Chapter Six: The Red Hoodie Man(Transferee and New Member)

79 2 5
                                    

A/N: So here we are, mari-reveal na si Red hoodie Man. May new Character po tayo ngayon.

By the way ano po masasabi niyo kay Samson Bertudez sa Chapter 5 ? Kalaban o Kasamahan ? As a sign of your support, please comment po :)

P.S: Again nag papasalamat po ako sa mga patuloy na nag babasa nito. Sana hindi po kayo magsawang sumuporta :*.
-
Ayon kay Fred pinatawan ng parusang drop out si Steve nang malaman ng kinauukulan ang nangyaring pag tatangkang pag samantala kay Eriqueka. Buti nalang at wala na yung lalaking iyon dito. Salamat sa kinauukulan at hindi nila hinayaan lang ang kasong ito.

"Ano sa tingin mo babae or lalaki ang nagpadala ng litrato ni Rika kay Steve ?" Tanong ni Fred na ngayon kasama kong naglalakad sa hallway.

Sabay na din tuwing umaga kaming pumapasok para mapagusapan ang mga kaso na aming hinaharap.

Kasalukuyan naming pinag uusapan ang tungkol sa identity ng MH na yun.

"I think it's a girl. Come to think of it, mas madali niyang makukunan ng litrato si Rika kung siya ay babae dahil hindi siya pag iisipan ng masama kung nakapasok siya sa locker room ng babae at sa rest room ng mga babae. Right ?" Tugon ko sa tanong na itinapon niya saakin.

"You have a point. Mukhang natututo kana sa pag dededuce at observations." Nakangiti nitong sumbat saakin. Ngayon naglalakad na kami sa corridor sa 2nd floor. "But what if he disguised as a lady? It can be, right?" Tanong niya muli.

Napaisip ako. "Yah it can be. But they're fool kung ndi nila mahalata. Remember, mas musculine ang katawan niyong mga lalaki kesa saaming mga babae. Tama?" Tugon ko naman."And wait , diba hindi kaklase ni Eriqueka si Steve mag ka group lang sila sa club at kaibigan lang sila. Right?" Tanong ko.

"Yup. Anong meron dun?" Napakunot ng bahagya ang nuo ni Fred. Mukhang naguguluhan.

"Naisip ko lang na kung hindi si Steve ang nag padala ng pangalawang litrato baka kaklase ni Rika yung MH na iyon. Kasi nga diba nakuha ni Rika yung second photo sa bag niya nung break time. Kung sa ibang section yun, napaka risky naman ata kung mag eeffort pa siya na pumunta sa room ng target at ilagay sa bag nito yung photo." Paliwanag ko.

Napahawak siya sakanyang baba na parang pinag iisipan ng mabuti ang aking mga isinambit. Then after a minute napatingin siya saakin.

"Napapahanga mo na talaga ako Ezma. Hindi ko naisip yan. Magandang deduction." Lalong lumawak ang ngiti sakaniyang mga labi.

Nang makarating kami saaming classroom agad sumalubong ang balitang may transferee daw ngayon dito sa school at sa section daw namin mapupunta.

"Ezma, alam mo na ba yung balita na may bagong student daw na lilipat dito at sa section daw natin mapupunta?" Salubong saakin ni Selina. Umupo muna ako saaking seat bago siya sinagot.

Marahan akong umiling. "Kailan daw darating itong transferee?" Tanong ko din sakanya. Hindi ko alam pero agad akong nakaramdam ng kaba.

"Ngayon na mismo. Andun nga siya ngayon sa prinsipal's office. Inaayos ang mga papers niya. Balita ko gwapo daw yun ee." Tugon ni Selina. Kung tama ang narinig ko sa salitang gwapo, ibig sabihin lalaki ang transferee namin ngayon. Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko ngayon. Sana mali ang nasa isip ko. Sana hindi siya.

Magsasalita na sana ako ng makarinig kami ng yapak ng sapatos papunta saaming silid. Agad namang nag si upo at umayos ang aking mga kaklase. Alam na kasi nilang paparating na ang aming instructor.

"Goodmorning class." Malugod na bati saamin ng aming guro. Agad din naman kaming tumugon. "I know, nakarating na sainyo ang balita. We have a new student here in our school and fortunately dito siya mapupunta sa ating section." Pagpapatuloy ng aming guro.

Students DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon