Reincarnation Ni Mary (Bloody Mary)

1.8K 41 9
                                    

Story 1:

Reincarnation ni Mary

Ritual Name: Bloody Mary

Ang Ritual

Ang mga kailangan dapat ay mga kandila ,posporo o lighter at isang malaking salamin na pang dingding.

Pumunta ka dapat sa isang madilim na kwarto,kadalasan ay banyo dahil may salamin na dun agad agad. Patayin mo ang ilaw at ikalat mo ang kandila sa kwarto at humarap ka sa salamin at sabihin mo na Bloody Mary hanggang sa magpakita siya sa salamin ,maaari siyang nasa tabi mo o magiging katapat mo siya.Pwede kang umalis kahit kailan sa kwarto na iyon pero titira duon si Mary.

Story:

Hi!Ako po si Maribeth at may kaibigan ako na pangalan ay Mary. Noong pagkatapos ng World War 2 ay maraming mga amerikano ang nagsipunta sa amin,karamihan ay sundalo,doktor at mga pari.

Nanirahan rin sa malapit sa amin ang mga amerikano ng ilang araw. At may isang amerikanong volunteer na nakipag kwentohan ng nakakatakot,isa na duon si Bloody Mary. Si Bloody Mary daw ay isang mangkukulam,kaya daw madugo ang tawag sa kanya dahil nambibiktima siya ng mga yaya at kunukuha ang dugo nito at ipinapahid sa katawan niya para maging bata siya habangbuhay. Isang araw nalang daw ay kinidnap daw ang anak niya at dinala sa gubat,hinanap niya ang anak niya dun nang walang pahinga o pagkain lang man.Hanggang isang araw,may isang tao na naglakas loob na sabihin na "Mary!Mary!Nasaakin ang anak mo!"

Nagpakita sa kanya si Mary at pinatay siya nito. May isang ni sabi-sabing kwento tungkol kay Bloody Mary. Ang mga bata daw na nagdala ng kandila sa harap ng salamin at sinabi ang pangalan niya ng paulit-ulit ay ang bata daw na pinakamatapang sa lahat.

Naisipan ni Maribeth na gawin ito kasama si Mary,ang matalik niyang kaibigan.

"Mary ,Mary ,samahan mo ako duon sa abandonadong gusali at gawin natin yung sinabi ng amerikano"

"Sige mukang maganda ang naisip mo ah"

Pumunta na sila sa gusali at humanap na ng banyo.

"Ganito lang gawin natin,sisindihan lang natin itong mga kandila at itabi natin"

"Sige,madali lang "

Natapos na lahat nila ang mga kandila.

"Tapos tumapat lang tayo sa salamin at sabihin ng bloody Mary ng paulit ulit hanggang sa lumabas siya"

"Sige gawin na natin"

"Bloody Mary"

Inulit ulit nila yun at ang tagal nilang ginawa iyon at walang lumabas.

"Ang tagal naman niyang lumabas"

"Oo nga kasi buhay pa ako"patawang sabi ni Mary

"Oo nga hahaha!"

"Tara umuwi na tayo,may mga miryendang dala ang mga amerikano"

Mas naging mahigpit pa ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa isang araw na lumipat sila Mary sa ibang lugar nang naging 19 na siya.

Gumawa pa rin si Maribeth ng paraan para lang makita ang kanyang matalik na kaibigan,ilang beses naglakbay gamit ang kalesa at mga maliliit na jeep ng mga amerikano nang 22 na siya.

Sa isang bayan ay nagtanong-tanong siya sa mga tao hawak hawak ang larawan na puti at itim lamang ang kulay at kupas pa.

Hanggang sa isang bahay na nakatokan niya.

"Maribeth!"

"Mary!Kamusta ka na"

"Ito,may irog na,pasok ka muna"

Horror Games In Real Life and Rituals Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon