[POSER LOVESTORY] --- chapter 5

131 6 3
                                    

CHAPTER 5. Her POV ( He's MINE prt. 2 )

LEA's POV

hayyyy nakakapagod tong araw na toh >_<

grabe ang dami kong nakausap na costumers kanina, meron pa ngang matanda e. naBAITAN sa akin XD kaya binigyan niya ako ng tip na 100 pesos! ayos diba? alam kasi ni Lord na wala akong pera kaya gumagamit siya ng mga tao XD

tapos naibigay na pala yung sweldo ko...malaki laki na rin toh hahaha pero dapat kasi 380 lang XD eh sympre kapamilya ko yung may-ari kaya nagbigay siya ng +500 tapos si tita Ces din kasi ninang ko pala siya XD binigyan niya ako ng 500 kanina pagbab ko sa sasakyan niya HAHAHAHA. Galeng noh?

bali 380+500+500+100 na tip sa akin...

a total of Php. 1,480 all in all xD sa mga ganitong bagay, nagagamit ko ang pagiging future accountant ko bwahahaha :3

"Oh Lea andito ka na pala"Papa

*mano*

"Opo, kanina pa po"

kararating lang ni papa galing sa pasada, jeepney driver nga kasi siya.

"Oh kamusta yung trabaho mo?"Papa

"Okay naman po, medyo nakakapanibago at nakakapagod pero okay lang po"

"Oh, tignan mo yung tito Edward mong yun, nagsimula lang naman yun sa pagiging cashier sa isang restaurant tignan mo ngayon, may sarilin na siya. Ganun dapat anak"Papa

at eto na naman po ang mga pangaral ng aking mahal na ama XD

"Opo pa. sige po taas na po ako"

"Ok sige"Papa

( kwarto )

ayyyy sandale...asaan ba yung cellphone ko? para kanina nakita kong may nagtext dun ah..hindi ko muna kasi binasa kasi nakakahiya naman sa tita ko XD

4 New Messages

Opening 4 new messages...

From: Bes_Lorrainne

Bes, punta ka ba sa shop mamaya?

- end -

From: Bes_Lorrainne

Good aftie^_^

@ shop. ALONE. may lakad ata si bff e=((

kkkkkshareeeee! :">

~Lorrainne26

- end -

From: PrinceLhanceKo<3

BACK OFF! HE'S MINE!

- end -

From: 0926*******

Layuan mo na boyfriend ko, akin lang siya.

- end -

wait, ano yung text ni Lhance na yun?

tska sino tong unknown number na nagtext sa akin?

To: 0926*******

Who you?

- end -

To: PrinceLhanceKo<3

Lhance?

- end -

wait nga lang magsha-shower nga muna ako. mamaya ko na babalikan toh.

sino kaya yun? bakit niya alam yung number ko? at sinong boyfriend? bakit ko naman lalayuan yung boyfriend niya? Hindi naman si Lorrainne yun, kasi alam ko, kabre-break lang nila ng boyfriend niya. At tska kung si Lorrainne man yun.....teka...hindi talaga si Lorrainne yun e.

POSER LOVESTORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon