Chapter 4

24 0 0
                                    

KINABUKASAN nag day-off siya sa trabaho para naman makapag-relax siya. Pakiramdam niya kasi naninikip na ang kanyang dibdib sa sobrang stress na nadarama, parang sasabog na ito. Naisipan niyang doon magpalipas ng araw sa kanyang kapatid.

Nabulabog ang kanyang mahimbing na pagtulog sa sunod-sunod na text messages na natanggap. Si Derek iyon, gusto nitong makipagkita sa kanya.

Mabilis siyang nagbihis at nagpaalam na sa kapatid.

"Babalik ka na ba agad sa trabaho mo?"

"Opo, Kuya". Mabilis niyang tugon.

"Akala ko ba nag day-off ka?" Muling tanong nito.

"A-ano kasi Kuya, k-kuwan eh nagkaproblema po kasi sa shop doon sa pumalit sa akin". Kabadong pagpapalusot niya.

Halatang hindi manlang niya na-kumbinsi ang kapatid.

"Nakikipagkita ka pa rin ba sa ex-boyfriend mong may asawa na?" Tanong nitong puno ng hinala.

Alam kasi ng mga ito ang nangyari sa kanila ni Derek. Sino ba naman kasi ang hindi makakaalam kung ilang buwan niya itong iniyakan, ilang buwan siyang nagmukmok at ayaw ng kumain ni ayaw ng mabuhay.

"Wag kang pumayag na maging kabit ka niya, madaming binata diyan sa paligid wag mong pairalin ang puso mo, ikaw lang din ang maging kawawa sa huli". Madamdamin na muling pahayag nito na ikinatigil niya.

Oo, aaminin niya mahal niya parin si Derek, sobrang mahal pero sa tuwing maalala niya ang ginawa nitong panloloko sa kanya bumabalik ang lahat ng sakit at galit sa puso niya.

"Hindi mangyayari iyon Kuya". Aniya sa kapatid saka nagpaalam na dito.

Tumango lang ito at tumingin ng makahulugan sa kanya. Hindi na niya pinansin pa ang kakaibang kinikilos ng kapatid.

"May sakit ako". Malungkot na pahayag ni Derek ng magkita na sila.

Nasa Chinesse Garden sila ng mga sandaling iyon. Hindi siya sumagot, inantay niyang ito na mismo ang magtapat ng kung anuman ang sakit nito.

"Hindi ka ba nalulungkot?" Tanong nito sa kanya.

"Dati pa naman akong malungkot, hindi mo na kailangang itanong pa sa akin iyan, anu ba ang sakit mo? Mamamatay ka na ba at ganyan na kalungkot ang mukha mo?" Napabuntonghininga ito sa sinabi niya.

"Oo". Matipid nitong tugon.

"Oh? Talaga? Maniwala sayo, ang masamang damo matagal mamatay!"

"Totoo nga, masama ba ako?"

"Oo! Sobra! Hindi mo ba alam iyon?" Balik tanong niya sa lalaki.

Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa nito.

"At anong matawag mo sa ginawa mo sa akin pagkatapos mo akong iwanan?" Inis na tanong niya sa lalaki.

"Ice mahal kita, i swear hindi ko ginustong saktan ka".

"But you did!" Mabilis niyang tugon.

"Galit ka ba sa akin? Naririto ka lang ba para gumanti?" Napaiyak siya sa naging tanong nito.

Gustong-gusto niyang gumanti pero kapag sinasabi nito ang katagang mahal nawawala ang lahat ng pagnanais niyang gumanti sa lalaki. Niyakap siya nito ng mahigpit.

"Alam kung mali ito, Ice pero mahal na mahal kita at ayaw kung mawala ka sa akin ulit, aaminin ko kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa atin, nadala ako sa tukso, pero pinagsisihan ko na lahat ng iyon". Emosyonal na pahayag nito.

"Nagsisi ka pa kung kailan huli na ang lahat!"

"Sabihin mo kung anu ang gusto mo, gagawin ko Ice".

THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVEWhere stories live. Discover now