Chapter 5.1: Time-out

1.7K 138 8
                                    

Chapter 5.1: Time-out

Taehyung's POV

Nakakapagod na. Puta. Kanina pa kami naglilinis, mabuti na lang maganda-gandang itong bahay. Now it's hot, I'm tired, hungry and a little sleepy. Bless my poor and handsome soul. Gusto ko nang maligo.

"Tara na, kain na tayong lunch." Yakag ni Jin-hyung sakin tsaka tinapik ako sa balikat. Sumunod naman ako sa paglalakad nya.

"So, what are you planning to do with Lalisa?" Napatigil naman ako sa sinabi nya. What am I going to do with that human-mannequin girl? Sobrang nakakabigla ang pagdating at pagbuhay nya.

Wala naman syang alam sa mundo na ginagalawan nya ngayon. She'll be troublesome. Mukhang abnormal pa, pero nakakatawa sya mag-react.

"I think she and Jennie will get along. You can ke—" naputol naman ang sasabihin ko dahil sinumbanat ako ni Hyung.

"Not gonna happen. Jennie's already a handful, and Lisa's awake because of you. So, you keep her." Ngumiti pa sya sakin. Akala mo naman madadala ako sa pa-good boy nya. Ganyan si Hyung simula nung bata kami, masunurin talaga.

Naglakad na lang uli ako pababa. "Hindi ko kasalanan na nagising sya. Aksidente lang ang lahat." Tugon ko.

"Pero ikaw pa din ang dahilan."

"Just shut up."

Tinawan na lang nya ko. Kabadtrip sya kausap porket mas matanda sya sakin.

"Chill Tae, ang bilis mo pa rin talaga mapikon." Sabi nya. Tinawag pa kong 'Tae' eh, hindi makaintindi.

"Wag nga sabing 'Tae', hindi 'yan ang codename ko dito." Pinaliwanag ko na kanina sa kanya, hindi naman pala inintindi. Tinapik na lang nya ako sa balikat tsaka tumawa pero nagulat ako sa nakita ko.

Nakita naman ni Jennie na nakaupo sa lapag habang ang hawak ang ulo ni Lisa. She shot a worriedly look at us. What the fuck just happened?

"Lisa!"

Agad akong napalapit sa kanila. Walang malay si Lisa sa kandungan ni Jennie.

"Anong nangyari?" Tanong ni Jin-hyung.

"Hindi ko alam. Naglilinis lang kami ng biglang syang nawalan ng malay." Sagot ni Jennie tsaka inilapit ang daliri nya sa may ilong ni Lisa. "Why isn't she breathing?!"

Medyo nataranta silang dalawa. Nagulat lang naman ako. Is she... Dead? But that can't be. Ang bilis naman. Bigla kong napansin ang kwintas nya. The clock stopped moving again. Like what the fuck?! Buhay 'yan kanina tapos ngayon tumigil na at exactly 12 noon.

"Dapat bang tumawag ako ng ambulansya?" Medyo natataranta ding sabi ni Hyung.

Wait... Nagising din sya when it was 12 midnight, then she fell asleep at 12 noon. I didn't want to use the term 'dead' because I know she's not, and I'm not that bad or cruel to say something like that.

"No. She's not dead." Sagot ko kaya napatingin sakin ang dalawa. "Excuse lang." Binuhat ko si Lisa papunta sa sofa ata inihiga doon.

"What do you mean?" Tanong ni Jennie.

"She turned to a mannequin again." Sagot ko kaya lalo silang nagtaka.

SLEEPING BEAUTY ━ taelice!blacktanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon