Umaga. Inaasahan na ni Kenneth ang mga mangyayari. Hindi na sya papansinin ni hennah. Iiwasan na sya nito. Lalayuan. Maiilang na ito sa kanya. Lalo pa niyang sinisi ang kanyang sarili nang maalala ang kanyang nagawa nang nagdaang gabi.
Lumabas na siya ng gate upang mag-abang ng masasakyan.
“Hi Kenneth…” anang boses sa kanyang likuran. Nilingon niya ito.
“Miah? Bakit?”
“Wala lang, may gusto lang sana akong itanong sayo.”
“Ano yun?” lingid sa kanilang kaalaman ay nakikita sila ni Hannah, nasa kusina ito at nag aalmusal at natatanaw sila. Halos isubo na nito ang isang buong sandwich upang mabawasan ang pagkainis na nararamdaman niya nang umagang iyon.
“Pwede bang ano… architect ka diba?”
“Oo, bakit? May kailangan ka ba?”
“Kasi ano, magpapagawa kami ng bahay, pwede mo ba akong igawa ng plano?”
“Oo ba, sige, mamayang gabi bababa ako, oh sige, sasakay na ko, bye Miah.”
“Bye. Ingat.”
Dirediretsong nilunok ni Hannah ang sandwich na kanina pa nyang inuupakan. Nabulunan siya, kaya uminom agad ng juice. Nasusuka siya dahil sa nakita niyang pag-uusap nina Miah at Kenneth.
Hindi pwede. Bakit ba kailangang makilala pa kita Kenneth at mahalin kita kung hindi ka rin lang pala mapupunta sa akin?
“Ma, papasok na po ako.”
“Sige anak, mag iingat ka.”
Nasa terasa sa second floor si Hannah at nagtse-tsek ng test papers nang maulinigang umingit ang gate. Awtomatiko niyang iginiya ang paningin doon at presto, si Kenneth ang dumating. ngunit bago pa man sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi, nangunot na kaagad ang kanyang noo sa pagsalubong ni Miah kay Kenneth. Narinig pa niya ang usapan ng dalawa.
“Kanina pa kita hinihintay.” Ani Miah.
“Pasensya na Miah. Maraming trabaho sa opisina.”
“So, saan tayo? Sa kwarto ko ba o sa kwarto mo?”
Nanlaki ang mga mata ni Hannah sa narinig. Ano ang sinasabi ni Miah na saan? Saang kwarto? Anong gagawin nila?
“Sa kwarto ko na lang para walang masyadong sagabal. Maluwang naman don.”
“Sandali lang, kukunin ko lang yung mga binili ko for us. Snacks lang naman.”
“Sige, I’ll wait for you here.”
Hindi na kinaya ni Hannah ang mga naririnig. Halos magduduwal na sya sa kasweetan ng dalawa. Walang duda, mag-on na sila. Bubulong bulong na pumasok sya sa silid niya. Maya maya pa ay narinig niya ang pag uusap ng dalawa nang mapadaan ang mga ito sa tapat ng silid nya. Lumapit siya sa pinto at pinakinggan ang pag-uusap.
“Mamaya mo na hawakan… pagdating sa kwarto.” Naulinigan niyang sinabi ni Kenneth. Ano yung ayaw pahawakan? Anong gagawin nila? Magse-sex ba sila? Nakakadiri ka pala Kenneth!
“Salamat talaga Kenneth ha, salamat talaga.”
“Okay lang un, anu ka ba, libre naman ako pag gabi kaya pwede.”
Walanghiyang Kenneth un! Bastos!
Araw ng Linggo. Parehong walang pasok ang dalawa. Ngunit hindi nakita ni Hannah si Kenneth magmula nang umagang iyon. Kaya naman nagtanong na ito sa kanyang ina.
“Ma, parang wala si Kenneth? Day-Off nya diba?” tanong niya sa ina na naabutan sa kusina na nagmamasa ng harina.
“Nag-file daw sya ng leave kaya matagal na mawawala, may aasikasuhin lang daw sya.”
“Kailan pa sya umalis?”
“Kahapon pa, hindi mo na napansin yon dahil maghapon ka sa kwarto mo.”
“Ah, sige Ma, akyat muna ako sa kwarto ko.” Binilisan niya ang paglakad papunta sa kwarto at kaagad isinara ang pinto. Hindi niya kayang wala si Kenneth. Tila nagunaw na ang mundo niya. Galit ba sya sa akin? Ano bang nagawa ko?Kenneth, kalian ka ba babalik? Nami-miss na kita.