DARA'S POV
Nakipagsiksikan ako hanggang makarating sa unahan. Gusto ko lang malaman kung ano bang pinagkakatuwaan nila. Nang nasa maayos na puwesto na ako tiningnan kong mabuti kung ano bang meron.
May limang lalaki ang nasa gitna ng nagkakatuwaang mga estudyante... Nakatalikod sila mula sa kinatatayuan ko. Iginalaw-galaw ko ang katawan ko upang makita kung ano ba ang ginagawa nila.
Nang lilipat na sana ako ng pwesto dahil hindi ko makita ang dapat kong makita, biglang may tumilapong estudyante. Nagmula yun sa mga limang lalaking nasa gitna.
Nanlalaki ang mata ko sa nakikita ko.
Dugo... Napakaraming dugo...
Bugbog sarado ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Susubukan ko na sana siyang lapitan para tulungan pero biglang lumapit ang pinakamatangkad sa limang lalaki at tinapakan ang ulo nito.
"Tsk.. ang boring." nagsmirk siya pagkatapos sabihin yun.
Hindi ako makagalaw. Masaya silang lahat habang nanonood. Sumisigaw sila sa tuwa. Ang mga estudyante dito, alam ba nila ang nangyayari? Bakit sila nagsasaya ng ganito.
"WHOOOOOOOOOOOOOO...................." sigaw ng ilang grupo ng kalalakihan.
Ano ba talagang???????????
"YAaaaaaaaaaaaaaa... Seungri babe I love you"
" Baby Top akin ka na lang, papabuntis na ako sa iyo."
WTF? Anong kalokohan yun?
"Dae,, you're so cute..."
Nasan? Nasan? Nasan ang cute? Bakit parang wala naman?
"Taeyang have a baby with me?"
Ano ba? Masyadong nagmamadali sa buhay? Anak agad?
Hindi tanggapin ng mga tenga ko ang naririnig ko sa mga baliw na babaeng ito.
"SHUT THE FUCK UP!!! YOU BITCHES!!"
Halos natigil ang lahat ng kabaliwang pinagsisigaw nila. Isang sigaw niya lang pero halos kinain noon ang kaluluwa ko. Ni hindi ko maalis ang titig ko sa lalaking nanggagalaiti sa galit. Napakagulo ng damit nya pero hindi siya nagmumukhang madumi, nagpadagdag pa ito sa angas niya. Ang pula niyang buhok... teka bakit pula ang buhok nito? Hindi ba bawal yun sa eskwelahan? Nawala ang atensyon ko sa pag oobserba sa kanyang hitsura nang bigla niyang dakmain sa kuwelyo ang halos wala ng malay na lalaki sa paanan ng kasama niya.
"Sa lahat ng ayaw ko, yung nadudumihan ako dahil sa katangahan ng iba. Alam mo ba kung magkanong 'tong sapatos ko?"
Halos hindi na makapagsalita ang kawawang estudyante sa tanong ng lalaking pula ang buhok.
"H-Hindi ko....
sinasadya."
Lalo pang hinigpitan ng lalaking pula ang buhok ang pagkakasakal sa kuwelyo ng estudyante. Nasan ba ang mga guro dito???
Nagpalinga-linga ako. Wala akong makitang guro. Tsk.. Saka ko lang naalala na sa unahang building tumitigil ang mga guro kapag break time. Tsk. Masyado yung malayo mula dito.
"Tulungan nyo siya." hinila ko ang braso ng lalaking katabi ko. Hindi ko siya kilala pero lalaki sila at estudyante din dito. Hindi naman siguro masama kung tulungan niya ang kapwa nya estudyante?
![](https://img.wattpad.com/cover/94628381-288-k995442.jpg)
YOU ARE READING
When Everything's Gone
Teen FictionA story which will show what a real FAIRY TALE is... Who will you choose? A prince or a dragon?