CHAPTER 4: MATAKAW?!

62 1 0
                                    

JOSHUA'S POV

*FAST FORWARD*

Uwian na yehey! XD Dahil sa gusto kong mas makilala tong amazona na 'to kaya inaya ko siyang lumabas.

"Ui, kain tayo!" sabi ko sa babaeng masunget, "Papayag ako pag natalo mo ako sa basketball kahit 2 out of 4 lang ang mashoot mo." sabi niya na halatang malaki ang tiwala sa sarili.

"Hindi ako nagpapaalam sayo! Nag-uutos ako! Sa ayaw at sa gusto mo kakain tayo!" sabi ko para sumama siya sa akin.

30 minutes din kaming nagtalo kaso ayaw niya talagang pumayag.

5:40 na kami nakarating ng gym.

10 minutes na lang kami pwede magstay kasi 5:50 pa lang ay pinapaalis na ng mga guards ang mga estudyante sa school.

YSSA'S POV

Pagkatapos naming mag-away ni seatmate ng 30 minutes ay pumunta na agad kami ng gym.

"Ay anak ng tokwa! Wrong timing naman 'tong mga lalaking 'to kala mo di na makakapaglaro bukas, tara uwi na tayo!" pagiging plastik na sabi ko para di na kami umalis.

Ayoko talaga eh.

"Oh! Teka teka! Anong uwi? Kabago-bago pa lang natin magkakilala, ganyan na agad pinapakta mo sa akin? Hindi ka ata marunong tumupad sa usapan nyan?" sabi niya.

"O sige na nga! Maghihintay tayo dito.... tsss..." sira talaga tong lalaking to!

5:46 na natapos maglaro ang mga ungas! Kinuha agad ni Joshua yung bola at nitry magshoot, sablay naman. (Joshua ata pangalan non, narinig ko nung nagpakilala siya kanina XD)

Yung pangalawa niyang try ay nashoot,  pang MVP moves!

Yung susunod ay humarang ako kaya iniisip niya kung pano niya ishoshoot.

Infernes trying hard talaga siyang makashoot.

Ishoshoot na niya ng biglang may pumito.

"Students, 5:50 na, labas na kayo." sabi ni manong guard sa amin.

Lumabas na kami ng school.

"Hay! Salamat! Di na niya ako masasama!" sa isip isip ko XD.

"Tara na, alis na tayo, san mo gusto?" sabi ni joshua guy.

"Anong tara ka dyan? Isa lang ang nashoot mo ah!" mayabang na sabi ko.

"Ano ka ba? Di ko na kasalanan yun noh, eh bigla tayong pinalabas nung guard! Kaya sumama ka na sa akin. Ngayon na, pag di ka sumama--" satsat ni Joshua.

"Oo na! Ang ingay ingay mo! Daldalero!" naiinis na sabi ko.

"Hoy! Sinong daldalero?! Antahimik ko nga eh, alam mo bang most behave ako lagi at kahit kelan ay di pa ako nalilista sa noisy list nung bata ako!" nakangusong sabi niya.

"Isa pang buka ng bibig mo, hindi na ako sasama sayo!" natahimik siya sa sinabi ko.

JOSHUA'S POV

Ang cute pala ni Yssa pag naiinis, parang gusto lang naman niya akong balatan ng buhay pagkatapos ay pagulungin sa asin.

Alam kong masyadong brutal pero yun yung nakikita ko.

Ngayon ay nandito kami sa kanto , nililibre ko siya.

Ang takaw takaw niya super parang 10 taon siyang hindi kumain, nilantakan niya yung fishball, kwek-kwek, kikiam at chickenball.

Ang kalat niyang kumain, parang bata na mauubusan ng pagkain.

Halos siya na nga ang umubos ng paninda ni manong .

Nagbayad ako ng 150 sa sobrang dami ng kinain niya.

YSSA'S POV

Hays! Ang ingay pala talaga ng lalaking yun parang babaeng buntis na hindi mapaanak.

Ang sakit sa tenga ng boses niya kaya pumayag na lang akong sumama sa kanya.

Ngayon ay nasa kanto kami, ililibre niya ako syempre siya yung nag aya eh.

Ang sarap talaga ng fishball, kwek-kwek,kikiam at chickenball.

Hindi naman talaga ako matakaw, sa bahay ay konte lang ang kinakain ko tapos may poise pa partida.

Ewan ko ba kung bakit ako nagkaganito sa harap ng mokong na 'to.

Titig na titig talaga siya sa akin habang kumakain ako siguro narealize niya na cute ako XD.

"Hoy! Makatitig ka naman dyan wagas eh noh! Ui kakainin mo pa ba yang kwek-kwek?" syempre nagpacute ako, kaso hindi naman siya sumagot nakatitig lang siya sa akin.

Umusog ako ng kaunti, at dahan dahan kong kinuha yung kwek-kwek at sinubo ko agad.

"Ouch! Ang anghang!" napasigaw ako dahil nakagat ko yung sili.

Ang anghang pala ng kinakain ng Joshua na 'to.

At dahil sa pagsigaw ko ay bumalik ata ang diwa niya dito sa earth.

Nahalata kong nagulat siya kasi malapit ang mukha ko sa mukha niya.

"Hoy! Bumili ka na ng juice! Dali! Pag ako namatay ng dahil sa anghang! Mumultuhin talaga kita!" tapos ay nagpout ako ng lips.

JOSHUA'S POV

Bigla akong napatulala.

Bumalik yung diwa ko nung sumigaw siya "Ouch! Ang anghang!" nagulat ako kasi sobrang lapit niya sa akin, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Hoy! Bumili ka na ng juice! Dali! Pag ako namatay ng dahil sa anghang! Mumultuhin talaga kita!" gusto ko talaga tumawa non kasi nakakamatay na pala ngayon ang anghang XD.

Bigla siyang nagpout ng lips.

Masyado niya akong tinataranta kaya't patayo na ako ng biglang sumayad yung lips ko sa lips niya.

Alam kong naramdaman niya yun kasi biglang nanlaki yung mga mata niya.

Nagkunwari akong hindi ko naramdaman, dumiretso agad ako sa tindahan at bumili ng juice.

Ang lambot ng lips niya parang marshmallow >.<.

Parang gusto ko ulet siyang halikan.

Nakarating na din ako sa kanya sa wakas, halos mangiyak ngiyak na siya, parang batang inagawan ng candy XD

<<** AUTHOR'S CHAKA NOTE

PAALALA: ANG NOTE NA TO AY CHAKA XD

ELOW... ANO KAYA ANG SUSUNOD NA MANGYAYARI ATE CHARO XD

BUKAS ULET XD ALAM KONG WALANG NAGBABASA DAHIL ANG CHAKA CHAKA NITO XD.

<<** ALY ( the CUTE PERSON)

Love Occurs Unexpectedly &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon