Part 4

56 0 0
                                    

Isang umaga bago pumasok si Jobert................ teka lang, disclaimer muna ulet.

(Anything written here in this novel does not totally reflects the point of view of the author.........by 10%)

Okay let's continue. 

Kinalimutang magsuot ni Jobert na parang pupunta sa isang live rock event at nagpaka-pormal sa outfit-an. Binatang Pilipino ika nga, kailangan ay maayos ang paggayak sa sarili mula ulo hanggang paa.

Habang sinusuot ni Jobert ang kanyang OOTD ay heto ang naiisip niya:

Bakit kaya ang isang tulad ko na maayos ang pormahan eh iyun pa ang laging binabasted at pini-friend zone. Eh samantalang may mga ibang binata diyan na animo'y parang sa riot pupunta eh yun pa ang nagiging chick magnet ng mga kababaihan (ayoko na lang i-identify kung sino sila pero ang clue: makikita mo sila tuwing pasukan lamang). 

Nakakainis man isipin tol, nakakainis pero....... hindi ko talaga maintindihan kung bakit, bakit laging hanggang kaibigan lang ang tingin sa akin ng mga nililigawan ko?! 

Kesyo daw parang bata ang peg ko. Na kulang na lang eh damitan ko daw yung sarili ko na parang totoy na may sumbrerong helikopter kapag may lakad. Ang sakit nun, t*(67-0q@! 

Kesyo daw hindi stable ang mga desisyon ko at walang paninindigan sa sarili?! Anong magagawa ko eh nag-aaral pa lamang ako nun at good-boy ako sa mga magulang ko, to the point na dapat 7pm nasa bahay na ako.

Gusto nga nila ng mature na guy pero pag something shit happens naman, bigla na lang nawawala na parang bakla este bula yung mga hinayupak na iyun! At higit sa lahat, madami akong kilalang mature guy na gnugulpi at ginagawang punching bag ang GF nila. Ang sasarap tagpasin ng mga koopaloids na iyon!

Pero wala naman iyon sa pananamit. Ika nga, do not judge the cover by its book maliban na lang kung FHM ito. 

Wala naman tayong magagawa kung ang piliin ng girl na maging boypren eh yung mga palaboys kesa dun sa mga nerdo, laging binu-bully, loner pero mabait, matalino, dean's lister na kaklase nilang guy na kadalasang sa friend zone lamang nauuwi. Tandaan, ang ilang mga mayayaman at asensadong nilalang ay may mga history ng kasawian sa pag-ibig.

Kaya naman pag kumakanta sa bidyoke si Jobert ng "To all the girls i've loved before" ni Julio Iglesias (yes, yung tatay ni Enrique Iglesias) eh natatawa na lamang sa kanya ang mga ka-schoolmates niya noon, tapos ang next song eh yung "A man without love" ni Engelbert (yung kinakanta naman ng mga lasing na construction worker sa bidyoke, kahit out of tune)!

Buti di niya naisipang awitin ang klasikong kanta ni Frank Sinatra na "My Way" kungdi....................... bang!

Teka, ba't napunta sa bidyoke ang usapan? 

On the way to his epic journey, at ayos na ayos ang kanyang mahiwagang baluti (parang Magic Knight Rayearth lang ang peg huh!) upang makipagkilala kay Mara.

Nakita niya ito sa hallway na may dala-dalang mabibigat na libro na gagamitin nila sa magiging training nila. Kaso nahihiya ang binata, kaya bwelo muna, inom ng tubig (Hah, one more round! Ano to, Donaire?) at lapit kay Mara.

"An-yeong hase-yo!" sabi ni Jobert.

Napansin agad siya ni Mara kahit nasa sulok lang ito ng kanyang mga mata. "Uy, ikaw yung nagpakilala in Korean last time huh."

"Oh, para saan iyang books? ang dami naman."

"Ahh, heto? Sa training natin, why?"

"Kung maaari lamang sana eh, maaari ba kitang tulungang dalhin ang mga libro na iyan sa iyong patutunguhan?"

Huh? Ano daw? Ang lalim nun huh. natahimik si Mara.

"Ang ibig kong sabihin ay tutulungan kitang buhatin iyang mga dala mong libro sapagkat hindi ko kayang matiis na binubuhat ng isang magandang dilag ang mga sa palagay kong mabibigat na libro."

"Sige, kaya ko na to. Salamat na lang."

At napilitang mag-ingles na nun si Jobert. "Sige na Mara, I insist." 

Wow, parang si Sertsip lang huh. With matching eye-to-eye contact ng ating bida na mala-anime ang dating ng mata: maitim at malawak.

At dahil na rin sa pagkumbinsi (or pamimilit?!) ng ating bida ay pinagbigyan siya ni Mara na magbuhat ng mga dala-dala nitong libro. Doon na rin sumegway ng communication si Jobert kay Mara.

"Ahh, so Mara Mae pala ang name mo. Ako nga pala si Jobert."

"Mara na lang itawag mo sa kin. Salamat pala sa pagtulong."

"naku, wala sa akin iyon, Mara."

At nung papasok silang sabay sa loob ng room ay may biglang sumigaw ng............

"WOOWMAYGAD! PARANG KATH-NYEL LANG!!!!!!!!!!!!!"

at hindi mawawala ang famous line na "ayeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh!"

"Uy Mara, bagay pala kayo niyan ni Korean boy huh! Ngayon alam ko na kung bakit mahilig ka sa K-pop huh!"

So what's next? Abangan ang part 5 :)

Walang Feb. 14 sa kalendaryo ko (may kasama pang foul!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon