Maya't maya lang bumaba na yung lalaking may ari ng bahay na 'to kaya nagtago muna ako bakit ba kasi natatakot siya sakin? Kanina naman hindi siya takot yung nalaman niya na multo ako natakot agad.
"B-babaeng M-multo??" Utal utal na sabi niya hinahanap niya ba 'ko?
"Bakit?" Bigla akong lumapit sa kanya habang nakalutang wow ang galing.
Bigla siyang tumakbo sa sala at nagtakip ng unan hays bakla ba siya!?
"Hahaha bakla ka ba!? Tatawag tawagin mo 'ko takot ka naman pala!" Sabi ko "wag ka na matakot sakin please hindi naman ako pumapatay ng tao eh" dagdag ko sa sinabi ko hays.
"Malamang patay ka na!" Sigaw niya.
"Hindi naman ako nana-nakot eh gusto ko lang ng matitirahan" Sabi ko sa kanya habang nakapout sana maguilty siya.
"Bawal dito!" Sigaw niya sakin mukhang hindi na siya masyado galit saakin.
"Ha? Bakit bawal ikaw lang naman mag isa dito" Sabi ko.
''May kasama ako dito! Umalis lang kaya bawal ka dito"
"Teka nga kung hindi ka patay pa'no mo ako nakikita?" Tanong ko sa kanya kanina ko pa siya gustong kausapin eh kaso takot siya saakin.
"Aish! Ewan! Siguro may third eye ako o nananaginip lang ako" Sabi niya nakakatawa naman kasi naniniwala siya sa Third eye third eye na 'yan.
"Basta sige na pleasee? Dito na muna ako titira promise! Hindi ako mang-gugulo at hindi na kita tatakutin" Sabi ko mukhang napaisip naman siya "Hindi naman nakakatalot yung mukha ko ah?"
''Hays! Ngayon lang ako nakakita ng multong kasing kulit mo!" Sabi niya.
''At kasing ganda ko?" Tanong ko natulala naman siya sabi na eh! Maganda talaga ako yaaay!
"Tss sige na dito ka na muna kawawa ka naman eh!" Sabi niya napangiti naman ako ng malawak.
Hays! Mabuti naman may bago na akong bahay sobrang saya lang.
"Oo nga pala ano niluluto mo?" Turo ko sa pagkain na nasa kalan.
"Noodles lang yan" Sabi niya.
Wow! Gusto ko ng Noodles sobrang tagal ko ng hindi nakakain 'non.
''Penge akoo puhleasee?"
''Kumakain din pala yung mga multong katulad mo"
''Oo naman!'' Kahit ako hindi ko alam na nakakain pa din ako eh.
"Oh 'yan sayo kumain ka na" Naglagay siya sa bowl ng noodles at binigay sakin.
Hmp ''Hindi ako makakakain'' sabi ko.
"Bakit?
''Hello!? 'di ko kaya hawakan yung mga gamit tumatagos yung kamay ko!" Sabi ko ano ba 'to gusto ko na kumain eh.
"O problema mo na 'yan basta kakain na 'ko" Sabi niya ang sama niya naman. "Nga pala ano pangalan mo white lady?" Tanong niya sakin hahaha bat white lady? Maputi ba 'ko?
''Ikaw ano pangalan mo?'' Tanong ko sa kanya.
''Sean /shan/ ikaw?"
"Wala akong pangalan eh" Sabi ko natawa naman siya ng mahina tsk ano ba ang nakakatawa? "Subuan mo nga muna ako!" Sabi ko bahala na gutom na gutom na 'ko eh.
"Hindi ba marunong mahiya yung mga multong katulad mo? Hahaha" sabi niya sabay subo sakin ng noodles na niluto niya hmp 'di naman masarap.
"Wala ka ba talagang pangalan? Eh ano ang itatawag ko sayo?" Tanong niya.
''Ah! Alam ko na" Sabi niya ano ba ang naiisip niya? "Tutal maganda ka naman Venus na lang ang ipangalan mo" Sabi niya.
Ang bait niya naman sakin inisipan niya pa ako ng pangalan hays swerte ko dito ako napunta.
"Salamat Sean" Ang saya talaga! Ngayon may pangalan na ako.
'Venus'
"Wala 'yun venus basta ba wag mo akong tatakutin" Oo alam ko naman 'yon eh "Pati yung pamilya ko" Ha? Pamilya? Akala ko ba siya lang ang tao dito baka naman hays!
"Eeehh! Baka palayasin nila 'ko'' Sabi ko.
"Hindi 'yan wag ka lang mag pakita" Oo nga 'no sige na nga bahala na!
"Nakakatakot ba 'ko?"
"Hindi ang ganda mo kaya! I mean 'nong una nakakatakot ka hehe"
"Maganda ako? Talaga!? Hahaha"
"Aish! Ba'la ka na dyan! Maghihilamos na 'ko" Sabi niya sabay tayo.
Iniwan ako? Tsk! Ayaw niya ba akong kasama takot pa rin hanggang ngayon ano ba yan ang duwag niya naman.
Sumunod lang ako sa kanya habang siya nagto-toothbrush hays "Gusto ko din mag toothbrush" Sabi ko lumingon naman siya sakin.
"Hahaha multong nag totoothbrush?" Sabi niya tsk ano akala niya Buhay lang ang pwedeng mag toothbrush? Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Aish! Sige bukas mamimili ako samahan na din kita bumili ng gamit mo" Sabi niya yehey!! Ilang taon na akong hindi nakakabili ng gamit excited na 'ko "nga pala, bukas na din uwi nila mama, basta ah? Wag mo silang tatakutin" dagdag niya sa sinabi niya.
"Oo na alam ko" Bored na sabi ko.
''Sige, Matulog ka na dyan Venus"
YOU ARE READING
She's a Ghost
Teen FictionGenre : Teen fiction , Comedy, Romance. Pa'no kung mainlove ka sa isang ghost? Gagawin mo ba ang lahat para sa kanya o hindi. Siya si Eion, Ang lalaking sobrang Sama. Pero nagbago ang lahat simula ng dumating ang isang makulit na multo sa buhay niya...