Chapter 4: Side Effect

2.3K 144 18
                                    

CHAPTER 4: Side Effect

Lalisa's POV

Naglilinis lang ako sa kusina ng mga bagay-bagay. Magabok na ang ibang bagay na nandito, pero hindi ako makapaniwala na ang daming mahiwagang gamit dito. Ang galing at nakakamangha talaga, gustong gusto kong pakialaman! Pero ayaw ni Tae. Hmp! Napakadaya talaga.

Pinaghugas pa ako ng mga pinggan, eh malinis naman medyo magabok nga lang. Medyo madumi na nga ang suot kong puting bestida. Mabuti na lang masipag ako at hindi pa ako dinadalaw ng antok.

"Nahalikan mo lang naging tao na? That's unbelievable!" Narinig kong sabi ni Jin-oppa. Nagpakilala naman sila sakin kanina at mukha silang mabait kasi kaibigan sila ni Tae.

"Believe it, Jin-hyung. Noon pa man nakikita mo na sya, hindi ba? Manekin 'yan pero ayan nga oh, nakilos at nagsasalita." Sagot ni Tae. Mukhang kinuwento nya ang nangyari kanina. Maski ako hindi ko alam kung anong nangyari.

Kahit naman nasa kusina ako naririnig ko sila. May bukas na durungawan sa kusina kaya nakikita ko din sila at tahimik naman ang paligid, maingay lang sila. Hindi naman ako tsismosa, naririnig ko lang sadya at nagtataka din ako malaman ang mga bagay-bagay dito.

"Baka naman kasi minanyak mo." Narinig kong sagot ni Jennie-unnie. Grabe naman, hindi naman siguro ganun si Taehyung. Sya nga ang nagsabi sakin kanina.

"Hoy! Hindi ako ganon, nagkataon lang na umuulan kaninang madaling araw at nagulat ako sa kulog." Depensa naman ni Tae. Napatingin ako sa kanila, ang kulit nila tingnan.

"Duwag ka pala. Kulog lang nagulat ka na." Inirapan lang sya ni Jen-unnie. Ang taray nga niya tingnan.

"Tama na. Wag kayong magaway, hindi kayo bata." Saway ni Jin-oppa. Mas matanda daw sya kaya oppa daw ang itawag ko kahit kay Jennie.

"Tsk. Whatever. Just don't tell my father that I'm here." Sabi ni Tae.

Tama. Narinig ko kanina na nagusap sila tungkol sa pamilya nya. Naglayas daw sya mula sa Korea at may tinatakasan sya pero hindi nya sinabi ang dahilan. Childhood friends din silang tatlo at sina Kuya Jin ang naging taga-pangalaga ng bahay ng Lola ni Tae.

"We know. But this is a serious case. Baka may paranormal activity na nangyari kanina dito?" Sabi ni Jin-oppa tsaka napakamot sa ulo nya.

"That can't be right. Even if there was a paranormal activity, won't Lalisa be an evil creature? But from what she looks like, she looks like a little kid in a lady's body." Singit ni Jen-unnie na mukhang naiinip.

"Hindi ko alam. Pero simula nung nagising sya, nanlalambot sya, uhaw at gutom. At wala pang maalala." Wika ni Tae. Kahit ako ang tatanungin nila, wala din akong alam. Nakakainis na nga na wala akong maalala at wala akong alam sa mga bagay-bagay sa mundo ngayon.

"That's weird. How on earth could that happen?" Komento ni Oppa tsaka humarap sa direksyon ko kaya umiwas ako. Kunwari abala ako sa paghuhugas.

"And also, her watch necklace. I think it's broken but it suddenly started working again when she woke up." Saad ni Tae.

"Let's observe her for now." Sabi ni Jennie. "Pero gutom na ko, hindi pa ako nagaalmusal. Tara na, Kuya, umalis na muna tayo."

Gutom? Pagkain? Kakain sila! Bigla akong napatigil sa paghuhugas at napatingin uli. Nakita kong tumayo na sila Unnie at Oppa ganun din si Tae.

"Teka, sama ako. Gutom na din ako." Sabi ni Taehyung. Teka. Tae, wag mo kong iwan! Kakain din ako!

"Sama ako, Tae!" Sabi ko dun sa bukas na window ng kusina. Napatingin sila sakin. "Gutom na din ako."

SLEEPING BEAUTY ━ taelice!blacktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon