Part one count two three

169 0 0
                                    

(So pwede palang magsulat kahit walang papel)

(DISCLAIMER: Inspired by true stories, some parts mga 87% ay............minodify)

Ano ba yung araw na yun?

Ito ang tanong ng nilalang na itatago natin sa pangalang Jobert. Naabot na niya ang ilang steps sa Maslow's hierarchy of needs:

Physiological - kumakain tatlong beses sa isang araw plus extra rice.

Safety- tatlo ang lock ng kanilang bahay. Pati sariling locker, tatlo din ang lock. Mahirap hulaan ang password ng cellphone niya. Kahit siya nahirapan din kaya na phone-lock!

Social- nomadic ang peg nito. Kumbaga, nakaka-survive kahit saang uri ng group of people. Di pa niya na-try makisama sa mga bandido at KFR group. (PS Friendly po siya at hindi nangangagat. Mukha lang.)

Esteem- kahit mababa ito pagdating sa buhay pag-ibig, shy-less siya pagdating sa ibang bagay: pag-awit ng anime songs sa bawat Anime-Con at mga games :)

Self-actualization- actually.................. Next slide!!

 Matalinong bata naman itong si Jobert at mahusay na team-player, malalim nga lang magpayo tulad ni Boy Pick-up. Tulad nito...........

"Jobert, Jobert!".

"Oh, bakit kapanalig?"

"Wala na ba akong pag-asang makahanap ng babaeng magmamahal sa akin?"

"Tol, maraming isda sa dagat pero bakit ka mamimingwit sa karagatan kung pwede namang sa mga patay-sindi ka makadagit!"

"ganun ba yun, Jobert? Salamat ng marami. Uh, saan ba may malapit nun?"

"Pumunta ka sa tabi-tabi marami diyan."

At yung sa pagiging team-player niya, hindi siya kailanman naging buwaya sa bola pag nagbabasketbol ito (barangay paliga)

Habang pauwi galing sa work si Jobert ay tinext siya ng kanyang nililigawan na si Nenelyn na magkita sa isang theme park (na yun pala ay peryahan). Syempre tuwang-tuwa ang ating bida kaya todo-porma ito dahil MAGKIKITA SILA.

"WER NU? D2 N PO ME", text sa kanya ni Nenelyn.

Habang binabasa ni Jobert ang text ay naglalakad na ito papasok ng theme park. Sa may Caterpillar daw sila magkita.

Ayun siya, excited na nakita nito si Nenelyn. Pero ngunit subalit datapwat, may kasama itong guy! Mala-Rocco Nacino ang peg pero dahil open-minded ang ating bida, inisip na lang niya na baka pinsan niya lang ito or nakababatang kapatid kahit 6-footer ito.

Papalapit na si Jobert. At habang papalakad siya, ino-obserbahan niya ang mga galaw ni Nenelyn at ng guy.

(10 meters away) Ang gwapo naman ng pinsan niya.

(8.74 meters) Wait lang, ba't ang saya nila? ngayon lang ba siya naka-experience sumakay ng rides na 120kph ang bilis?

(6.01 meters) At.... pinupunasan niya ng pawis sa ulo yung guy?

(4 meters) never niyang ginagawa sa akin dati yun huh. Ayaw nga akong katabi niyan sa jeep halos eh kapag after game ko.

(3.58 meters at matitigil sa kinatatayuan nito) WTF? Nag-kiss sila............... sa lips pa! May kasama pang hug!

Dahil sa pangyayaring iyon, agad na nilapitan ni Jobert si Nenelyn.

"Nenelyn, anong ibig sabihin nito?"

"Uh-eh. Siya si Tonyo, ang boyfriend ko."

"(di makapagsalita) Kelan pa?"

"Bale mga two months na ring kami na mag-on. In fact monthsary na nga namin ngayon eh, eto pa nga yung ring eh."

Walang Feb. 14 sa kalendaryo ko (may kasama pang foul!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon