Cream Puffs of Love

50 1 0
                                    

"Sir, anything to order?" Tanong ko sa costumer ng table number 7.

"Jenny, I'm on vacation now... Oh, just bring me some Strawberry Ice Shake... I said I'm on vacation now! The heck is wrong with you?!..."

Tae sarap sapakin nito, ah!? Hindi ba niya alam na ito ay isang cafe, hindi isang resto o bar na pwedeng sigaw sigawan?! Kainis. Makabalik na nga sa kitchen.

"HOY, Justine Lacsamana, may order para sa 'yo!!" Sigaw ng nanay ko na mayari nitong cafe. Dati, pabakebake lang siya pero she decided na gawin na tong cafe. At namana ko ata ang "gifted hands" ni Mama sa food.

"Opo. Ano ba yan?" Tanong ko. Nagtanong pa, eh. Isa lang naman ang gustong ipagawa sa akin ni Mama. DUH. =_______=

"Tanong ka pa. Edi ano pa ba, cream puffs? May special request daw yung umorder, lagay mo 'to." Sabay abot ng isang singsing. "Magpropropose ata."

"MA? Duh. May singsing. What do you expect?"

"E dalian mo na lang at naghihintay siya. Wala pa ata yung date niya. DALI! CHOCHOP!" Favorite lines ni Mama. Kahit wala namang ichachopchop. "Baliw ka talaga, Ma. Chop chop, wala namang chochopchopin. Buti sana kung meron..." Pahaging ko. Gusto ko kasi ng resto, ayaw ni Ma.

Pero yun, ginawa ko na lang. And to make it extra special, ginawa ko pa siyang heart. Para masaya. Siningit ko sa gitna yung singsing, then tinop ko ng melted chocolate, para mas masarapan yung pagbibigyan.

"Yunnnn ooohhh!" Sigaw ko. Tapos na ako magdecorate.

"O, siya, ikaw na rin ang magserve. Sige na." Sabi nung ate kong magaling. Parang may ginagawa siya, eh.  Pero, siya kaya yung sabi ni Mama na magserve.  Hm, bahala na nga.

"Sana ikaw na lang." Marahan kong banggit.

"May sinasabi ka? May angal ka?"

"Wala, eh ikaw? May angal ka?"

"Wala." Tas binalikan niya yung pastry na ginagawa niya. Tiramisu ata. Yun yung specialty ni Ate, eh.

Ayun, dahan dahan na akong lumabas sa kitchen. Pinagtitinginan ako, ang sarap daw kasi ng cream puffs. NUKANAMAN! ="""""""""""> Me so kinikilig.

Tinahak ko na ang daan papunta sa Table 13. And may nakita akong guy. Nakatalikod lang siya, but from the looks of it, antagal na nga niyang naghihintay.

"Sir, you ordered cream puffs? SIR?" Tanong ko.

"Ah, yes. Just put it here. Jasmine will be here." Sabi niya half whispering, half talking to me.

Okay. Mission accomplished. Pero kasi....parang hindi kasi siya sisputin. Kaya nagstay ako one table away. Then waited.

***********AFTER 24354662312324 YEARS*************

(Dejoke lang. After 4 hours lang. SRSLY.)

Hindi pa rin siya tumitinag. Yung roses, nalanta na, yung cream puffs, na ang nilagay ko e medyo nawala na, pero nagaantay siya. Lemme describe him.

Medyo matangkad yung guy, I'm assming 5'9". Yung eyes, sobrang gwapo, yung smile na flinash niya sa akin nung nagthank-you siya, nakakatunaw. Kaage ko lang.

Pero yun food nasasasayang. Kaya nilapitan ko na.

"Sir? Will your date still come?" Tanong ko.

"Y...yes.. She will come.."

"But we're closing in a few minutes.."

"Franxis..." May narinig akong babae from the door.

"Jasmine... Why didn't you come at the time?"

Unti unti na akong nagback-off. Pero dinig ko pa rin sila.

"Jasmine, I know this sounds cheesy, but I want you to be in my universe for as long as I live. Will you marry me?"

On this point, nakaluhod na yung Franxis at yung Jasmine ay parang tuliro na ewan.

"Franx, I'm so sorry. I can't."

OMGEE. Comeon, girl.

"Jasmine, why?"

"Because I didn't love you from the start."

Did I just see a perfect couple part ways? Aaminin ko, sa lahat ng madadramang eksenang nakita ko, eto yung pinakamasakit, eh. Kasi yung guy, hindi naglupasay, hindi iniyakan yung girl. Ni hindi nga nagmakaawa, eh. Eto pa sabi niya.

"Jasmine, whatever makes you happy, whatever makes you smile, there I would be behind you. Even if you throw me out, I will be still with you. I'm setting you free, for our sake."

Tas hinag niya yung girl. Sabay sabi ng...

"I still love you, Jasmine. But be happy. Be free. And know that I loved you truly."

Tas lumabas na yung girl after mag- "Thank you." SHEKES yan. Nagthank you pa.

Bumuhos ang malakas na ulan, afterwards. Yung guy, NR. Lumabas. Nilakad niya yung ulan. Yung cream puffs, kinakain niya sa daan.

Later on, malalaman ko na cream puffs pala yung favorite na pastry nung babae. At ang cream puffs na ito ang magdadala sa akin sa puso ni Franxis Hernaldo.

"The only way to a man's heart is through his stomach."

-==-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=--=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=--=-=-=-=

Cream Puffs of Love (~uber slow update~)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon