Cause They're Big Bang

195 4 0
                                    


GD's POV

Agang aga nakapagpawis agad. Tsk.. hinubad ko na agad ang damit ko at nagsuot ng isang itim na t-shirt.

Bakit ba kasi ang daming tanga sa mundo? Maglalakad na lang, di pa tumitingin sa daan.

"Hey GD ok ka na ba?" sabi ng panda sa gilid ko.

"Tsk.. ang panget mo."

Nagulat naman siya sa sinabi ko at agad na humarap saken.

"Ako panget?! Baka di mo alam..." 

Tumayo ito at hinawak-hawakan ang baba niya at ipinungay ang mata na di malaman kung saan nakatingin. tsk.. sira ulo pa rin talaga

"maraming babae ang handang isuko ang Bataan para sa mukhang ito." pagpapatuloy niya.

"Pano hindi susuko? Eh tinututukan mo agad ng baril mo, tsk... kumbaga napilitan na lang kasi no choice." pang-aasar naman nitong si doraemon.

"YAh!!! Doraemon manahimik ka dyan! Sila ang lumalapit saken!"

"Talaga lang ha? Eh halos habulin mo na nga nung isang araw yung babaeng nakilala mo sa bar hanggang sa banyo eh." 

"Sira ulo ka! Sabi niya kasi she wants to try it in the C.R."

"Alin ang itatry nyo? Ang tamang posisyon sa pag-ihi? Haha... Nakakadiri ka talaga Rie, ni hindi ka marunong pumili ng lugar. Para kang aso kung saan na lang abutin ng libog. hahahah"

"Ikaw Doraemon ka! Sino ka para ikumpara ako sa aso?!"

Naghabulan sila na parang mga sira sa loob ng kwarto kung nasaan kami. Tsk ang aso at pusa na 'to ang sarap itapon sa labas.

Para silang mga takas sa mental na nagwrerestling.

"Stop it." mahinahong sabi ni Top. Habang hawak ang kanyang noo.

Pero patuloy pa rin ang dalawa sa kagaguhang ginagawa nila.

Pumikit si Top at pagmulat niya ay saktong tumama ang tingin ng dalawang gago sa kanya. 

"If I said stop, YOU SHOULD STOP!" mariing sabi ni Top. Tsk.. para namang mga naging tuta at kuting si Rie at si Dae pagkatapos masigawan ni Top.

Ano pa nga bang aasahan sa dalawang gagong ito, eh lagi naman silang nag-aasaran. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa pader para makapahinga.

Si Top hayun pinagpatuloy ang pagbabasa sa kung ano mang libro ang binabasa niya.

Si Rie at si Dae naman andun parehas sa sulok parang mga tuta at kuting na takot masigawan ng amo..

Tsk... mga sira ulo.. 

Napakamot ako sa ulo ko. Masyado na atang nagiging boring sa school na ito.. Wala ata akong masyadong nakakapagtuwaan ng nagdaang araw.

Makapagrequest kaya kay tanda na magtayo ng boxing ring sa school.. Mukhang magiging masaya yun pag nagkataon.

"Hey wanna see a nice scene?"

Napatingin naman kami kay Taeyang na nakaupo malapit sa may bintana at mukhang may tinitingnan sa baba.

"Why? Meron bang chika babes dyan?" agad namang nagtatakbo si Rie sa direksyon ni Taeyang at tiningnan kung ano ba ang tinutukoy nito...

Sumunod naman agad sa kanya si Dae.

"Ooohhhhhhhhh"

Namimilog ang nguso ng dalawang yun na di ko maintindihan ang dahilan. Wala akong pakealam. Tinatamad akong tumayo. Paniguradong mga bitch na naman ang tintingnan ng mga yan kaya namimilog ang nguso.

When Everything's GoneWhere stories live. Discover now