Chapter 14. ONE CONDITION
O.O
“So you’re Ms. Garcia?”
“Ah..ahmm..an..a-ako..nga po…”
“Xian..Xian Chua….”
O.O
Inabot naman niya ang mga kamay niya sa akin…nakikipagshake hand siya..
Ang mga kamay niya, sobrang lambot..halatang hindi siya naglalaba, naghuhugas o ano!
Kutis mayaman talaga…
Tinitignan ko yung mga taong nakapaligid sa amin, kasama ang mga body guard niya ba ito?
Ang mga hitsura nila ay mga tulo laway, nganga, parang nagde-day dream..
Lagot Lea, paano na ito? Eto na yung araw na kinakatakutan mo! Lagot ka na talaga!!
“Ah..a-ano p-pong kail..kailangan n..niyo?”
Ayusin mo nga pananalita mo!! Ano ba! Napaghahalata ka kapag ganyan e!
“Hindi mo ba kami papapasukin?”Xian
Nagtatagalog na siya? Tinuruan ko na ba siya? Hindi pa naman diba? O.O
“Ah pasok po kayo” Singit ni Felix at Carlo..
Napatabi naman ako sa sa labas habang pumapasok sila sa bahay namin..

BINABASA MO ANG
POSER LOVESTORY
RomantikPOSER --- sa panahon ngayon, uso ito. Nagkalat sila sa mga social networking sites like Facebook, Twitter, Intagram, Tumblr etc. Bakit ba nila 'toh ginagawa? Para saan? para mang trip ng mga tao? Para magkaroon ng lovelife? Eh, paano kung nainlove...