Chapter 9: Pasta

1.8K 106 38
                                    

CHAPTER 9: Pasta

Taehyung's POV

What is this? Bakit walang tao dito? Pero maganda ang paligid, puno ng iba't-ibang bulaklak. Mukha ding mapayapa at tahimik. Ang pinagtataka ko lang, bakit ako nandito? Anong ginagawa ko dito? Saan ako patungo at saan ako papunta?

"Sana ganito na lang tayo palagi." Nagulat ako, may kasama pala akong maglakad. "Sana hindi tayo magbago."

Hindi ako makapagsalita at lakad lang ng lakad kasabay ang isang taong hindi ko makita dahil hindi ako makatingin. Para bang nasa katawan ako ng iba, nakakakita lang ako pero hindi ako makontrol ang katawan.

"Hangga't nandito ka, kasama ko, walang magbabago." Saan naman nanggaling ang mga salitang 'yon? Hindi ko alam nabigkas ko na pala.

"Mabuti naman. Ayokong mawala ka, Tae..."

"Hyung!" Ha? Ano?

"Taehyung! Taetae! Gising na!" Nagulat na lang ako ng may humigit sakin paupo ng kama at... Boom!

Gandang bungad ni Lisa, sobrang lapit makatingin. Nananaginip pala ako kanina.

"Tae? Gising ka na ba?" Napatigil ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tae? Gising ka na ba?" Napatigil ako. Tapos biglang ngingiti na parang abnormal. What kind of derp face is that?

"Tara na! Tara na! May laway ka pa, dalian mo!" Ang aga-aga hyper na kagad.

"Ano ba? Wala akong laway aba." Anong oras na ba? Napatingin ako sa cellphone ko. 5:12 pa lang ng umaga tapos sya bihis na bibis na, nakauniform pa.

"Tara na! Excited na ko pumasok!" Hinigit na naman ako patayo. "Maligo ka na. Tapos may pagkain sa baba. Hihintayin kitaaaa!" Tapos biglang tumakbo palabas. Psh! Baliw!

Ang aga-aga pa eh. Ang bilis nyang magtanggal ng antok. Sino bang hindi? Aba paggising ko, mukha na nyang magan-- abnornal ang makikita ko. Nagulat ako mga, bes.

Naligo na lang ako, nagbihis tsaka bumaba. Nakita ko syang nakaupo sa lamesa, may pagkain na at hawak nya ang cellphone nya. Wala kasing alam sa mundo, kung papasok sya ng school dapat may connection kami.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko tsaka umupo. Sinong nagluto nito? Mukhang bagong luto pa at matino. Maalam ba magluto si Lisa?

"Tinulungan ako ni Jin-oppa. Nabuksan ko din bigla ang mahiwagang salamin sa magic b-- este cellphone." Nakangiti pa nyang sabi. So, nandito si Hyung kanina? Ang sarap siguro ng tulog ko 'di ko na napansin. Kagabi ko lang binili ang phone nya. Tuwang-tuwa nga sya kagabi, may box na daw sya tulad namin.

"Ang cooool! Ang daming features!" Sabi nya kaya inagaw ko. "Oy, teka!" Balak pa nyang agawin pero nilayo ko na.

"Shhhhh!" Sabi ko kaya natigil sya.

SLEEPING BEAUTY ━ taelice!blacktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon