Dara's POV
It's Monday.. At ngayon nag-aayos na ko ng sarili ko para pumasok sa bago kong school.
Hay..... Napapabuntung hininga na lang ako, di pa rin talaga mag sink in saken na bago na ang school ko. Bakit ba kasi di man lang ako kinausap ni mama bago siya nagdesisyon... Sa bagay kailan ba naman sila nagka oras saken?
Bumaba na ko sa sala pagkatapos maayos ang sarili ko.
"Iha kumain ka na muna."
Si manang yan.. ang matandang mas naging magulang pa saken kesa sa totoo kong mga magulang.
"Opo manang."
Umupo na ako sa hapag at agad naman inihain ang niluto niyang sinangag at beef steak.
"Wow manang, namiss ko ang sinangag ninyo."
Paborito ko talaga ang sinangag ni manang. Pero kahit na ito ang araw-araw na gusto kong almusal ay di ko pa rin ito matikman. Niluluto lang kasi ito ni manang kapag wala sina mama. Ayaw kasi ni mama na kumakain ako ng sinangag, pangmahirap daw.. Tsk, kung ganitong pagkain ang pangmahirap ay okay lang na maging mahirap.. hahaha...
"Huwag mong sasabihin sa mama mo na pinagluto kita niyan ha. Ilang araw ka kasing di kumain kaya naisipan ko na ipagluto kita niyan tutal wala din sina ma'am."
"Oo naman manang! promise po! Ipagluto niyo po ule ako bukas ha! The best po talaga sinangag ninyo!"
Nagthumbs-up pa ko kay manang habang ninanamnam ang almusal ko. Napangiti naman si manang at pinagpatuloy na ang paglilinis sa bahay.
Nang makatapos kumain, nagpaalam na ko kay manang at nagpahatid na kay Mang Ed sa Bang University. Sabi ni Bom, International University daw yun. Kaya lang bakit ganun, international university tapos parang ang panget naman ata ng pangalan ng school. Haha.. kakatawa parang namamaril lang ang pangalan eh..
"Miss nandito na po tayo."
Di ko napansin na nasa school na pala kami.
"Ah sige Mang Ed, salamat po."
Agad na kong bumaba sa sasakyan at hinarap ang eskuwelahan sa harapan ko. BANG UNIVERSITY. Tsk.. ang panget talaga ng pangalan.
Habang naglalakad ako, pinagtitinginan ako ng mga estudyante dito. Siguro dahil sa bago lang ako dito.
Kaya lang bakit ganun sila makatingin? parang diring diri sila sa akin..
"DARA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Halos matumba ako ng bigla akong yakapin ni Bom.
"Bommie sandali lang, hindi ako makahinga."
Grabe, balak ata ako nitong patayin sa pagyakap niya saken eh.
"Oh sorry." Agad din naman siyang bumitaw nung napansing namumutla na ko.
"Buti naman at pumayag ka na dito na pumasok."
"As if naman may choice pa ko, di ba?"
Nagkibit balikat lang si Bommie at kumapit na sa braso ko.
Patuloy pa din sa pagtingin saken ang mga estudyante dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/94628381-288-k995442.jpg)
YOU ARE READING
When Everything's Gone
Teen FictionA story which will show what a real FAIRY TALE is... Who will you choose? A prince or a dragon?