Chapter 4

2.2K 55 5
                                    

Nakauwi na din sa wakas! Walanyang mga kidnappers yun! Anlayo ng pinagdalhan nila sa akin! Kailangan ko pang mag-bus at mag-jeep pauwi! Psh.. Hayop talaga..

Tapos hindi naman pala importante yung kailangan nila sa akin! Kainis lang! Hmpf!

Pero ang nakakapagtaka..? May kilala silang Franko Nuñez na akala nila ay si Franko Nuñez na ginawa ko lang sa Adobe Photoshop ko..

Anu yun??? Magkamukha kaya sila kaya nila naisip na iisa lang sila..?

At pareho pa talaga ng pangalan???

Parang ang hirap isipin...

***

Back to work!

Ilang araw na din ang lumipas simula nung kinidnap ako ng mga bugok pero minsan paranoid pa din ako..

Pakiramdam ko kasi may dudukot na naman sa akin at gugutumin ako ng bonggang-bongga pagkatapos ay pauuwiin ako ng mag-isa!

Ilang araw na din akong hindi kinukulit ng mga kasamahan ko sa trabaho, hindi ko na kasi inopen ang account ni Franko sa fb simula nung pinagsabihan ako ni manong Greg.

Finally! Everything is back to normal! At isa lang ibig sabihin nun... My life is back to being boring!

...

Kasalukuyan akong naglalagay ng noseline ng isang customer nung bigla kong narinig yung mga kasamahan ko sa 1st floor na tumili ng bonggang-bongga.

Tss.. May gwapo na naman sigurong magpapa-id..

Mag-isa na lang kasi ako sa Editing Room kaya ok lang na kausap ko sarili ko. Haha.

Maya-maya lang ay biglang bumukas yung pintuan, at tinulak pa ata! Gulat nga ako e!

"Elliiiieee!"

Pshf.. Kung makatawag naman sa akin.. Wagas!

"Ano na naman??? Yung order ko sa Avon di ba sabi mo sa katapusan na lang yung bayad?? Tss.."

"Ano ka ba gurl?? Hindi yun! But anyway... Kung anu mang suot mo ngayon.. Siguradong malalaglag pag nakita mo na siya!!"

T_T

Weh???

"Tss.. Sinu ba yan?? Artista ba o model??"

"Aba malay ko sa'yo!"

"Huh?? Anong anong malay mo sa akin??"

"Malay ko ba kung artista o model yung boyfriend mo!?"

"Boyfriend?????"gulat kong tanong/sigaw

"Oo nga anu ka ba!? C Franko nasa baba! Dinadalaw kaaa!! Yiiiihhh! Gwapo nya talaga!"

O.O <--ako

"Alam mo ellie bilib na talaga ako sa'yo! Kung anu man yang gayumang gamit mo, gusto ko na ding gamitin!! San ba nakakabili nyan???"

O.O <-- ako pa din

"Hui anu ka ba! Natulala ka na dyan?? Hinihintay ka kaya nya sa baba!"

O.O <-- at ako pa din!

"Hoy Ellie!!! Anu na?? Galaw-galaw na dyan!"

O.O <-- wag nyo ng tanungin kung sino to

"Hoi Ellie!! Pag di ka pa bumaba ngayon malamang naubos na yun ng mga patay-gutom na babae sa baba! Sakto uwian na oh!" sabi nya pagtapos tumingin sa orasan nya

O.O <-- ako na ang shocked!

"Bumaba ka na nga Ellie! Magaayos na din ako ng mga gamit ko at ng makauwi na nga.. Tss.. Parang wala akong kausap!"

HINDI ITO DRAMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon