Part 6: Ang panaginip at ang Fairy (1)

57 0 0
                                    

Moving on........... (congrats pala sa Eastern All-stars) tuloy pa rin sa conversation at negotiation sa mga konsumisyon ni jobert sa buhay pag-ibig. Ah, siya nga pala, Jugs pala ang pangalan ng "fairy" na kausap ni Jobert sa panaginip.

"May narinig ka bang nililigawan ang isang girlie na ang venue ng date ay sa Vikings?", tnaong ni Jugie sa kanya.

"Oo naman, sir."

"Eh sa Karinderya ni Mang Kanor diyan sa kanto na ang main course ay PaKapLog?"

"Wala pa."

"malamang kung ide-date mo si Mara Mae sa Karinderya lang, siguradong wala nang manliligaw sa yo, dre."

"WHAT?! So pag manliligaw talaga, kailangan sa mamahalin mo siya i-date?"

'"natural, Jobert. tutal nagtatrabaho ka lamang din, malamang tapos na rin ang mahabang kasaysayan mo ng pagkain sa Mang Betong's Sopas Numero singko."

"Eh mura dun at masarap, tapos saktong may pang-DotA pa ako at pamasahe."

"If you want to get the girl of your dream, mag-invest ka!"

"Saan? Eh bukas pa first sahod ko eh."

"Hindi sa negosyo pre, sa sarili mo. Tignan mo hitsura mo, para kang pupunta sa isang rock and roll event niya. Mapapansin ka ba ni Mara mae niyan? At bawasan mo yang mga balbas at bigote mo, hindi ka si The DareDevil kahit 45 na tao na ang nagsabi sa iyong kahawig mo siya."

"Eh kapag nag-ahit ako, matatamaan yung pimples ko."

"ahh, ganun ba. Sige, antayin mong gumaling tapos ahitin mo kung hindi, hihiram ako kay KM Tayan ng karet at ako mag-aahit sa iyo."

"grabe ka naman, tol!"

"At higit sa lahat, ayusin mo yung mga disposisyon mo sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay dre."

'Ang lalim naman. Saang poso negro mo ba nahukay yang kaalaman mo?"

"Tignan mo, ni hindi ka nga makatingin sa mga mata niya eh pag kinakausap  mo siya. Saan ka nakatingin?"

"Ahh-ehh."

"nakikilala mo si Apple? Yung kaibigan nila Mara Mae? Kapag kausap mo siya, saan ka nakatingin? Aminin!"

"Kasi, nagkakataong may ka-text ako kapag kausap siya--"

"Wag ka kasing mag-te-text kapag may kausap ka!! Akala tuloy ng iba, dun ka sa hinaharap niya ikaw tumitingin. Tapos pag si Mara Mae naman ang kausap mo, sa tenga ka niya nakatingin, ano bang meron sa tenga niya?"

"parang tenga ng daga?"

"Daming tengang daga sa grocery, bakit yun pang kay Mara mae ang nagustuhan mo?"

Napatahimik na lang si Jobert sapagkat lagi siyang nabubutata ni Jugie sa mga hinaing nito. Agad niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Santanas na kapag hindi pa niya nahanap ang kanyang tunay na pag-ibig by February 14 ay magiging bakla ito habambuhay. (May limang buwan siyang taning)

"Jobert. Jobert!" tawag sa knaya ni Jugie. "Ba't bigla kang napatahimik diyan? Masakit ba ngipin mo?"

"Hinde, naalala ko lang yung sinabi sa akin nung mga konsensya ko, na bago dumating ng Valentines' Day at wala pa akong GF, magiging bakla daw ako."

Napatahimik si Jugie..............at biglang humagalpak ng tawa "Nya-hah-ha-ha-ha-ha-ha-h-ah-ah!"

"Bakit anong nakakatawa dun?"

"Mga utu-uto lang ang sumusunod sa mga ganung deadline, Jobert. Unang-una, hindi minamadali ang pag-ibig, bakit at para saan kung iibig ka ng isang girl dahil lang diyan sa deadline na iyan?!"

"Eh si Santanas na nagsabi niyan eh!"

"And so kung siya nagsabi?! As if namang gagawin ka niyang....binabae, di ba? Ang pogi mo pa naman, Jobert."

"Pogi huh? Kung pogi ako, bakit ako walang gelpren? Sa lipunang kinagagalawan ko, dalawa lang ang uri ng lalaki: isang maton at isang binabae."

"isa pa yan: social pressure! Kaya mo ba gustong manligaw at magka-GF dahil ayaw mong matuksong bakla sa lugar niyo ganun ba yun? Uh-uh-uh, isang NO-NO yan, kapanalig!"

Mukhang madami pa ang kakaining extra rice sa Tatang's Inasar (Inasal) itong si Jobert upang matugunan ng kanyang problema sa pag-ibig at sa pagiging pogi. Alamin sa susunod na tagpo ang mga root cause of failure ni Jobert kung bakit hindi siya makapaghanap ng gelpren.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walang Feb. 14 sa kalendaryo ko (may kasama pang foul!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon