HINDI ITO DRAMA

8.8K 72 20
                                    

Mahabang Prologue Muna. ^^

Sabi nila wala daw gamot para sa miserableng buhay.. Ang buhay daw kasi ay parang salamin.. Pag hindi mo iningatan, mababasag. At pag basag na, kahit anong ayos mo, hindi na yun magiging katulad ng dati.. At ang pinakamasaklap dun..minsan, sa sobrang desire mong ayusin ang lahat, hindi maiiwasang masaktan mo ang sarili mo. Sabi nga nila, "don't try to fix a broken mirror, because you'll just end up hurting yourself."

Naisip ko tuloy.. Ibig sabihin ba nun, ganito na lang ako forever?? Wala na ba kong chance para lumigaya? Magkaroon ng sariling bahay sa Alabang, kotse at Dollar Accounts? O magka-boyfriend? O maranasan man lang na maligawan ng matino at wafung boylet??!

Hindi ba pwedeng mag-try man lang?? Madasalin naman akong tao.. Tumataya naman ako sa lotto. Pinipilit ko pa ngang managinip ng magic numbers at manguha ng itlog ng gagamba para lang swertehin eh! Pero parang totoo nga.. Mukang wala na nga akong pag-asa!

Nagulat ako at napatingin sa madilim na langit nung biglang kumulog ng malakas at humangin..

"Tss.. Kung minamalas ka nga naman.." reklamo ko at nilabas ang payong kong matagal ng humihiling na mag-retire.

"Wag mo kong bibiguin kung ayaw mong itapon kita sa basurahan ng wala sa oras!"sabi ko sa itim na payong na binili ko 3 months ago sa divisoria.

Tama namang pagkabukas na pagkabukas ko ng payong ay bumuhas ang napakalakas na ulan.

"haha! Anu ka ngayon??!" natuwa naman daw ako kasi hindi ako nabasa di ba??

Grabe.. Sobrang lakas ng ulan. Tumingin ako sa paligid ng eskinitang dinadaanan ko gabi-gabi.

"Grabe, ulan lang pala ang magpapalayas sa mga tambay at manyak dito." bulong ko ng makita kong nawala ang mga tao sa paligid.

May nakita akong tindahan at naisip kong sumilong muna. Pero mukang tinopak na naman ang swerte ko. Paghakbang ko, para lang akong naging tanga! Naiwan ang kanang sapatos ko sa kalsada at tuluyan akong na-off balance at sumalpak ang buong katawan ko sa naipong tubig sa maliit na lubak sa harapan ko!

Grabe, pati ung payong ko narinig kong naputol. At hindi pa yun ang pinakamatindi! May narinig akong sobrang lakas na tumawa! Napatingin ako sa 2nd floor ng bahay na malapit sa kinasadlakan kong katangahan at may nakita akong babaeng mukang lumpiang shanghai sa tube na suot nya at wagas kung tumawa!

Syempre, pahiya naman daw ako di ba? Pero di ako nakatiis, tumayo ako at sumigaw sa ilalim ng ulan.

"HAHAHA KA RIN! PUTIKAN NGA AKO NGAYON PERO MAS PANGET KA PA RIN SA AKIN!!! FANGET! MUKA KANG SHOKLA!! AKALA MO MAGANDA KA DYAN SA SUOT MO?? WELL, AKALA MO LANG YON! ADVICE LANG, MANALAMIN KA NAMAN!!"

Bigla namang tumigil sa pagtawa yung babaeng mukang bakla, at may dumungaw na matabang lalake na mukang galit na galit!

"Anong sabi mo!?"sigaw nya.

Syempre natakot naman daw ako di ba? Kaya hindi ako nakaimik. Hahaha.

"Maghintay ka dyan! Bababa na yung boyfriend kong pulis!"sigaw nung babae

Teka! Pulis ba sabi nya?? May baril yun di ba??

"Tanga ka ba!? Bakit ako maghihintay?! Nagmamadali kaya ako!"

Mas lalo namang nainis yung babae. Di nagtagal nakarinig ako ng ingay sa 1st floor ng bahay nila. Mukang pababa na nga talaga ang matabang pulis!

At talagang nakababa na nga! Dahil biglang bumukas ang pintuan nila at bumungad si taba. May hawak na...

Na..

Na..

"Ay kuya wait lang! Anu ba yang hawak mo?"tanong ko. Syempre, curious ako eh. Hehe.

Dapat sana ay sasaktan na ko ni taba, pero muka naman syang respectful. Kasi sinagot din nya ako. Haha.

"Ah eto ba?"sabay tingin sa hawak nya. "Chako to. Astig kaya to. Padala to ng bayaw ko galing japan. Mahal kaya to!"

"oh?? Galing naman.. "

"buti ka pa, naappreciate mo tong chako ko."-taba.

^_^ <-- siya.

O.O <-- ako.

[insert cricket sound here]

"Sige kuya.. Bye na. Uwi na ko. Dumi ko na oh."sabay turo sa damit ko.

"Oo nga. Muka kang tangang naputikan. Ingat ka na lang dyan. Maraming tarantado dyan."bulong nya.

Tumingin ako sa kanya.

=___= <-- taba

T___T <-- ako

"Sige ho manong. Bye."

"Bye tanga."

>__<

Ampf.

HINDI ITO DRAMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon