Ghost

22 0 0
                                    

"I'm sorry she never got her miracle "

"She did get her miracle, Landon, her miracle was you"  Tears are falling down my cheeks.

Lumingon muna ako sa gilid ko kung may nakakita sakin nakakahiya baka makita nila ako na umiiyak dito sa mall.

"Waaaaah huhuhu" Lumingon ulit ako sa gilid ko at sa likod ko kung may nakakakita sakin nakakahiya napapalakas na ang pag iyak ko nakikinood kasi ako dito sa mall ng
A walk to Remember ni Nicholas sparks nang biglang namatay yung mga flat screen na tv.

Mas lalo tuloy akong naiiyak sayang yung pinapanood ko hindi ko manlang natapos napansin ko din na halos wala ng taong natitira dito sa mall puro mga sales lady na lang na nag aayos.

Hays siguro nagsara na ang mall saan kaya ako matutulog ngayong gabi? Ayoko naman sa kalsada kasi maingay puro mga sasakyan ang naririnig ko.

Naglakad lakad muna ako dito sa mall, Sobrang dilim.

Napangiti ako sa nakita ko hmp ang swerte swerte ko talaga nakakita lang naman ako ng pagtutulugan ko ngayong gabi yung mga binebenta na kama dito sa mall.

Humiga na agad ako sa pinaka malambot na higaan dito at natulog.

°•°•°•

Nagising ako sa sobrang ingay ng mga tao dito sa mall puro kantahan! Ang papanget naman ng boses.

Sino ba yun? Tss makapag Cr nga muna gusto ko kasi makita yung mukha ko.

Pagkadating ko sa Cr halos wala paring tao siguro dahil masyado pa'ng maaga para mag mall pero bakit may mga kumakanta na.

Humarap na ako sa salamin, Okay ang ganda ko pa din.

"Aaaaahhh mey moltoo" Hmp!

Sino ba siya? Ang lakas lakas ng boses lumingon ako sa babaeng naglilinis na nakatulala sa salamin sabay takbo.

Ako ba ang nakita niya? O natakot lang siya sa mukha niya "hahahaha"

Ang oa naman ng babae'ng 'yon akala niya naman nakakatakot ako hindi naman eh ang ganda ganda ko kaya.

Nang makalabas ako, naririnig ko na agad ang usap usapan ng mga taong over acting.

"Ser! Mey molto sa se ar!!" Sabi ng babaeng naglilis kanina sa Cr.

"Ano ba 'yan manang walang multo diyan kung ano ano iniisip mo tatakutin mo pa yung ibang costumer eh"  Sabi ng isang lalaki.

Nakita pala ako ng babaeng naglilinis ng Cr.

Well, Kung nagtataka  kayo Oo,  tama sila multo ako Ghost, patay na pero hindi ko alam kung pa'no nangyari 'yon.

Wala kasi akong maalala nagising na lang ako na ganito na, isa ng multo.

Hindi ko nga alam kung sino ako at kung ano ang pangalan ko pagkagising ko na lang nasa kalsada na ako at walang nakakakita.

Makakabalik ba kaya ako sa dating ako? Sa pamilya ko, kung meron ba.

May naamoy akong usok, alam na alam ko na ang usok na 'yon ay ang pang paalis sa mga multong katulad ko makaalis na nga dito sa mall ang malas naman.

Ano ba naman 'yan kaya ayoko sa labas puro usok ng sasakyan ang naamoy ko Oo! Kahit multo na ako may naamoy parin ako

"Aish! Bakit ba ang sakit ng likod ko"  Napatingin ako sa lalaking nagsalita at sa likod niya.

"Omg! Hi Little ghost ahihi" Sabi ng babaeng nakaputing damit na nakaupo sa likod ng lalaki.

"Ang gwapo 'no?" Dagdag niya sa sinabi niya napatango naman ako totoo naman kasi ang gwapo ng lalaki pero bakit niya pinapahirapan? Kawawa naman yung lalaki.

"M-multo ka din?" Tanong ko sa kanya.

"Yaaah ahihihi~" Sabi niya habang inaamoy  yung buhok ng lalaki.

'Nakakatakot siya!'

Naglakad na lang ako palayo sa kanya ng may marandaman akong humila sa braso ko.

"Wait lang! Ahihi" Siya pala.

Naglakad na ulit ako pero kasama ko siya hays saan kaya ako pupunta ngayon? Lumingon ako sa likod  ko at nakita ko yung lalaking 'yon mukha namang okay na yung pariramdam niya kasi wala na yung babaeng 'to.

"Ah 'yun ba? Ahihi ang gwapo niya kasi kaya sumusunod ako sa kanya lagi" Sabi niya napansin niya siguro ang paglingon ko sa lalaking 'yon.

"Ano pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Cinderella Cindi for short ikaw?"

''Ah ikaw pala si cindi, ako? Di ko kasi maalala yung pangalan ko" Sabi ko sa kanya.

"Hmm kawawa ka naman pa'no mo mahahanap yung katawan mo kung hindi mo manlang alam yung pangalan mo?" Sabi niya, kailangan ba talaga ng pangalan para mahanap ko yung katawan ko?

"Eh ikaw ba nahanap mo na?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman matagal na akong patay pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon pagala gala pa din ako dito" Sabi niya.

"Buti ka ba nahanap mo na..." Sabi ko pa'no na kaya yan hindi ko manlang kilala yung sarili ko.

"Oo tanggap ko naman eh" Sabi niya.

"Bakit ka namatay?" Tanong ko sa kanya.

"Food poison" Sabi niya.

Kaya pala parang ang itim ng mukha niya tapos namamaga yung dalawang mata niya natatawa tuloy ako.

"Wag ka tumawa" Sabi niya nakita niya siguro akong natawa.

"Sorry"

"Sige alis na ako basta lagi kang mag iingat ah? Punta ka lang dito sa coffee shop pag kailangan mo ako"  Turo niya sa Coffee shop kung saan kami nakatayo "O kaya kapag kailangan mo ng tulong ko, Mag hanap hanap ka na din ng pwede mong pagtulugan ha?" Sabi niya.

"O sige salamat cindi" Sabi ko sa kanya, nginitian niya lang ako at bigla na siyang nawala.

Hays saan na kaya ako pupunta ngayon?

°•°•°•

An:// Hi! First time ko lang gumawa ng story about ghost sana magustuhan niyo. By the way! Matagal ko ng naiisip na gumawa ng ganitong story dahil sa mga napapanood ko na Kdrama kaya eto na ginawa ko na ehehe.


She's a GhostWhere stories live. Discover now