Chapter Four: The Secret Admirer Case (Part I)

86 4 5
                                    

A/N: Salamat po sa mga nag babasa . Maging mga nag bo-vote. Salamat din po. Kaht isa o dalawa lang ang vote ang importante may mga readers ako. I appreciate it guys.

Sa mga readers po , sana wag kayong mag sawa sa pagbabasa. Lovelots :*.

-----

Ngayong lunes maaga kaming pumasok ni Sandra dahil may flag ceremony kami ngayon. Required saamin ang umattend kaya pag nalate ka , iikutin mo oval ng aming school ng sampong beses. So far hindi ko pa naman naranasan yun. Thanks to my roommate dahil siya ang gumigising sakin ng maaga.

Limang linggo na ang nakakaraan ng matanggap ako sa club ni Fredrick. May araw na wala kaming kliyente , may araw ding maraming kumokunsulta saamin. Madalas ang inilalatag nilang mga problema ay nakawan, stalker at may iba pang pinapahanap ang mga alagang hayop. Si Fred ? Hayun nababagot sa pag resulba ng mga kaso. Habang ako ay nag eenjoy. Mas mabuti ngang meron kaysa yung nakaupo lang kami at nakatunganga.

"Hey! Ezma ? Ayos ka lang ?" Tanong ni Fred na ngayon ay kasama kong naglalakad papuntang club room.

Lunch break na kasi namin at halos kakatapos lang naming kumain. Palagi na kasi kaming sabay kumakain. Marami ngang nag aakala na may something daw ba saamin pero palagi ko itong tinatanggi, dahil wala naman talaga. Wala lang saamin ang mga bagay na yun , we're just a clubmate.

"Eh kasi..." napatigil ako sa pagsasalita. Hindi naman siguro kailangan makita ni Fred. "Ah , wala . May naalala lang." Nag patuloy na kami sa paglalakad.

"Really ? Hahaha . You're not good in lying." Natatawang sabi ni Fred. Oh, I almost forgotten ! Kaya niya palang basahin ang isip ko. Tsk.

"Wala nga." Pagmamatigas ko.

"Okay fine."

Kahit na alam kong nakakabasa ng isip si Fred mas pinili ko paring hindi sabihin kung ano ang muli kong nakita. Ilang araw na rin ang nakalipas nang makita ko si Selina na kausap ulit ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit masyado akong aware sa dalawa, but I can feel something bad to that guy. Kung titignan mukhang inosente ang lalaki , aakalain mo talagang wala siyang kamuang-muang sa mundo. Pero sabi nga don't judge a book by it's cover. Huminga ako ng malalim.

"Oh mukhang malalim iniisip mo?" Tanung ni Fred na ngayon ay naka upo sakanyang swivel chair. "Bakit masyado kang naiintriga kila Selina ?" Tanung muli nito habang iniikot-ikot ang kanyang upuan. Hndi na ako nagtaka kung pano niya nalaman kung anu mang tumatakbo sa isip ko.

Umupo muna ako sa  couch na nakapwesto ngaun sa harap niya.
Marami na ding pinagbago ang kwarto ng aming club. Ung mesa ngaun dati na nakalagay sa bungad ng pinto ay napalitan ng maliit at babasaging mesa at ung dating mono block chair ngayon ay napalitan ng dalawang couch na nakapwesto sa magkabilaan ng glass table. Yung mini swivel chair nalang nya ang hindi pa napapalitan.May sentimental value ata ang upuan niyang iyon.

"Ah wala lang." Sagot ko ng makaupo ako sa malambot na upuan.

"Don't tell me... nag seselos ka ?" sabi niya habang pinaglalaruan ang hawak niyang ballpen na parang magic wand at tinignan ako ng mapang intriga niyang mga mata.

"Duh ! Hindi aa. Basta may nararamdaman akong hindi maganda." sabi ko para matigil na kung anu mang iniisip niya.

Sa halos ilang linggo naming magkasama nitong senior ko bilang clubmates , nalaman ko na hindi naman pala siya ganun kasungit at katahimik. Sadyang hindi siya nakikipagusa sa mga hindi niya kakilala. Mas unti-unti ko siyang nakikilala. At isa lang masasabi ko: he's good in deductions.

"Me too. Pero sa tingin ko wala tayong dapat ikabahala, sa tingin ko dintthey're just a love birds that seriously talking about their own problems. So don't mind them , let's mind our own business." Said he, convincing me to believe him. Siya na rin nag sabi , sa bagay baka magkarelasyon lang sila at pinaguusapan lang ang isang seryosong problema.

Students DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon