Ritual :
Alam na yata natin kung paano ito laruin dahil sobrang sikat ng larong ito sa Pilipinas bukod sa Bloody Mary.Sinabi na rin ng mga eskperto sa paranormal na delekado itong larong ito kahit simple lang gawin, dahil hindi alam ng mga naglalaro nito ang kanilang makakausap/makakasalubong.
Fake man o hindi yung board ay gumagana.
Barya,baso, tatsulok na kahoy man ang gamitin ay gumagana.
Saka may isa pang paalala na hindi natin alam .
Dapat pala hindi tinatanong ang pangalan ng kaluluwa o ang gulang nito. Kapag tinanong mo yun, mababawasan ang qualidad ng buhay, its either na mamalasin ka,susundan ka ng espirito na yun o kaya ang kamatayan mo.
PERO HINDI KO PARIN KAYO INIENCOURAGE NA LAROIN ITO DAHI HINDI MO ALAM ANG MAKAKAUSAP MO.
MULTO, ENGKANTO O DEMONYO ANG PWEDE MONG MAKAUSAP KAYA NAPAKADELEKADO TALAGA NG ARONG ITO.
Story:
okay lets go to the story. Ang story na ito ay galing sa past Show ni Chico Loco na Yes Diaries at ang story na to ay galing sa Halloween specia niya noong 2016.
Credits to Hannah
Hello po, gusto ko lang po sana ishare yung nanyare sa amin noong NAT.
So pag NAT kasi ,mauuna muna yung boys. Pumasok na rin kami ng umaga at pinastay na rin kaming mga girls sa AVR.
Mayamaya naglabas yung isa naming kaklase ng Ouija Board. Peke naman siya kasi nasa illustration board lang naman yun. Saka nagdala rin sila ng baso yung pang shot.
So bale lima kami nun, kaso lang nagiba yung isip ko kaya bumitaw ako.
Mga ilang minuto lang ay bigla nalang pumunta yung teacher incharge sa amin at pinaupo kami. So meaning natigil.
Maya-maya lang bigla nalang sumigaw yung kaklase ng ...
"TULONG!"
At sumigaw na rin siya ng kung ano-ano.
So tinawag na namin yung teacher namin.
Sinabi namin."Mam, si Trisha po nagwawala"
(Not her real name)May iba pang mga boys sa kabilang kwarto na nakiisusero. Kaya ipinabalik sila ni Mam.
Yung iba naman naming kaklase sa likod ng upuan,pabalikbalik sila sa kanilang upuan sa tuwing lumalakas yung pwersa at sigaw ni Trisha.
Nung isang chance na umupo na sila,bigla nalang nagsalita yung kaklase namin na sumali sa ouija board. Sabi niya."Baliw ka ba? Nakikita mo na ngang may nakaupo eh uupo ka! Naglalaro pa kami dito eh"
Eh wala naman po siyang katabi, siya lang ang magisa sa row na yun.
So kami, nagulat.
Then yung isa pa naming kaklase ,she's still god fearing at all,maya-maya lang,pinutol na niya yung rossary na hawak hawak niya,inabotan na ulit namin siya ng rossary then sa kakahaw niya at kakagat niya ulit nito, nasira.
Pero ito talaga yung pinakamalala .
Yung kaklase namin na si Ashley(not her real name), ang lakas niya at ang init niya. Dinala namin siya sa clinic pero hindi siya nagamot. Mga ilang minuto lang ay naisipan na naming dalhin siya sa kanilang bahay, meaning hindi siya nakaNAT.
Paguwi namin sa bahay nila, kung ano ano ang pinagsisigaw niya.
"Walang hiya kayo! Mga demonyo kayo! Bat niyo ko ginahasa"
So meaning babae yung sumapi sa kanya.
Kung ano-ano na ang ginagawa ng albularyo pero hindi siya magamot.
After 2 days hindi na niya kinaya yung sapi and namatay siya.
Yun ang pinaka masaklap na nanyare sa amin dahil nawalan kami ng tropa.
Kung titignan noyo eh hindi ako na dawit dito. Kung sa ganitong mga scenarios ,wag niyong gagawin yung ginawa nila, bumitae nalang po kayo para ligtas ang lahat.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BASED ON A TRUE STORY
BINABASA MO ANG
Horror Games In Real Life and Rituals Stories (Tagalog)
Horror[Highest Rank: 70 in Horror] Ang story na to ay mga laro at ritual na pwedeng mangyare sa totoong buhay. Ang mababasa niyo pong laro/ritual ay delekado at marami na ang nagsabing delekado ito at wag niyong lalaruin. ...