namang pagtakbo palapit sa kanya ng binata at inagaw ang hose at sa kanya itinutok. Para silang mga batang masayang naglalaro sa tubig na lumalabas sa hose. Maya-maya pa’y napaupo na sila sa Bermuda grass ng garden, at sabay nagtawanan.

            “I’m gonna change clothes.” Sabi ni Kenneth at tumayo na para magpatuyo at magpalit ng damit.

            Lingid sa kaalaman nila ay isang boarder nila ang nakasilip sa kbintanang may kurtina at pinapanood ang kanilang paghaharutan. Sya si Miah, isang 2nd year nursing student. Matagal na nitong sinusubaybayan si Kenneth dahil may lihim syang pagtingin sa binata. Kapag gabi inaabangan niya ang pag-uwi nito, at makita lamang nya ang gwapitong mukha ng kanyang lalaking pinapangarap ay buo na ang araw nya. Pero mukhang ngayon ay naunahan na sya ng anak ng landlady nya.

            Hindi pwede! Akin si Kenneth, akin sya Hannah!

            Isang gabi, nakaupo sa silya sa garden si Kenneth habang umiinom ng brandy. Problemado ito sapagkat na-reject ang isang building plan na ginawa nya sa kauna-unahang pagkakataon. Mula sa taas ay natatanaw sya ni Hannah. Bababa na sana sya nang makitang may babaeng lumapit kay Kenneth, si Miah.

            Kumubli sya ng kaunti sa kanyang kinatatayuan at nagmasid sa dalawa. Gusto niyang malaman kung anong susunod na mangyayari. May kaba sya sa kanyang dibdib, lalo pa’t tanggap niyang wala silang commitment ni Kenneth, at pwedeng pwede itong mapunta sa iba.

            “May problema ba, Kenneth?” mahinahong tanong ni Miah sabay upo sa upuan sa kanan ng binata. “Kanina ka pa umiinom, marami ka nang nainom.”

            “Kilala mo ako?”

            “Oo naman, boarder ako ni Tita Fhe dito, I’m Miah.”

            “Ah.”

            “May problema ba? Baka makatulong ako, pwede mo namang I-share sa akin, para mabawasan ang pagka-depress mo.” Gusto niyang maging close agad sa binata upang nang sa gayon ay magkalapit sila.

            “Ah, wala to. About business lang naman to.” Medyo may bahid na ng pagkalasing ang pagsasalita ni Kenneth. Maya-maya pa’y tumayo na ito at lalakad na pabalik sa bahay. Ngunt maagap ring nakatayo si Miah at agad na hinawakan sa braso upang pigilan sya.

            “Sandali lang, Kenneth.”

            “Bakit?” humarap ito sa kanya ngunit dahil sa pagkalasing ay natumba na sa damuhan, at dahil nakahawak sa kanya si Miah, ay nadala nya ito sa pagbagsak. Nakadagan si Miah sa kanya at nagtagal ang ganoong posisyon dahil sa pagkatitig nila sa isa’t isa. Naghiwalay lamang sila nang pumatak na ang marahang ambon, at nagsibalikan na sila sa kani-kanilang mga kwarto.

            Nasa terrace pa rin sa 2nd floor si Hannah. Hindi sya makapaniwala sa kanyang nakita, wala na ang Kenneth nya, wala na ang lalaking pangarap niya, nasungkit na ng iba. Tila tinusok ng punyal ang kanyang puso sa kanyang nasaksihan. Patakbo syang pumunta sa kanyang silid at dumapa sa kama. At kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagpatak ng kanyang mga luha, luha ng sakit sa dulot na pag-ibig niya kay Kenneth.

..BOARDING HOUSE..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon