Part 5.....

75 0 0
                                    

(Ang mga susunod na kabanata na inyong mababasa ay rated G na G!! Basta, anumang sabihin ng bida sa akdang ito ay hindi rumiripleksyon sa pananaw ng may-akda.........pero pwede rin!)

Nuon lang din naranasan ni Jobert yung ganung eksena yng may "ayeeeeeeeeeeeeeh!" moments (or should I say Pogi Problems na naman, naku naman) kaya nung pagdiskarga nia ni Mara ng kanilang dala-dalahan ay hindi naiwasang lumigon ang ating bida sa kanya. Sa kanyang mga mata.

Sa titig na iyon parang gustong sabihin ng binata kay Mara ang mga linyang ito "Kung maaari lamang sana, makuha lamang kita sa tingin, maging sino ka man, ang utol kong hoodlum" (Teka, ba't naging hoodlum bigla?!)

Kath-Nyel moment ba! Kaso sa angking ka-clumsy-han ng ating bida ay natalisod ito.

(Syempre, laff-trif mode)

Bumangon ang binata at umupo sa designated seat.

Nagsimula na ang kanilang training, ngunit wala ang focus ni Jobert sa training mismo. Ika nga lutang pa rin ito at di maka-get-over sa "titig moment" kanina. Hanggang sa mga sandaling ito pag lumilingon si Jobert sa kinauupuan ni Mara ay hindi maiiwasan ang tuksuhan mode ng mga dabarkads ni Mara.

Si Jobert naman ay piniling maging "nomadic" muna ang peg niya. Kumbaga, pwede siya kahit saang group of people in order to survive. In fact, mastery nito ang pagiging "nomadic" mula elementary pa. 

Lipad pa rin ang isip ni Jobert hanggang sa.........

"Mr. Jobert Basilio?!"

"Present sir!"

Nag-aattendance pala sila nung mga sandaling iyon. Para rin palang college ang set-up ng training nila dun, wala nga lang class card pero may mga series of written test namang sinasagutan. 

 Uwian.....

As usual, solo flight pa rin si Jobert kung umuwi. After two weeks, ganun pa rin.

At dahil diyan...........

Ngayon ay sinasaluduhan kita Ginoong Laging Nababasted Kasi ang torpe-torpe.

Puyat sa umaga, tulog sa gabi, laging iniisip sa tanghali ang babaeng gustong maging gelpren

Pero ...........laging nauuwi sa pagiging friend.........zone lamang  friend.

Hindi matatawaran ang tibay ng kalooban kahit laging nadededma o nababasted

Kahit ikaw pa ang cum laude sa iskwelahan, ikaw pa rin ang singko pagdating sa panliligaw

Kaya naman tuwing Feb.14 ikaw ay nag-iisa parang damong ligaw.

Ngunit di mo naisipang magpatiwakal dahil sa zero na lovelife at bitter na nakaraan

Kaya saludo ang Samahang Galit sa Valentines sa iyong katange-an este sa katatagan!

Baka ikaw na ang mag-abolish ng Valentine's Day!

Okay tama na ang tulaan, let's get physical na.  

Never pa naman talagang nanligaw si Jobert sa totoo lang, yung talagang Intensive na ligaw. 

Magastos daw sa pera at oras. At lalong-lalo na sa enerhiya niya. 

Higit sa lahat ay saksakan siya ng shy lalo pag babae ang kausap. Pretty girl I mean, except kung s girl ang unang mag-approach sa kanya.

Iniisip niya:

1) Bakit kung sino pa ang marunong sa buhay (i.e. mga matatalino sa academics) ang parating napupunta lamang sa Friend Zone at ang mga "bad boys" daw ang laging nagwawagi sa panliligaw even in the end ay sasaktan din nito si girlie.

Walang Feb. 14 sa kalendaryo ko (may kasama pang foul!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon