Chapter 1

970 43 9
                                    


" Lorenzo, lorenzo" napapikit nalang ako habang papalapit si Rea sa kanya.

Mabilis akong yumuko para matabunan ng semento. Diko alam ang nararamdaman ko para akong sasabog at iiyak.

Hindi ko na alam kung anong pinag-usapan nila. Gusto ko nalang umuwi at mahiga sa kama ko.

Nakangising bumalik si Rea sa'kin habang nakaupo ako sa semento.

"Sinabi ko sa kanya" nakangisi niyang sabi.

Tumayo ako at masama siyang tinignan. Tumingin muna ako sa kabaling corridor para makumpirma kong nakapasok na siya sa classroom niya.

"Alam mo ba ang salitang privacy?"

"Uy! Galit ka ba?" Bumilog ang mga mata nito lumapit ako sa kanya at inagaw ang notebook ko.

"Hindi mo dapat pinakealaman ang tungkol dun. Wala kang karapatang pangunahan ako" may hinanakit kong sabi.

"Aire seryoso? Galit ka ba?" Aniya

"Hindi ako galit. Dissapointed ako. Alam mong magkapit bahay lang kami ni Kuya bakit sinabi mo yun sa kanya?!"

Ngumuso siya sa akin at napayuko.

"I just want to help you out about your feelings for him, Aire. Hindi ko alam magagalit ka sa gagawin ko."

I shook my head and passed through her.

"Magpapalamig lang ako" saad ko.

"Aireee" tawag niya pero di ako lumingon

Imbes na may klase pa ako ng hapon umuwi na ako sa amin. I can't believed what just happened today.

Makakalapit pa kaya ako sa kanya?

Kakausapin pa kaya niya ako?

Makakasama ko pa kaya siya pag sabado?

Napapikit ako sa naiisip kong desperasyon. Mukhang diko na siya makakasama kahit kailan. I kept my feelings for years at dahil lang kay Rea mukhang masisira na ang mabuting relasyon namin ni Kuya Lorenzo.

Nagising ako sa katok ni Tita tinignan ko ang orasan malapit sa akin 6pm na pala.

"Ba't dika pa nagbibihis?" bungad niya sa akin

"Po?" Taka kong tanong

" Birthday ng Lola ni Lorenzo sa kanila tayo mag di-dinner" aniya

Nanlaki ang mata ko. Bakit di ko alam?

"Kailan po?" Tanong ko

"Anong kailan?"

"Kailan po tayo inimbita?" Tanong ko ulit

" Ay diko nasabi? Last week pa nagkasabay kami ni Nay Ligaya sa grocery dun niya ako sinabihan. Oo nga pala at dika nakasama sakin nun"

Napakamot ako sa ulo ko.

" Tita, masama kasi pakiramdam ko" umubo ako "mukhang lalagnatin ako. Di muna ako sasama. May pagkain pa naman natira sa kusina diba?"

Love and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon