DARA'S POV
Di ko pa masyadong napaprocess lahat ng nalaman ko kay Bom. Hindi naman ganun kadami mga sinabi niya pero parang ang hirap tanggapin sa tenga.
Una na dun ang katotohanang wala talagang guidance sa school na ito. Ikalawa, natural lang dito ang bugbugan. Kung hindi mo kayang sikmurain ang ginagawa ng mga estudyante, malaya kang makalalabas ng gate at huwag ng susubukan pang bumalik. Ikatlo, walang pakialam ang mga guro sa gulong nangyayari sa eskuwelahan, tanging pagtuturo lamang ang kanilang binibigyang pansin. Nasa sa'yo na kung mag-aaral ka o hindi.
At ang pinakamalala sa lahat, may isang grupo na hindi dapat banggain sa eskuwelahang ito. Kung gusto mong mamuhay ng tahimik at makapagtapos ng pag-aaral, huwag mong susubukang sumalubong sa kanilang daraanan. Binubuo sila ng limang miyembro.
Daesung aka Dae.
Isa sa chinito ng grupo. 17 years old. Masayahin pero huwag susubukang galitin, di man ganung kagaling sa bugbugan, marami yang utusan na kaya kang lumpuhin. Nagmamay-ari ng naglalakihang mall sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. May kinaaadikan daw na cartoon na pusa ayon sa tsismis.
Seungrie aka Rie
Lover boy ng grupo. One Call Away ang theme song nyan pagdating sa mga babae. Kahit nasaan siya basta may magandang babaeng bibigay sa kanya ay walang pag-aalinlangang pupuntahan. Pinakamaingay sa limang miyembro. Ang ama niya ang nagpapalakad ng halos lahat ng bangko sa Pilipinas.
Taeyang aka Sol
Isa pa sa chinito. He has this so called killer smile. Handang makipagsabunutan ang mga babae, mapansin lang niya. He's the good boy in the group. Pero ang kabaitan niya ay nawawala kapag barkada na niya ang naaagrabyado. Nagmamay-ari ang pamilya niya ng naglalakihang fashion agency.
TOP
The serious one in the group. Huwag kang magsusubok na mag-ingay kapag nagpapahinga o nagbabasa siya ng libro kung ayaw mong makita ang halimaw na tinatago niya. Kahit supladong tingnan maraming babae ang nagkakandarapa kahit makita lang ang dulo ng kuko niya. Nagmamay-ari ng business na may kinalaman sa mga luxury cars.
Kwon Jiyong aka GD
The leader. The hot tempered. The dragon. The monster. The red haired guy. Oo tama siya ang galit na galit ang buhok sa kulay pula. Walang nagtatangkang lumapit sa kanya maliban sa mga kagrupo niya. Huwag mong susubukang tumitig sa kanya dahil hilig niya ang mambugbog. Walang pinapalampas, siguradong duguan kang uuwi pag ikaw ang napagtripan. Nagmamay-ari ng naglalakihang kompanya sa Pilipinas at US at higit sa lahat apo ng may-ari ng Bang University.
At ano pa nga ba ang pangalan ng grupong ito? Walang iba kundi ang pinagtatawanan kong pangalan ng school na ito.
BIG BANG......... (-_-)
tsk.. ang grupong basagulero.
"Dara naintindihan mo ba ang mga sinabi ko?"

YOU ARE READING
When Everything's Gone
Teen FictionA story which will show what a real FAIRY TALE is... Who will you choose? A prince or a dragon?