11. Peter Pan

3.5K 209 46
                                    

"A moment of patience in a moment of anger saves a thousand moments of regret."

🌻🌻🌻

Pain. Dahil dyan, nagbabago ang isang tao. Hindi kasi nila matanggap ang mga bagay na nangyayari sa kanila. Hindi nila lubos akalain na 'yong taong pinagkatiwalaan nila, ay tatraydurin sila.

Nang ipamukha sa akin ni Angela 'yong masasakit na salita niyang binitawan sa akin, naramdaman ko na naman 'yong kirot sa puso ko na ayaw kong mangyari.

Sobra kasi akong naapektuhan. Siya nalang lagi 'yong nasa itaas. Parang katiting na pagpuri ng iba sa akin ay nagalit na siya.

Sa totoo lang, namimiss ko na talaga 'yong dating siya. Naalala ko noon, pinupuri niya ako lagi kapag nagdo-drawing ako. Dati naman, sobra kaming close sa isa't isa. Pero bakit nga ba biglang nag-iba ang ikot ng mundo?

Nagsimula ang lahat nang iwasan ko siya. Hindi ko alam pero nilamon ako ng inggit. Habang lumalaki kaming dalawa, nakikita ko 'yong mga insecurities ko. Sobra akong naiinggit sa kanya.

Naalala ko noong bata ako, binilhan ni mama si Angela ng laruan. Siyempre bata ako kaya nag-expect ako na bibigyan niya din ako ng ganoon. Pero mapahanggang ngayon yata ay wala pa din siyang binibigay.

Lagi kong niyayakap si mama noong bata ako. Pero niisang yakap mula sa kanya ay hindi niya sinuklian. Sinasabi niya sa akin lagi na, "Umalis ka nga dyan at may gagawin pa ako."

Sobrang sakit no'n. Parang paulit-ulit na dinudurog ang puso ko. Pero kapag si Angela naman ang yumayakap sa kanya, sobrang higpit ng pagkakayakap niya dito. Tapos hahalikan pa 'yong pisngi at sasabihing, "I love you anak."

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka ampon lang ako. Na baka napulot lang nila ako sa basurahan at napilitan lang siyang alagaan ako.

Ang sakit na din kasi. Bakit kasi siya ganoon? Bakit si Angela nalang lagi ang napapansin niya? Bakit kapag sa akin, hindi niya magawa sa akin iyon?

Elementary Recognition. 'Yan na yata ang pinakamasakit na pangyayaring naranasan ko. Umakyat ako ng stage na ako lang mag-isa. Walang nagsabit ng ribbon sa akin. Para akong kawawang bata na walang magulang.

Pero ang mas masakit pa doon? Noong tinawag 'yong pangalang Heather Angela Samonte, agad tumakbo si mama sa stage para sabitan ito ng medalya. At kitang-kita sa mukha niya na proud siya kay Angela.

Hindi ko maiwasang maluha sa mga masasakit na ala-ala na bumabalik sa akin. Mag-isa lang ako sa unit ko. Walang kasama at umiiyak sa kawalan.

Bakit ito ipinararanas ng Diyos sa akin?

'Yan ang isa sa mga tanong ko na hindi pa nabibigyan ng malinaw na sagot. At baka kahit kailan, hindi na mabibigyan ng kasagutan.

Napatingin ako sa orasan. It's exactly 11:11 pm. Sabi nila, kapag humiling ka kapag ganyang oras ay magkakatotoo. Pinikit ko ang mata ko at ibinulong sa aking sarili..

Sana kapag inaalala ko ang mga nangyari dati, hindi na ako umiyak pa. Ito na sana ang pinakahuling pagkakataon na luluha ako. Kasi sa totoo lang, sawang-sawa na akong umiyak.

Heaven's Last Cry (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon