Chapter 5 - What is LOVE?

10.6K 236 22
                                    

5 - What is LOVE?

Rae's POV

Nasan ako ngayon? Eto nasa classroom. Boring. -_-

Filipino time e.

Nakatulala lang ako nang biglang nagsalita si ma'am

" Okay class, for your project. You need to have a 5 pages school paper! Arial 11. Got it? No more buts! The suaject is what you think about love. Tagalog lang ah. Di pa dapat kasama ang title page sa 5 pages, araso?! Deadline is tomorrow! " - ma'am

Like.. What the..!

" ma'am naman! " - mga classmates ko.

Wala kaming mgagawa, hay,

" Kunwari pa kayo, kaya nyo yan! About love yan so alam kong kaya nyo kaht 20 pages pa yan? Okay, class dismissed! " - ma'am

- at house -

eto ako ngayon, nasa harap ng laptop at nagsisimulang magtype...

12:25 am

Voila! Tapos na ! Naprint ko na! Haha! Ay teka, laptop ko naiwan ko sa sala. Wla naman cgurong mkakapancn nun. Tutulog na lang ako...

Zzz... (-_-)

Zeke's POV

Teka lng, nauuhaw ako.

Bumaba na ko ng kusina. Tumingin ako sa phone ko, 1 am na pla.

Pabalik na ko ng kwarto ko nang mapancn ko ung laptop ni Rae. Tsk, kaht kelan tlaga pabaya ung taong yun.

Ishushutdown ko na sana nang nkita kong may nkaopen pa plang tab.

In-open ko...

Project in Filipino

Serena Rae Jimenez

III - Einstein

Nagulat ako sa 2nd page,

What is LOVE?

Yan lang naman kc ang project nla, ano ba namang teacher un.

Teka, mabasa nga...

What is LOVE?

Ang pag-ibig ay isang mahikang di nakikita, di naririnig at di natitikman. Kundi ito ay nararamdaman.

Ang pag-ibig ay isang espesyal na nararamdaman para sa isang espesyal na tao.

Di natin ito nararamdaman sa araw-araw na may kumakausap satin, yumayakap satin o may humahalik satin.

Nararamdaman natin ito sa twing may dumating na isang tao para magkulay at magbigay buhay sa tinatawag na pag-ibig.

Pano nga ba natin malalaman kung meron tayong so-called "irog"?

Simple, mahal mo ang isang tao di dahil maganda sya.

Di rin dahil mayaman sya.

Di dahil sexy sya.

Di dahil malakas ang appeal nya.

Mahal mo ang isang tao kapag di mo maintindihan ang pagrarambulan ng mga alaga mo sa tiyan.

Pag nagiging kamatis sa pula ang muka mo dahil anjan sya.

Pag napapatulala ka sa sobrang kasimplehan nya.

Pag masaya ka kasi masaya sya.

Di naman talaga kailangan ng dahilan para magmahal.

Maaaring sabihin ng iba na ikaw ang pinakatangang tao sa mundo dahil minahal mo sya.

Pero sinasabi lang nila yon dahil di nila alam ang sitwasyon mo.

Iba ka, iba sila.

Nagmamahal ka. Manhid sila.

Kung nagtataka ka kung bakit maraming gustong mainlove?

Dahil yon sa kakaibang saya na narasamdaman sa twing maalala mo ang mga sweet moments at dates nyo.

Kahit na ang mga tampuhan na minsan ay ang sarap na lang tawanan.

Pero bakit marami parin ang nasasaktan pagdating dito?

Simple. Nagmamahal sila pero di sila nag-iisip. Di nila iniisip ang nararamdaman ng ibang taong nakapaligid sakanila.

Di nila iniisip kung may mali sa twing may gagawin sila. Kung magiging makasarili ba sya kung gagawa sya ng isang bagay.

Pero di lahat sa atin ay sinuswerte pag dating sa pag-ibig.

Meron ding iba na ni minsan ay di nagkaroon ng isang tao na magbibigay sakanya ng bulaklak, chocolates, teddy bear o greeting card man lang sa twing valentines day. O kaya sa birthday nila.

Pero sabi nga nila... Sinusulat pa ni God ang pinakamagandang love story sa lahat.

Ang pag-ibig, mahahanap mo yan kahit san ka magpunta.

Mapa-school, mapa-bahay, mapa-kalye, mapa-tulay, mapa-tindahan, mapa-kulungan, mapa-ospital o sa kahit saan pa.

Di mo alam yung kababata mo, yun na pala yung para sayo. Yung dating kinamumuhian mo dahil sa pangbu-bully sa yo, xuxg pa pala ang makakatuluyan mo in the end.

Sabi nga nila napakacomplicated ng pag-ibig.

Totoo, complicated nga. Bakit? Dahil kahit sa pinaka-ayaw mong tao, dun ka pa naiinlove.

Ako? Di ko alam.

Basta alam ko, mahal ko si mama, mahal ko si papa, mahal ko si kuya. Mahal ko si Rica, at mahal ko si ZAC. Mahal ko mga classmates ko pero may isa akong mahal. Mahal hindi lang bilang isang kuya o kaibigan.

Mahal ko sya pero bawal. Bakit? Kasi mas matanda kaya yung sakin! Saka parang ayaw nya sa akin!

Pero okay lang! Di ako susuko!

Pag mahal mo kasi ang isang tao, di ka susuko kahit anong gawing pagpapahiwalay sawinyo.

Di mo isusuko ang pag-ibig mo kahit na di ka nya mahal.

O kaya kung ayaw man sa inyo ni tadhana.

Kung mahal nyo talaga ang isa't isa, kayo hanggang huli.

Tapatan man kayo ng isang batelyon, kung mahal nyo ang isa't isa, magkasama kayong lalabanan lahat ng problema.

Kahit masaktan kayo, mawawala lahat ng sakit dahil mapkasama kayo.

Kasi sa huli, worth it ang paghihirap na pinagdaanan nyo dahil kahit na nasaktan kayo, mawawala ang mga sugat na yon na magagamot ng pagmamahal nyo sa isa't-isa.

Kesa naman sa sumuko ka, ikaw ang talo. Nasaktan ka na nga, nawalan kapa.

Kaya okay lang masaktan, kung alam mong may patutunguhan.

Ang magmahal ay para masaktan.

Kahit anong iwas mong masaktan, masasaktan ka.

Kahit anong iwas mong magmahal, magmamahal ka.

Yan ang pag-ibig, isang bagay na komplikado. Isang bagay na nakakagago.

Ang pag-ibig sa simpleng salita, ay "masaktan".

Yan ang isang salita galing sa isang babaeng nagmamahal. Nasasaktan, at magiging masaya.

Nang mabasa ko ito, di ko na napigilan. Parang nakokonsensya ako. Kaya umakyat ako ng kwarto.

Kinuha ang usb ko at kinopya ang project ni Rae.

Ang isang bagay na maaari kong maging ala-ala sa tingin nga taong mahal ko sa pag-ibig.

What is LOVE?

For me?

LOVE IS RAE.

-------

AUTHOR'S NOTE:

Tada! Sana nagustuhan nyo. :)

Btw, pakireccomend naman tong story ko sa friends nyo!

VOTE.

LIKE.

COMMENT.

BE A FAN.

- MRS. PAYNE -

I Love My Kuya. ♡ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon