Macho Gwapito

148 0 0
                                    

   Araw ng Linggo. Wala ang mga lady boarders dahil nagsiuwian ang mga ito sa kani-kanila. Sinamantala ang long weekend dahil undas. Sa terasa ng bahay ay naroroon si Kenneth, nagbabasa ng Dyaryo. Wala syang trabaho nang araw na iyon kaya naman nasa bahay lamang sya. Nakatalikod sya sa may pintuan mula sa bahay, pero nasa lamesa ang eyeglasses nya kaya naman kita niya mula sa repleksyon na nasa pintuan sa likod nya si Hannah. Tumayo sya at isinuot ang salamin, sabay harap kay Hannah at nagkunwaring hindi alam na naroon ang dalaga.

          “Nandyan ka pala, si Tita?” sabay ngiti upang ipakita ang dalawang malalalim na dimples nya. Alam niyang ang ngiti nya ang asses nya pagdating sa mga babae, kaya naman lagi syang ngumingiti kay Hannah.

          “Nasa simbahan. Mamaya pang hapon ang uwi. Nang-aasar ka ba? Ha?” sarkastikong sagot ni Hannah.

          “Nang-aasar? Hindi. Bakit naman?”

          “Eh bat ngiti ka nang ngiti? Kahapon ka pa ah!!”

          “Masama bang ngumiti? Ha? Bakit ba ang sungit mo sakin? Inaano ba kita?”

          “Ah basta!!” Inirapan nya ang lalaki. “Naiinis ako sayo!”

          “May dalaw ka siguro noh! Ang sungit mo!”

          “Bastos! Ewan ko sayo!” sabay alis at punta sa kusina. Bwisit na lalaking yun!

          Napangiti na bumalik sa pagkakaupo si Kenneth. Ewan ba nya pero parang mag something na iba kapag kaharap nya si Hannah. She’s weird.  Ayaw man nyang aminin pero nagandahan sya kay Hannah, especially when he saw her pair of white and long legs. Naga shorts lang kasi si Hannah nang umagang iyon.

          “Ma! I don’t like him! He’s brute! EEW!”

          “Don’t act like a child Hannah. He’s a gentleman and besides, wala namang masama sa pagtira nya rito.”

          “Wala? Naaasar ako sa kanya ‘Ma!!”

          “Whatever… Dito sya nakatira at dapat matuto kang makisama.”

          Mula sa labas ay pumasok si Kenneth, pawisang pawisan at kagagaling lang sa pagja-jogging. Nagtilian ang mga lady borders dahil naka-sando lamang ito ay naka trungs, medyo umumbok ang pagkalalaki.

          “Hi Tita. Hi Hannah. Good morning.” Sabay ngiti kay Hannah. Agad namang umiwas ng tingin si Hannah pero sa totoo lang ay humanga sya sa magandang hubog ng katawan ni Kenneth. May anim na abs ito at napakagandang tingnan ng dibdib. Lalo na siguro kung nakahubad sya… Hannah!! Ano bang iniisip mo!

          “EEW! Magbihis ka na nga Kenneth! Nakakasura ka!” asik nya rito upang hindi nito mapansin ang pamumula nya. Sabay alis at diretso sa kusina.

          “Goodmorning din sayo Kenneth. Napakaaga mo namang mag-jogging.”

          “Holiday po kasi, minsan na lang akong makapag jogging eh. Sige po, magpapalit po muna ako.” At umakyat na patungo sa kwarto nya. Sa totoo lang, sinadya niyang magsuot ng ganoon para ipakita kay Hannah ang magandang hubog ng katawan nya. Pero pati mga lady boarders ng Tita Fhe nya ay nagtilian nang makita sya. Nakangiti syang naghubad ng sando at nagpunas ng pawis. Tatanggalin na sana niya ang trunks niya ng biglang bumukas ang hindi niya nai-lock na pinto.

          “Tawag ka ni Mama…” Si Hannah ang nagbukas. “Aaaaaaaaaaaaaaaah!! Bastos!” naisigaw niya nang mapansing kakahubad na si Kenneth.

          “Bastos? Eh ikaw ‘tong pumapasok sa kwarto ko nang bila bigla, eh nagbibihis ako!”

          “Mag-lock ka kasi ng pinto!”

          “Kumatok ka kasi!” sabay tapis ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan nya dahil halata na ang pagkalalaki nya sa trunks na suot nya.

          “Bumaba ka daw don! Sumabay ka na magbreakfast.” Sabay hila ng pinto at isinara iyon. Nagtagal pa siya sa labas ng kwarto dahil sa mabilis na pagtibok ng puso nya. Si Kenneth? Nakahubad? Sh*t!

Ilang sandali rin syang nanatili sa likod ng pinto ng silid na tinutuluyan ni Kenneth bago nagpasyang umalis. Nakangiti syang dumiretso sa kusina nila upang mag-almusal.

          “Susunod na lang daw sya, may ginagawa pa.” Pagdadahilan niya, sapagkat ang totoo ay  wala siyang narinig na anumang sagot mula kay Kenneth dahil sa pagkabigla na makita ang katawan nito.

          “Ah gano’n ba. Oh kumain ka na at may pupuntahan ako. Ikaw na muna ang bahala rito sa bahay. Wala pa ang ibang boarders, sina Janine at Micha pa lang ang dumating.” Pamamaalam ng ina at saka lumabas na ng bahay.

          Ipaghanda ko kaya ng almusal si Kenneth? Wooooooooooooooooooooooh. Nakakahiya… pero sige na nga… para magkausap na rin kami…

..BOARDING HOUSE..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon