Chapter 3

21 0 0
                                    

MAGHAPON na ang lumipas pero hindi pa rin niya nakikita ang anino ni Ian sa shop.

"Hmp! Mabuti nga walang sisira ng araw ko". Mahinang bulong niya sa sarili.

Nagulat pa siya ng makatanggap ng isang friend request sa facebook mula sa isang Ian Gomez, dagli siyang nag-isip. Nakapublic naman ang mga photos nito kaya malaya niya itong napagmamasdan.

"Siya nga ang lalaking iyon! What a day!" Inis niyang pahayag.

Akala niya nilubayan na siya ng lalaki masaya na sana siya, pati ba naman online nasundan siya.

"Teka paano niya nalaman ang pangalan ko?" Napapaisip niyang tanong sa sarili.

Sa pagkakaalala niya never niyang nabanggit ang pangalan sa lalaking makulit. Inis niyang binagsak ang mouse at ni-ignore ang request nito. Ngunit pabalik-balik iyon sa pagre-request.

"Aba't kahit saan talaga ilagay ang lalaking iyon makulit talaga!" Inis man pero sumusuko na niyang sambit kaya ni-accept niya iyon.

"Makikita mong lalaki ka!"

Napapangiwi siya ng mabasa ang mga nakapost sa wall ni Ian.

"Hi, Mahal". Mabilis niyang ni-post iyon sa wall nito. Nag-antay lang siya ng konting sandali may nagreact na dito.

"Mahal?" Comment ng isang babae.

"Hahaha, Patay ka ngayon, Ian". Comment naman ng isang lalaki.

"Patay ka talaga amf!!" Ulit ng babaeng naunang nag-comment kanina "Sexy Lea" ang profile name nito.

"Huh? Anu yan?" Patay malisya namang comment ni Ian.

Lihim naman siyang napapatawa sa mga ito.

Mag-comment pa sana siya ng biglang nag pop-up ang chat window niya.

"Angel".

"Wag mo akong ma-angel angel animal ka!" Galit niyang tugon sa chat ni Ian.

"Teka lang bakit ikaw pa iyong galit? Ikaw itong may atraso sa akin ah! Pagkatapos mo akong paluin ng walis sa ulo, heto ka't pa-mahal mahal ka pa sa wall ko! Tanggalin mo yon, nagalit ang girlfriend ko!"

"Hahahahahaha!"

"Anong nakakatawa?"

"Ikaw kasi ang haba-haba ng sinabi mo, eh isa lang naman ang sagot doon! Block me Mister kulit!"

"Hindi puwede! Bawiin mo muna ang sinabi mo!"

"At bakit ko naman babawiin aber?"

"Nagalit nga ang girlfriend ko, sabihin mong joke lang iyon".

"Di ikaw ang magsabi tse!"

"Ayaw ngang maniwala sa akin!"

"Hahahahaha!"

"Angel naman please, bawiin mo na!"

"AYOKO! AYOKO!!"

Kanina pa siya walang tigil sa kakatawa ng bigla nalang sumulpot si Ian sa tabi niya.

Sinadya pa nitong nilapit ang mukha sa mukha niya.

"Babawiin mo ba o hahalikan kita?"

"Huh? Anu yan namba-blackmail ka na?" Aniyang hindi manlang nakaramdam ng takot sa maaaring gawin nito sa kanya.

"I swear! Angel hindi ako nagbibiro hahalikan talaga kita".

"Go!" Aniya sabay lapit nglabi sa labi ng lalaki.

Kabado man pero nagbilang siya ng ilang segundo bago kumilos si Ian.

At saktong naamoy na niya ang mabangong hininga nito tinapal niya sa labi ng lalaki ang tasty na hawak hawak.

"Ang cheezy mo naman!" Aniyang walang tigil sa kakatawa.

Paano ba naman napuno ng cheeze whiz ang labi ng lalaki, kung saan kakapahid lamang niya noon sa tasty ng dumating ito.

Dahan dahan nitong pinahid ang cheeze whiz na nagkalat sa labi nito. Medyo nakaramdam siya ng awa para sa lalaki, pero nararapat lang iyon sa kanya.

"Ang sama mo naman, Ice". Madiin na turan nito bago siya iniwan.

Bigla tuloy siyang nakonsensiya sa ginawa, marahil napahiya ito ng sobra.

Pero mas nananaig sa kanyang isipan na ang lalaki talaga mahilig magdrama, magpapaawa effect para lang mahulog ang loob niya sa mga ito.

Pinilit niyang inignore ang precense ng lalaki, ngunit sadya atang gulo ang hatid ni Ian sa buhay niya.

Nag-aaway na ang mga ito sa post niya sa wall ng lalaki, dagdag pa na nakatanggap siya ng friend request mula kay Sexy Lea.

Walang pag-aalinlangang tinanggap niya iyon,at nakakalokong ngumiti.

"Layuan mo ang boyfriend ko! Mang-aagaw ka!" Message na natanggap niya mula kay Sexy Lea.

Ni-offline niya ang kanyang chat window bago sumagot sa message ng babae.

"Paano ako lalayo kung siya itong lapit ng lapit sa akin?"

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Bitch!" Galit na tugon nito.

"Hoy! Bruha wag mo akong matawag-tawag na bitch ha! Baka kulamin kita!" Pananakot niya dito.

Ang totoo niyan hindi naman siya marunong mangkulam, sira-ulo na ang maniniwala.

Hindi na nag-message pa ang babae sa kanya, marahil naniwala nga.

"Abuso ka na! bakit mo naman sinabihan ang girlfriend ko na kukulamin mo?" Si Ian naman ang nag message sa kanya.

Hindi na siya tumugon dito sa halip nag sign-out nalang siya.

"Haaay... Nakaka-stress!!" Aniya sabay hawak sa sintido at pumikit.

"Loka-loka ka talaga, Icee!" Napapailing na muling sambit niya sa sarili.

"Ate Ice, Okay ka lang po ba?" Nagulat pa siya ng kalabitin siya ni Anne kasama nito ang kapatid na si Apple.

Regular costumer niya ang mga ito.

"Oo naman!" Mabilis niyang tugon sabay ngiti.

"Bakit?"

"Wala naman Ate, hindi ka pa ba magsasara? Gala naman tayo sa park". Yakag ng mga ito sa kanya.

Mabilis niyang tiningnan ang relo na nakasabit sa dingding. Mag-aalas onse na pala ng gabi.

"Naku! overtime na pala ako, tara na tulungan niyo akong magsara." Aniya saka mabilis na tumayo.

Pagdating nila sa park napansin kaagad ni Anne si Ian na may kasamang babae. Magkakakilala narin kasi ang mga ito.

"Hoy! Kuya Ian, sino na naman iyan? Bago na naman yan ah!" Natatawang tanong ni Anne sa lalaki.

"Wag kang maingay chicks yan". Tugon naman ng lalaki.

Hindi yata nito napansin na kasama siya ni Anne dahil medyo may kadiliman ang kinakatayuan niya kaya marahil hindi siya namukhaan nito.

Nakaramdam siya ng inis sa sinabi ng lalaki, totoo nga na wala ng matinong lalaki sa panahon ngayon. Muling nadagdagan ang galit na kanyang nadarama para sa mga lalaki.

"Tama! they are all the same!" Aniya sa sarili bago mabilis na nagpaalam sa magkapatid.

Nawalan na siya ng ganang mamasyal.

"Angel".

Bigla siyang natigilan sa boses na narinig, kaya nilingon niya ito. Ganoon na lamang ang kanyang pagkadismaya ng mapag-alaman niyang hindi siya ang tinawag ni Ian kundi ang babaeng kasama nito.

Galit niyang nilapitan ito at walang pasabi-sabing sinampal.

"Next time don't ever try to call me Angel, if you'll also used it to call the other girls!" Singhal niya sa natitigilang lalaki.

Hindi na niya inantay pang maka-get over ito sa ginawa niya. Padabog siyang umalis sa park at bumalik na ng shop.

THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVEWhere stories live. Discover now