II. Aldrin Gonzales

2K 55 31
                                    

Aldrin

Kung andito kaya ang tatay ko, mas magiging maayos kaya kami?

"Nay, may tanong po ako." Banggit ko sa nanay ko.

"Ano naman yun 'nak?"

"Nay, nasa wastong edad naman na po ako para malaman ito eh. Sino po ba ang tatay ko?"

"Anak naman, kailangan mo pa bang malaman yan? Ang tatay Gerry mo naman andyan at mahal na mahal ka ah? Andyan din si Nadine at Erika na mga kapatid mo, bakit mo pa siya hinahanap?" Medyo malungkot na tono nito.

"Hindi naman po sa ganun nay." Lapit ko dito. "Gusto ko lang po talaga malaman kasi pakiramdam ko, siya ang kukumpleto sa pagkakakilanlan ko sa sarili ko."

"Anak. Wag kang magalala, makikilala mo din siya. Hindi nga lang ngayon."

Hays. Wala na akong nagawa at sa tingin ko mas hahaba lang ang paguusap namin.

"Sige po ma. Nga pala, mag aapply na po akong trabaho. "

"Mabuti naman anak. Nahihirapan na din kami ng tatay mo dahil alam mo naman, di kami bumabata." Ngiti sakin ng aking nanay.

Sa katunayan, hindi ko natapos ang kolehiyo dahil na rin sa kahirapan. Hanggang 2nd year lang ako sa kursong Business Administration. Gusto ko talaga na magpatayo ng isang negosyo na susustento saming pamilya. Aminado naman kaming mahirap talaga kami.

Ay! Hindi pa pala ako nagpapakilala sainyo!

Ako nga pala si Aldrin Gonzales. 19 taong gulang na ko. Half pinoy, half ??? Hindi ko kasi alam kung sino ang tatay ko, pero hindi siya pilipino yan ang sabi sakin ni nanay. Malay? Koreano? Thai? Hapon? Chinese? Hindi ko alam. May pagkasingkit kasi ako at ubod ng puti na kahit maarawan ako ng matagal, mamumula lamang ako at puputi din kaagad.

Si Tatay Gerry ang asawa ni nanay. Maswerte na din ako at mahal na mahal ako nito at tinuturing na anak. Si Nadine at Erika ang mga kapatid ko na anak ni Tatay Gerry at nanay.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako magaapply ng trabaho pero kailangang masimulan ko na kaagad dahil para na din makatulong sa kanila. Jeepney driver si tatay samantalang nagtitinda si nanay sa aming munting tindahan kaya doble kayod talaga kami.

Kinabukasan, sinimulan ko nang maghanap ng trabaho. Tanong dito, tanong dyan. Pasok dito, pasok doon. Ngunit wala pa din akong makita na tunatanggap ng kahit college level lang. Kadalasan ay mga nakatapos ng kolehiyo ang kanilang hinahanap.

Pagod na ako at inabot na ako ng gabi, wala pa din. Sobrang nanlulumo lang ako dahil sa hirap ng buhay na meron ako. Ngayon lang pumapasok sa utak ko na sobrang salat pala talaga ako. Malas ko dahil hindi tumatanggap ng walk-in ang kumpanyang napasukan ko. Bagsak na ang balikat ko ng palabas ako sa kumpanya ng may bumangga sakin na isang lalaki.

"Oh my god hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! God!" Sigaw nito sakin.

"Uhmm. Sorry po. Uh." Nauutal ako dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin ko.

"Ikaw?!!?!?"

"Po?!? Anong ako?!" Nagtataka akong sabi dahil hindi ko pa naman nakikita itong tao na to.

"Why are you here?!??" Sobrang nagtataka na talaga ako.

"Uhm.. Magaapply po sana akong trabaho dito. Uh hmm sorry po..."

Kita ko ang pagtataka nito sa kanyang mukha.

"You don't have to." At bigla niyang nilabas ang cellphone nya. Kitang kita ang karangyaan nya dahil pinakabagong model ng cellphone ang meron siya.

"Put your number there. I'll see you tomorrow."

Anong nangyayari?

"Sir, ano pong meron. Ah eh sino po ba kayo?"

"Rule number 1: Wala masyadong maraming tanong. Nakakairita."

Natahimik ako dun ah.

"Uhm okay po."

"I'll see you tomorrow. 8 am SHARP." At nilakasan nya pa yung pagsabi ng sharp para bigyan ng emphasis. Grabe.

At nagmadali siyang umalis. Sino ba yun? Nakakagulat naman.

"Si Sir Harri yun. Bunsong anak ng may-ari ng kumpanya na to. Ang swerte mo!" Tapik sakin ng isang empleyado. Huh? Naguguluhan na talaga ako. Ano bang meron?!

Pauwi na ako samin na sobrang gulong gulo kung ano ang nangyayari. Bakit gusto nya kong makita bukas? Ano nanaman ba tong pinasok ko? Tsk.
Tinignan ko ang phone ko at nakita ko ang isang message mula sa isang unknown number.

"This is your new boss. Make sure to be on-time tomorrow or consider yourself fired. - H. Anselmo."

Oh shit.

__________________________

Harris

"Pare sobrang funny diba?!" I said while eating fries. I'm talking to Pocholo, my best friend. Kinwento ko sa kanya lahat.

"Oo pare! Gusto mo ba akin nalang? Hahahahahaha!!" He said while laughing.

And yes, he's bisexual.

"Dude, for a guy, he's really cute honestly. Pero you know i'm not into guys. I'm straight for fuck's sake!"

"Look. Is there a way pa ba to escape this trap? I mean dude, your dad doesn't play when it comes to business eh."

"Pare don't worry. I have a plan. And besides, i think the odds are in my favor."

I honestly don't have one. And ang pinagtataka ko, he doesn't know what's happening! He even doesn't look like an heir eh! He looks like a peasant! Wait ako din naguguluhan.

I have to see my dad.

__________________________

Comments are appreciated!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Silver Spoon (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon