BOOKLAT (FILIPINO)
Akda: IliadAkdang Pampanitikan: Iliad
Anyo ng Panitikan: Epikong PatulaMay-akda: Homer. Siya ay isang Griyegong makatang nagsulat ng Iliad at Odyssey, ngunit kaunti ang nalalamang katotohanan ukol sa buhay niya. Sinasabing ipinanganak siya noong 800 BCE sa Ionia, Smyrna, Chios, o Asia Minor, at ayon sa mga historyador at mag-aaral, si Homer ay isang bulag. Mayroon namang naniniwalang si Homer ay hindi iisang tao lamang, at mayroong hindi naniniwalang nabuhay talaga si Homer. Sinasabing namatay si Homer noong 701 BCE.
Tema: realidad ng digmaan at kapangyarihan ng tadhana
Sanggunian:
1. https://ryanfb.github.io/loebolus-data/L170N.pdf (para sa kopya ng Iliad)
2. http://www.gutenberg.org/files/6130/6130-pdf.pdf (para sa kopya ng Iliad)
3. http://www.biography.com/people/homer-9342775 (para sa talambuhay ni Homer)
4. http://luna.cas.usf.edu/~demilio/2211unit1/names.htm (para sa tauhan sa Iliad)
5. http://www.ancient-literature.com/greece_homer_iliad.html (para sa banghay ng Iliad)
6. http://www.shmoop.com/iliad (para sa banghay ng Iliad)-----------------------
BANGHAY
Mga Pangunahing Tauhan
1. Achilles – pangunahing tauhan ng Iliad. Siya ang pinuno ng mga Myrmidon, isang pangkat ng mandirigmang Achaian (Griyego noong unang panahon)
2. Agamemnon – hari ng Mycenae at pinakamakapangyarihang hari sa Gresya. Ang kanyang mga desisyon ay kadalasang salungat sa nais ng kanyang mga nasasakupan
3. Menelaus – hari ng Sparta at kapatid ni Agamemnon. Ang pagkawala ng kanyang asawang si Helen ang nagsimula ng Digmaang Trojan
4. Patroclus – kaibigan ni Achilles. Nilusob niya ang lungsod ng Troy kahit pa sinabi ni Achilles na huwag niya itong gagawin
5. Odysseus – komandanteng Achaian. Pinayuhan niya ang mga Achaian na makipaglaban kahit pa pinaurong sila ni Agamemnon
6. Diomedes –mandirigmang Achaian. Nilusob niya ang lungsod ng Troy sa tulong ni Odysseus at ng diyos na si Athena
7. Nestor – tagapayo ng mga Achaian
8. Hector – pangunahing mandirigma ng lungsod ng Troy. Nakipaglaban siya sa mga Griyego tulad nina Ajax at Patroclus, ngunit napatay siya ni Achilles
9. Paris – Trojan na nagmamahal at dumukot kay Helen. Natalo siya nang makipaglaban siya kay Menelaus
10. Polydamas – tagapayo ng mga Trojan
11. Priam – may edad na hari ng Troy at ama ni Hector
12. Zeus – pinakamakapangyarihang diyos at kapatid nina Hades at Poseidon. Sinigurado niyang mangyayari ang nakatadhanang mangyayari
13. Poseidon – diyos ng karagatan na sumanib sa mga Achaian
14. Athena – diyosa ng karunungan. Sumanib siya sa mga Achaian sa digmaang Trojan dahil ayaw niya sa pag-uugali ni Paris
15. Aphrodite – diyosa ng kagandahan at pagmamahal na sumanib sa mga Trojan
16. Apollo – diyos ng taggutom na sumanib sa mga Trojan
17. Ares – diyos ng digmaan na sumanib sa mga Trojan
18. Hephaestus – diyos ng apoy. Nagpanday siya ng suoting pandigma ni Achilles at niligtas ito nang siya’y lumaban sa Troy
19. Thetis – diyosang ina ni Achilles. Inilahad niya kay Achilles ang itinakdang mangyayari sa kanya
20. Hermes – diyos na gumabay kay Priam sa pagkuha nito ng katawan ni Hector
![](https://img.wattpad.com/cover/90307694-288-k273082.jpg)
YOU ARE READING
intindi.
Phi Hư Cấua compilation of essays, texts, and thoughts. in the formal philippine language. in compliance with requirements and personal interest.