Kailangan Kita (Elevator Game)

523 10 3
                                    


Story 4: 

Kailangan Kita

Ritual Name: 

Elevator Game


Ano ba ang Elevator Game?

Ang Elevator Game ay isang laro na nagmula sa Japan at South Korea

Sabi nila ay ang ritual daw na to ay dadalhin ka sa mundo ng mga ispiritong naandito pa sa mundo.

Paano ba ito laruin?

Una maghanap ka ng public building na atleast may hanggang 10th floor ang taas.

Dapat walang papasok o lalabas na kasama mo ng elevator kapag ginagawa mo to,kapag may gumawa nun uulit ka.

Mas maganda ring gawin mo to ng gabi para wala nang pangamba pa sa mga papasok sa elevator.

Pindutin mo ang 4th floor button

bawat pagkalapag lamang dapat pindutin ang mga sumusunod na button

sunod ang 2nd floor

sunod ay 6th floor

tapos bumalik ka sa 2nd floor

tapos sa 1oth floor naman

at 5th floor.

Pagkadating mo sa 5th floor ay may babaeng papasok sa elevator (not sure kung matanda ba o dalaga).

Dapat hindi mo siya tignan at wag mo rin siyang kausapin at at wag kang magsasalita kapag naandun na siya sa loob ng elevator na kinatatayuan mo.

Pagkatapos ay pindutin mo ang 1st floor.

Pagkapindot mo dito ay dapat ihanda mo na ang sarili mo,dahil hindi mo alam na tataas ba to o bababa.

Kapag bumaba ito,dumiretso ka na at wag ka nang lilingon pa.

Kapag umakyat naman ito pataas sa 10th floor ay dapat magisip ka ng choice mo na kung magsstay ka lang ba o lalabas ka, kung lalabas kaya tatanungin ka ng babae sa elevator ng.

"Saan ka pupunta?"

Kapag tinanong ka niya ng ganoon ay wag mo siyang sasagutin o lilingonin, dahil hindi siya isang tao.Kapag ginawa mo ay kukuhain ka niya.

Dumeretso ka lamang hanggang sa mawala siya sa elevator.

Mapapansin mo na kung nasa ibang mundo ka na. Dahil sa dimension na yon ay walang tao at ikaw lang ang mag isa at patay lahat ng ilaw at kapag tumingin ka sa salamin ay may makikita kang pulang krus na nakaukit dito.

Mga ilang minuto ay wala na ang babae duon.

Para bumalik sa mundo natin eh dapat pindutin mo ang mga numero kanina.

4-2-6-2-10-5-1

Kapag papunta na ang elevator sa 1st floor eh tataas ulit ito kaya dapat pumindot ka ng kahit anong numero lower than 5 para macancel ang pag taas nito.

Lumabas ka na agad pagkababa mo saka dapat siguraduhin mo nakauwi ka na at may mga tao na sa lugar o wala nang kung ano mang kakaiba sa lugar kung ayaw mong mawalay sa mga minamahal mo.


Story:

Hi ako po pala si Angela. Nawalay po ako sa aking pamilya dahil noong bata palang po ako ay namatay na po sila kaya magisa nalang po ako nun. Naiwan ako sa tita ko ,inalagaan ako ng tita ko . Magaling siya sa pagaalaga sa akin. Napalaki niya ako nang maayos at ngayon ay tapos na ako sa kolehiyo sa course na HRM. 

Horror Games In Real Life and Rituals Stories (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon