---------
Tuesday 6:21 p.m
Cedrick Min:Kylie!
Cedrick Min:Hoy!
Cedrick Min:magreply ka!
Cedrick Min:Yah Kylie Im!
Cedrick Min:May problema ba?
Cedrick Min:sabihin mo lang kung meron nandito ako makikinig sayo
Cedrick Min:alam mo para akong baliw dito magreply ka kahit seen lang
Cedrick Min:Aish bahala ka diyan pasalamat ka ako unang nagchat sayo eh
Cedrick Min Just Logged Out
*******
》Cedrick's Point Of View《
Napasabunot na lang ako sa buhok ko, Aish ano ba pinagsasabi ko dun sa babaeng yun di naman ako ganito dati ah.
"Aish!"
"Huy!problema mo?!" sigaw sakin ng roomate kong si Jim Park na mas kilalang Jim na nakahiga sa isa pang kama katabi nung sakin habang nag ce-cellphone.
"Wala!" sigaw ko sakanya.
"Aba nagtatanong lang po ako sumisigaw ka na!" sigaw ulit niya sakin.
"Ewan ko sayo! lalabas lang ako at magpapahangin" paalam ko sakanya, pero ang loko napatawa nang mahina "Sobrang hot ko ba kaya ka naiinitan?" mapanukso niyang tanong sakin habang tinataas baba ang kilay niya kaya binato ko siya ng unan na malapit sakin at yun headshot!
Napahawak na lang siya sa ulo niya dahil sa sakit matigas yung unan na binato ko eh "Hyung naman ang sakit sakit nun!" reklamo niya at iniwan ko na siya dun.
*****
Habang pababa ako nang hagdan may narinig akong ingay sa kusina, at di malamang dahilan napatayo lahat ng balahibo ko sa katawan.
Dahan dahan akong pumunta sa kusina para tignan kung ano yung ingay na yun. At habang papalapit ako sa pinto ng kusina ramdam na ramdam ko abg panginginig ng katawan ko "Gahd please wag multo" sabi ko sa isip ko at akmang bubuksan ko na yung ilaw nang may mga kamay na naunang pumindot nito.
Pagtingin ko sa taong may ari nang kamay ay bigla na lang akong napasigaw.
"AAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!"
"Aish ano ba yan Ced ang ingay ingay mo!" sigaw nang kung sino.
"Harold?! anong ginagawa mo sa kusina?! gabing gabi na ah!" tanong ko kay Harold Jung o mas kilala bilang Harold karoomate ko rin tong kabayong ito.
"Nagutom ako kaya nandito ako sa kusina. Ikaw bakit di ka pa tulog?" tanong naman niya sakin "Magpapahangin lang ako sa labas" sabi ko kaya tumango naman siya at dumiretso na ako sa labas para magpahangin.******
'nae gieogui guseok
han kyeone jarijabeun galsaek piano
eoril jeok jip anui guseok
han kyeone jarijabeun galsaek piano'
Kanta ko habang lumalakad lakad pinagpatuloy ko pa ang pagkanta habang naglalakad.'geuttae gieokhae
nae kiboda hwolssin deo keotdeon
galsaek piano geuge nal ikkeul ttae
neol ureoreobomyeo
donggyeonghaesseone
jageun songarageuro neol eorumanjil ttae
"I feel so nice, mom I feel so nice"
geujeo son gadeon daero geonildeon geonban
geuttaen neoui uimireul mollasseone
barabogiman haedo johatdeon geuttae'Then suddenly. . . . .
*clap *clap *clap
I turned my head sa taong nagpalakpak at laking gulat kong si Kylie pala iyon.
"K-kylie?"
"Ang ganda ng kanta mo Ced" sabi nito at ngumit alam kong hindi yun masayang ngiti kitang kita ko yun.
Tsaka nagtataka ako sa suot niya naka black na jacket siya at loose pants ano naman trip nitong babaeng to tsaka bakit gising pa siya at paano niya alam kung saan yung bahay namin?
"Bakit ka pa gising? Gabing gabi na ah" tanong ko dito "Ahh di kasi ako makatulog kaya naglakad lakad muna ako tapos napadpad ako dito"
Sabi niya habang nakayuko."Oy bakit ka nakayuko?" Tanong ko dito at lumapit ako para makita yung mukha niya pero umatras siya.
"W-wag please" pabulong niyang sabi pero narinig ko yun."Bakit ba?" Tanong ko dito pero di parin siya nakatingin sakin.
I don't know what's gotten into me pero hinila ko siya at niyakap, nagulat siguro siya, pati din naman ako eh, nagpupumilit sya makaalis pero hinigpitan ko ang yakap ko sakanya and then I whispered
"Sabi ko naman diba kapag kailangan mo ng kausap nandito lang ako para sayo"
---------
Happy happy happy new year guyssss!!!! Nalate ako magud gahdd
BINABASA MO ANG
Hi Crush! ⇝ m.yg【Book 1】
Proză scurtă↛ ❝Uy pansinin mo naman ako oh!❞ 『Min Yoongi x Im Yoona』