Chapter 27

1.4K 26 4
                                    

ELLIE's POV:

"This are our Dessert Chefs - Tessa," turo ni Sir Arman kay Ate Tessa na nakatayo sa kaliwa ko

Naku po! Ako na susunod!!

Nakita ko ang pagtango ng bago naming boss.

Hayan na..! Nagmove na sila pakanan!

Ako na!!!

"..and Ellie--"

O.O -->>Sir Franko

#_____# -->> Ako

!!!!!___!!!!! -->>Sir Franko

???___??? -->>Ako

Naramdaman ko ang biglang pagsiko sa akin ni ate Tessa. Siniko ko sya pabalik pero di ko yun pinahalata.

Kung bakit naman kasi titig na titig sa akin yung bagong may-ari ng resto!!

"Franko..?" kunot-noong tanong ni Sir Arman sa kanya

Para syang biglang nagising. Kitang kita ko sa sulok ng mga mata ko ang paglingon ng mga kasamahan ko sa trabaho sa banda ko..

Hus me!! Katakot-takot na pang-aasar na naman ang aabutin ko nito!

"Ahm.. Im sorry.. You look a lot like..."

Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.. Pero bakit ganun?? Nagagawa pa rin nyang tumitig sa akin!!!!!

"..like a good friend of mine.."

Muli akong siniko ni ate Tessa at wala akong ibang nagawa kundi ngumiti ng alanganin sa harap ng bago naming boss.

Lumipat na sa back row sina Sir Arman para ipakilala sa kanya ang iba pang mga empleyado. Ako kasi ang nasa dulo ng front row kaya nahagip pa ng ilong ko ang mabangong amoy nya ng umikot sya papunta sa likod namin.

"Sosyal.. Good friend of mine pala ha!" bulong ni ate tessa sa akin

"Ano ka ba! Marinig ka ni Sir!" mahinang saway ko sa kanya

"Sinong Sir? Si Sir Arman ba o Si Sir Good friend of Yours???"

=_____=

"Ewan ko sa'yo! Bahala ka pag nahuli tayong naguusap!"

"Ano to!? Highschool lang?? Bawal magusap pag merong teacher??"

"Ewan ko sa'yo te tessa! Ingay mo!"

"Hmpf! Isnabera! Por que kamuka mo DAW yung good friend of mine ni Sir Chan!"

~.^

"Sinong Sir Chan??" nagtatakang tanong ko

"Si Sir Franko...! Kamuka kasi nya si Channing Tatum! Eeee!!!" kinikilig na sabi ni ate tessa

:______:

"Ang landi mo! Baka nakakalimutan mong ikakasal ka na in a month??"

"Oh bakit, bawal magka-crush pag malapit ng mag-asawa??"

"Tss... Ewan ko sa'yo!" inis na sabi ko at bahagyang lumingon sa likod ko.

Isa-isa ng pinakilala ni Sir Arman ang mga waitrons sa kanya. Dinig ko pa nga kung pano sila i-introduce e.

Muli akong tumingin sa harap at naghintay na matapos ang pagpapakilala sa lahat ng empleyado.

"Tumingin si Sir sa'yo!" bulong ni ate tessa sabay siko ulit sa akin

Aray naman. Kung makasiko naman tong babaeng to.. Wagas!

"Pano mo naman nalaman e nakatalikod nga tayo di ba??"

HINDI ITO DRAMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon