Chapter 5

20 0 0
                                    

HINDI manlang siya pinansin ni Ian ng lumabas siya ng shop, himala yatang hindi na siya inasar nito o marahil galit ito sa kanya dahil sa mga ginawa niya dito.

"Anu ka hello! may girlfriend ka tapos sasabihan mo ako ng i love you?" Galit niyang baling sa lalaki.

Ngunit hindi manlang siya pinansin nito. Nakanguso siyang lumapit kay Cynthia.

"Anuang problema ng lalaking iyon?" Agad niyang tanong sa babae.

"Sino ba?" Nagtataka naman nitong tanong.

Abala kasi ito sa kakaayos ng mga cellphone accessories.

"Sino pa, di si Ian". Malakas niyang tugon.

"Ah, yon ba? Dumating kasi kanina si Lea, nag-away yata sila kaya ayan badtrip". Pahayag nitong hindi manlang tumingin sa kanya, abala pa din ito sa ginagawa.

"Sinong Lea?" Natigilan ito sa ginagawa at napatingin sa kanya.

"Girlfriend niya".

"Bruha ka may girlfriend pala pero nilalapit mo ako doon, panggulo ka!" Singhal niya sa babae.

"Naku! bruha ka din wag mong isipin yon malapit ng maghiwalay mga iyon".

"Huh? At bakit mo nasabi iyan?"

"Kasi nandiyan ka na eh, agawin mo na!" Mabilis nitong tugon saka tumawa ng tumawa.

"Sira!" Aniyang nakitawa na rin.

"Pero Ice wag kang ma-curious doon mas maganda ka doon".

"Sino ba iyong Lea siya din ba iyong Sexy Lea sa facebook?"

"Oo, siya nga! Sexy daw pero ang taba-taba". Tugon nitong wala paring tigil sa kakatawa.

Nakisabay narin siya sa pagtawa nito ng biglang lumapit sa kanila si Ian, sabay silang natigilan ni Cynthia, hindi lang sila sigurado kung narinig nito ang pinag-uusapan nila.

Dali-dali siyang nagpaalam sa babae at bumalik na ng shop. Nagtaka siya kung bakit may nakapatong na orange juice sa tabi ng PC niya.

"Kanino galing?"

"Sa akin". Gulat siyang napalingon sa nagsalita.

Si Ian may dala-dala pa itong sandwich bread.

"Patay gagayumahin na yata ako nito o lalasunin dahil sa dami ng ginawa kung kalokohan sa kanya." Aniya sa sarili.

"Magmeryenda kana Angel". Dagdag pa nito.

"Ah, meryenda ba yan? Akala ko abuloy". Pang-aasar niya dito, ngunit hindi iyon pinansin ng lalaki.

"Kumain ka na, babalikan ko nalang mamaya ang baso". Ani nito bago siya iniwan.

Wala siyang ginawa kundi pagmasdan ang pagkain na dinala nito, natatakot siyang kainin ito baka magayuma o malason siya kaya dali-dali niya itong dinala sa kusina at tinapon iyon.

Sakto namang paglabas niya ng kusina nakita niyang nakatayo sa pintuan ng shop si Ian.

"Hinugasan ko lang, salamat". Pagpapalusot niya sabay abot ng baso sa lalaki.

Ngunit sinadya nitong mahawakan ang kamay niya.

"Anu ba!" Pagtataray niya at mabilis na hinila ang kamay, ngunit kasabay noon ay bumagsak din ang baso na hawak nito.

Basag na tumama iyon sa paanan ng lalaki. Mabuti nalang at hindi ito nasugatan.

"Kahit ilang beses mo pa akong sasaktan Angel, lahat ng iyon titiisin ko alang-alang sa pagmamahal ko sayo". Madamdaming pahayag nito na ikinatawa niya ng husto.

THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVEWhere stories live. Discover now