Chapter Two:Phone Thief (Our Tandemn)

163 5 0
                                    

Maaga kaming pinauwi kanina dahil sa accidenteng nangyare. Akala ko magiging masaya ang unang araw ng klase pero mali pala ang akala ko. Pagkauwi ko sa dorm namin , wala pa si Sandra. Malamang bka magagabihan yun dahil baka pinagmemeetingan pa nila yung mga pangyayare kanina kasama ang mga ExeCom at mga member ng Clanette-ang aming official student publication.

5:30 na ng hapon. Malapit ng mag gabi kaya napag isipan kong magluto na ng pang gabihan. Gutom na din lang kaya kumain na ako . Nagtira nalang ulit ako para kay Sandra.

Pasado alas syete na nang makarating si Sandra. Halata sa itsura nya ang pagkapagod. Grabi ba naman kasi, patayan agad ang sumalubong samin.

"Kumain kana sandra. Alam kong pagod ka." Minamasa-masahe niya ang ulo habang naglalakad papunta sa tabi ko.

"Salamat Ezma. Nakakaloka ang unang araw ." She blew a deep sigh. "Pasensya na at nagabihan ako , inasikaso pa namin yung case kanina. Dumating kasi ang mga magulang nung biktima. Tapos ang school pa ang sinisisi. Sinabi naman na naming nakulong na ang salarin. Patuloy parin sila sa pag iiskandalo." Tumayo ako saka pumunta sa kusina para kuhanan siya ng tubig. Agad naman siyang nagpasalamat nang maibigay ko ito.

"Hindi mo naman sila masisi, Sandra." Himas-himas ko ang kanyang likod. Inubos niya muna ang isang basong tubig saka ako sinagot.

"Sa bagay. But thanks to Fredrick Agustin-our so-called-student detective. He's the one , who explained what happened in the case." Nakangiti pa ito habang nagkukwento.Kung pagbabasehan ang kayang ngiti, mukhang may gusto siya sa lalaking yun.

Sa bagay may itsura naman si Fredrick. May katamtamang tangkad,may pagkapayat din, matangos ang ilong, may kulay mala abo na medyo singkit na mata, at nakakasilaw ang kaputian. Yun nga lang parang ilang buwan niya hndi sinusuklay ang kanyang kulay brown na buhok, dahil sa gulo nito. Parang nabuhay muli si Einstein.

"Fredrick ? Yun ba yung nag mala detective kanina ? Yung nag imbestiga sa kaso ?" Painosente kong tanong. Nagkunwari akong hindi ko pa masyadong kilala si Fred. Baka kasi isipin nitong stalker ako nun.

Marahan siyang tumango."Ou siya nga. And you know , because of his being good in deductions. Mas lalo akong naiintriga sakanya. Alam mo kasi mahilig ako sa mga lalaking matatalino , kahit hindi ganun kagwapuhan." Napalawak pa lalo ang ngiti niya. "Gusto ko sanang sumali sa club niya, kaso baka hindi ako makapasa sa exams niya. Mapahiya pa ako . Lahat kasi ng nagtatangkang sumali dun nagfi-failed after their examination." Bakit kailangan bang mag exam pag papasok sa club ? Ang daming arte nung lalaking yun.
Pero wait this is my chance para itanung kung anu bang klase ang club niya.

"911 Club. Ibig sabihin daw nun , parang kung may mga problema o may misteryong bumabagabag sayo. You can consult it to that club. And they or should I say He will help you solve your case." Sabi niya nang maitanung ko kung anu bang club ang itinayo nung isang yun.

"Ah so he's the one who own that club. Pero panu mo masasabing club yun eh samantalang siya lang ang member dun." Nagtataka kung tanong . Buti hindi bina-bund yung club na yun.

"Yun na nga ee. Ilang beses na siyang pinagbigyan ng student counsil president namin. Dahil nga sa dahilan niyang walang deserving na maging member nung club niya , pinagbigyan nalang siya. Nakakatulong din naman siya sa mga cases dito sa school." Pagpapaliwanag nya.

Kuuroog ! ~

"Ha-hala ! Sorry Ezma . Gutom na ako. Na-stress kasi ako kanina.Haha" napahawak pa sya sa tyan nya saka napakamot. "Kain lang ako hah ?" Tinanguhan ko lang siya bilang sagot . Tumayo naman siya saka naglakad papuntang kusina.

911 Club. That's very interesting. Mahilig din akong tumulong sa problema ng iba.Bakit kaya hndi nalang sa club na yun ako sumali. Pero bka mapabilang din ako sa mga rejected students na naglakas loob na sumali sa club na yun.

Students DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon