Di nagtagal, nakaabot si Alexandra sa may back part ng school kung saan kami nagtatago, pero di pa siya nakakaabot sa may Acacia tree.
Bumalik kami ni Alexander sa Acacia tree. "Sige na, mngtago lang kayo diyan. Ako na'ng bahala sa kambal ko," sabi niya.
Lumabas siya ng Acacia tree at naglakad forward upang hanapin si Alexandra. Hindi pa siya nakakalayo sa Acacia tree, nahanap na rin siya ni Alexandra. "Oh Alex, nakita mo ba sila," tanong niya kay Alexander.
"Hindi," nagsinungaling siya para masave kami.
"Saan kaya nagtago ang dalawang yun?" tanong ni Alexandra.
Lahat ng pinag-uusapan nila ay naririnig ko pero something came up... "Daga!" tinakpan ko agad ang bibig ni Lianne na nakakita ng malaking daga.
Inunahan ni Alexander si Alexandra. "Alexandra, wag mo silang saktan... Ako na lang, diba gusto mong maghiganti sa mga taong may nagawa sa'yong masama... Ako! Minahal ko ang isang babaeng gusto mong ipaghiganti."
<flashback>
Highschool ako ng naging bf ko si Alexander. He is very kind and a lovable man, kaya naniniwala rin akong, may puso pa ring natitira kay Alexandra.
Alexandra- pinakatahimik sa 7G
Habang nagmamahalan kami ni Alexander, hindi ko namang gustong saktan ang puso ni Alexandra.
Sa tuwing nakikita niya kami ni Alexander na magkasama, she always walk away. Siguro nagseselos siya kasi sa ibang tao na nakatuon ang atensyon ni Alexander, at hindi na sa kaniyang kambal. Sila na lang na dalawa ang magkakampi sa buhay magsimula pa ng mamatay ang kanilang parents.
At that time rin, nakilala rin ni Alexander si Lianne.
Lianne Sea- pinakamayaman at leader ng 7G
One day, iginanap ang contest, isang singing contest. Sumali si Lianne sa contest na ito nang hindi nalalaman ni Alexandra. Ang alam naming lahat ay ang sumali lang sa 7G sa singing contest na iyon ay si Alexandra, yun pala, sinurprise kami ni Lianne na kasali rin pala siya.
Before pa naganap ang contest...
"Alexandra, pwedeng papicture ng lyrics mo sa singing contest? Gusto ko kasing mabasa yung sinulat mo." sabi ni Lianne kay Alexandra.
Pareho silang singer ni Alexandra, ang pinagkaiba lang, si Alexandra lang ang magaling magcompose. Ipinapicture rin ni Alexandra ang kaniyang lyrics kay Lianne dahil alam niya naman na hindi naman ito sumali sa singing contest.
"Thank you, Alex." Binasa niya ang lyrics. "Umpisa pa lang ng kanta, catchy na." sinabi niya with sarcasm.
During the contest...
Naunang magperform si Lianne sa contest bago pa kay Alexandra. Nagulat ang audience nang makita si Lianne. Ang tanging nakakaalam lang nito ay ang nagrecruit at sinabihan ni Lianne ang recruiter na huwag itong ipapaalam sa iba. Kinanta ni Lianne ang lyrics ni Alex pero iniba niya lang ang tono. Ipinalabas pa niyang ginaya siya ni Alexandra sa lyrics. Kinanta pa rin ni Alex ang song niya, at hindi na lang siya nagreklamo tungkol sa issue na nanggaya siya ng lyrics ng iba.
<future>
<9:00 pm>
"Tumigil ka at hayaan mo na lang ako makapaghiganti," tinulak ni Alexandra papaalis sa kaniyang harapan si Alexander.
BINABASA MO ANG
The Twin's Revenge
Mistério / Suspense~The story where revenge is doubled.~ Si Cassidy, isang fifteen year-old girl, kung saan mararanasan niya ang kakaibang experience sa buhay niya. Nalaman niya na mamamatay siya kasama ang iba pa niyang friends na nakalapat na sa prophecy. But the qu...