Chapter 15. FIRST DAY.
Masyadong maraming nangyari kahapon.
Hindi ko inaakalang mangyayari kaagad ang pinakakinakatakutan kong araw.
Pagkatapos ng pangyayaring yon kahapon, hindi ako tinanong ng kahit isa sa pamilya ko ang tungkol sa nagawa ko kay Xian.
Pero kesa naman mas makadagdag pa yun sa bigat na nararamdaman ko, sinabi ko na kay Mama at Papa. Wala naman silang sinabi maliban sa, "Ano pa nga ba? Nangyari na e. Tapus na. Hayaan na lang natin."
Labag man sa loob ko ang pagpayag ko sa kondisyon na binigay ni Xian kahapon, wala akong magagawa kundi tanggapin na lamang. Gaya ng sinabi ni Mama.
*beep* *beep*
"ATE!! BUMABA KA NA!! ANDYAN NA YUNG SUNDO MO!!" Jan-jan.
Dali-dali naman akong bumaba sa kwarto ko bitbit ang aking bag.
"Mama, aalis na po ako."
"Sige. Ingat ka. Wag kang gagawa ng kashungahan dun nak ha?" Mama
"Ma! Opo. Sige po."
at lumabas na ako sa bahay..
Nagulat naman ako sa bumungad sa aking sasakyan paglabas ko.
Para akong isang prinsesang sinusundo!
may tao pang nagbukas ng pintuan para sa akin.
Yung totoo? Trabaho ba talaga ang pupuntahan ko?
Habang papalapit ako sa sasakyan. Ang dami kong naririnig na nagbubulungan sa paligid ko.
"Naks, Lea! Asensado ka na ah!" Kapitbahay 1
"Shota mo ba yung kahapon na pumunta dito? Baka naman may kapatid yun, pakilala mo naman ako!" Kapitbahay 2
Ay nako. Kung alam lang nila ang mga nangyari! -__-"
*
CHUA'S RESIDENCE
pagbaba ko sa sasakyan, natulala ako nung nakita ko yung bahay este mansion.
as in! yung mukha ko from -_- naging O.O !!!
Ni minsan sa buhay ko, hindi ko inakalang makakapasok ako sa ganito kagarang bahay!
"Ms. dito ka papasok, hindi ka pwedeng pumasok dyan sa main door." Kuya

BINABASA MO ANG
POSER LOVESTORY
RomantikPOSER --- sa panahon ngayon, uso ito. Nagkalat sila sa mga social networking sites like Facebook, Twitter, Intagram, Tumblr etc. Bakit ba nila 'toh ginagawa? Para saan? para mang trip ng mga tao? Para magkaroon ng lovelife? Eh, paano kung nainlove...