"Isaaaw~ bili na kayo mga suki!!"Ang bango huhu gusto ko tuloy kumain pwede ba kumain ang multong katulad ko? Ano ba yan hindi ko manlang naitanong kay Cindi kung pwede ba kumain ang mga multo.
'Pa'no mo malalaman kung hindi mo susubukan'
Oo nga 'no!? Napangiti ako sa naiisip ko great.
Lumapit ako sa nagtitinda at onti onting kinuha ang pagkain pero bat ganun? Hindi ko mahawagan tumatagos yung kamay ko.
Inulit ko ulit ang ginawa ko onti onti kong kinukuha yung isang barbeque na binebenta ng nagtitinda pero hindi ko pa din nakuha.
"Huhuhuhu" Bat ganoooon!
Naiinggit tuloy ako sa batang may hawak ng barbeque mukhang masarao yung barbeque'ng kinakain niya.
Nakatingin lang ako sa pagkain ng bata habang nakasad face nakakaiyak naman gustong gusto ko na kumain ilang taon na kaya akong hindi kumakain? Matagal na kaya akong patay?
Hays, Lumapit ako sa bata susubukan ko kainin yung pagkain niya.
"Waaah! Omaay!" Omg! Nakakain ako! Hindi ako Patay gutom 'no!
Sadyang gustong gusto ko lang masubukan kumain ng pagkain So ganun pala? Para makakain kailangan hawak ng tao?
"Ate bakit ka kumagat sa Barbeque ko?" Napalingon ako sa bata nakita niya ako!?
"H-ha? Kumagat ba ako?" Tanong ko.
"Uh Opo"
"Bata M-multo ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi po bakit po?" Tanong niya saakin pa'no niya ako nakikita at nakakausap?
Kung ga'non makakakain lang ako kapag alam ng tao? Parang ang hirap naman 'non.
Naglakad na ulit ako ngayong araw ko kasi balak maghanap ng matitirahan gusto ko yung malaking bahay at may mga kasama boring naman kung ako lang mag isa diba? Syempre kahit pa'ano kailangan ko din ng ma ka kasama.
Kung pwede lang sana yung makaka sama ko sa bahay yung taong nakikita at nakakausap ako, naghahanap din kasi ako ng taong pwedeng tumulong sakin.
Eto na siguro ang bahay na pagtitirahan ko ang ganda at masyadong malaki susubukan ko muna pumasok sa bahay.
"Tao po?" Kumatok muna ako ng tatlong beses.
'Ang creepy ko'
Mas okay na kumatok 'no! Alam mo namang bigla biglang papasok sabihin magnanakaw ako.
'Multong magnanakaw?'
Dahil walang taong bumukas ng pinto pumasok na agad ako.
Eh? Ang kalat ng bahay nila puro bata parang ayoko ng ganitong bahay.
"Hahaha ang choosy ko"
Napatingin ako sa batang naglalaro ng barbie.
Ang gandang bata siguro five years old pa lang siya.
"Psst Hi" Sabi ko sa kanya.
Ay snob. Ayaw niya akong tignan kaya tinapat ko ang mukha ko sa kanya.
"Waaaaah! Mameeeh!" Biglang umiyak yung bata nakita niya kaya ako?
"Sorry baby wag ka na umiyak aalis na ako, oh eto sayo na lang" Sabi ko sa bata, hinubad ko ang suot kong bracelet at nilagay sa kanya.
'Sana magkita ulit tayo'
Tumingin yung batang babae sa kamay niya, bagay na bagay sa kanya yung bracelet. San ko kaya nakuha yung bracelet na 'yan.
Lumabas na ako sa bahay nila ayoko naman ng tumira dun kung ayaw naman saakin ng bata, sayang ang cute niya pa naman.
Naupo muna ako sa tapat ng pintuan nila Saan naman kaya ako makakahanap ng bahay?
"Strawberry! Omg! Bakit mo suot yung bracelet ng ate Althea mo!?''
Rinig ko sa bahay na pinasukan ko kanina, nandun na ata yung magulang niya makaalis na nga.
Naglakad na ulit ako hays hindi ba pwede magteleport yung mga multong katulad ko? Medyo malayo na din 'tong nalalakad ko eh pero bakit ganun wala parin akong makitang bahay.
''Ouch" Napahawak ako sa braso ko.
Pa'no nangyari 'yon? Nabunggo ako ng isang lalaking tumatakbo ang sakit sa iba naman nakakatagos ako pero bakit sa kanya hindi?
Dahil nacurious ako sinundan ko yung lalaking 'yon hanggang makapasok siya sa bahay.
Napangiti ako ng makita ko ang bahay niya siguro pwede na 'to sakin.
"Hahaha" Dito na muna ako mag papalipas ng araw.
Sumunod lang ako sa lalaki, siya lang ang tao dito at mukhang kasing edad ko lang siya kung titignan mo mukhang Nineteen years old lang siya mas matangkad siya sakin ng Onti.
Umupo muna malapit sa kusina, habang nagluluto yung lalaking 'to.
'Ang ganda ng view'
Hays parang nagutom tuloy ako sa pagkain na niluluto niya.
"F*ck! Sino k-ka!?" Sigaw niya sakin habang may hawak na food tong.
'Ang gwapo niya'
Ano ba 'tong naiisip ko parang baliw lang sinapian na ba ako ni Cindi? Hays.
"Hoy! Babae mag salita ka" Dagdag niya sa sinabi niya.
Bakit niya ako tinatanong eh kahit ako nga hindi ko kilala sarili ko--
"Multo ka din!!?" Tanong ko sa kanya bigla naman siyang tumawa.So multo nga din siya!? "Nababaliw ka na ba!? Bakit ka nandito sino ka ba!? Ano ginagawa mo sa bahay ko!?" Sunod sunod na tanong niya sakin.
''Daming tanong--" Sabi ko pero nakatingin lang siya sakin Masamang tingin "--Ano 'yang niluluto mo? Pakain naman" dagdag ko sa sinabi ko hays gutom na gutom na talaga ako mukhang masarap pa naman yung pagkain na niluto niya.
"Wow, ang kapal naman ng mukha mo siguro magnanakaw ka! Ano!? Wala kang mananakaw dito!" Sigaw niya sakin.
"Ang sama mo naman" Sabi ko sabay Pout pero ang sama pa din ng tingin niya sakin parang mangkakain ng tao.
''Umalis ka na kasi dito bago pa ako tumawag ng police!'' Sabi niya lumapit siya sakin sabay hila ng braso ko pero tumagos yung kamay niya.
"Hahahahaha'' Nakakatawa siya yung kaninang matapang na mukha napalitan ng takot.
''M-multo k-ka?" Utal utal na sabi niya nabitawan niya din yung hawak hawak niyang food tong.
Nginitian ko siya "hahaha" mukhang natakot siya kawawa naman hmp bahala siya pagkatapos niya ako awayin.
''W-white laaady!!!" Sigaw niya sabay takbo papunta sa taas ng bahay nila.
'Hahahaha yabang yabang niya takot naman pala'
Pero bat ganun? Ang gwapo niya hays sige na nga.. dito na muna ako titira.
"Hahahahaha!"
Hays pa'no ko kaya makakain 'tong niluto niya? Hmp nakakaiyak naman oh gusto ko na 'to kainin.
Someone's Pov.
"Ma! Umuwi na kayo dito now na!!" Sigaw ko sa phone para marinig nila mama, nasa Italy kasi sila ngayon para daw sa trabaho -____-
Pumunta ako sa pintuan para ilock muntik na akong atakihin sa takot dahil sa babaeng multo.
Lumayas na lang kaya muna ako dito sa bahay? Baka mapatay pa 'ko ng multong nasa baba!
YOU ARE READING
She's a Ghost
Teen FictionGenre : Teen fiction , Comedy, Romance. Pa'no kung mainlove ka sa isang ghost? Gagawin mo ba ang lahat para sa kanya o hindi. Siya si Eion, Ang lalaking sobrang Sama. Pero nagbago ang lahat simula ng dumating ang isang makulit na multo sa buhay niya...