CHAPTER 5: May panggulo sa storya >.<

10 1 0
                                    

JOSHUA'S POV

Pagkatapos niyang uminom ay parang walang nangyari, hindi man lamang siya nagpasalamat.

S-I-L-E-N-C-E

Walang nagsasalita, nakatingin lang siya sa puno na para bang sobrang lalim ng iniisip niya.

"Yssa?" tanong ko, pambasag lang ng katahimikan.

"H-huh? B-bkit?" napatingin siya sa akin.

"Halika na? Hahatid na kita." parang nagulat siya sa sinabi ko, binigyan nya ako ng WTH face.

"Malapit lang ba bahay nyo?" tanong ko.

Nag isip sya ng mga 5 minutes.

"Ahmm.. Oo... Kaya uuwi na lang ako mag-isa" sagot niya.

"Ihahatid na kita para makapanigurado." pagpupumilit ko.

"May paa naman ako eh! Kaya kong umuwi mag-isa!" pasigaw nyang sabi.

"Ang sabi ko ihahatid kita at maglalakad ka talaga kasi hindi kita bubuhatin sa taba mong yan, asa ka naman!" pang-aasar ko.

"Oi! Sexy ako! Hindi ako mataba! Oo na hatid mo na ako at baka marape pa ako dahil sa sobrang SEXY KO!" pikon talaga 'tong babaeng to.

Natawa ako sa sinabi niyang sexy daw siya.

Medyo chubby siya, mukhang tataba siya dahil sa sobrang lakas niyang kumain.

Habang naglalakad kami ay nagkwentuhan kami.

 "Ui, alam mo ngaun na lang ulet ako nagkaroon ng kaibigan." halos mangiyak ngiyak na sabi ko.

"Huh? Bakit naman?" tanongg nya na parang medyo concern.

"Kasi isa lang ang friend ko, ung friend ko na yun ay si Jennine, bestfriends kami." sagot ko sa kanya.

"Namimiss mo siya noh?" biglang rumagasa ung mga luha ko dahil sa tanong nya.

"Mahal mo siya noh?" hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong na un.

"Alam ko at ramdam ko na mahal mo siya. Ipaglaban mo siya! BTW nandito na pala tayo. Salamat nga pala sa panlilibre ng pagkain at sa paghatid." sabi niya habang nakaharap sa gate.

"Kanino ka ba nagpapasalamat? Sa akin ba o sa gate? Ay wait! nagpapasalamat ka pala!" gulat na sabi ko.

Hindi nya ako pinansin nagdoorbell siya ng mga 10x.

"Hoy buksan nyoo nga to! Wala ba talaga kayog balak na papasukin ako?!" sigaw niya sabay sipa sa gate.

Sobrang mainipin pala to.

AFTER 5 MINUTES...

May nagbukas na din ng gate.

Siguro ay naingayan kay Yssa, ang lakas ng bibig eh parang nakalunok ng 10 speaker na malalaki.

"Hoy! Ikaw! Alam mo bang kanina pa ako nandito?!" sabi nya sa maid.

"Ma'am sorry po nagluluto po kasi ako eh." sagot nung maid.

"Sige uwi na ako." sabat ko.

"Shut up! nakikita mong nagagalit pa ako diba?!" sabi nya.

"Bakit?! Gusto mo bang panoorin ko pa kung paano mo siya ipahiya?! hindi ka man lamang naawa!" sabi ko sa kanya.

*BOOGSH*

Bigla nya akong sinampal ng napakalakas, bumakat ata kamay nya sa pisngi ko eh.

"Bakit mo ako sinamal?!" sabi ko sa kanya ng galit na galit.

"Ikaw pa lang ang nakapagsalita sa akin ng ganyan!" sagot nya.

"HUH?" nabuburyong utak ko dito eh.

"SALAMAT" sabi nya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Matapos nya akong sampalin, magpapasalamat siya?!

"Kasi narealize ko na mali na pala ung ginagawa ko, at Lilia sorry sa mga nasabi ko ha." pumasok na sila sa loob at umuwi na ako.

Magkavillage lang pala kami kya medyo malapit lang din ang nilakad ko.

Mga 11:00 na ako nakauwi, antagal pala namin nagkasama ni Yssa, humigit kumulang 5 hours.

Ansaya ko kapag kasama ko siya.

Anong oras na pala kailngan ko na matulog, maaga pa ako bukas eh.

*KINABUKASAN*

Bumangon agad ako, ewan ko ba kung bakit sobrang excited ako pumasok ngayon.

Pagbaba ko ay nakita ko agad si mommy, naghahanda ng breakfast.

"Goodmorning Mommy!" nagulat ata siya ansama ng mukha nya eh.

"Aba, ang ganda ata ng gising mo anak!" sabi nya.

"Ahaha!" tumawa na lang ako.

Pagkatapos kumain ay nagmadali akong maligo at pumunta ako sa bahay nila Yssa.

Nagdoorbell ako ng mga 5x.

Malalate na ako haysss..

Sa wakas ay may nagbukas na ng gate >.<.

"Goodmorning! nandyan ba si Yssa?" tanong ko.

"Wala siya dito eh, maaga po siyang umalis" sagot nung maid.

"ahh okay salamat" medyo disappointed ako.

Pagdating ko sa school ay nalate nga ako.

Pagdating ko ay dumiretso agad ako sa loob ng room, mabilis akong umupo sa aking upuan laking gulat ko wala si Yssa.

1 week ding hindi pumasok si Yssa.

Namimiss ko na siya.

1 week ko na ding hindi nabubuksan ung locker ko, ang dumi at ang gulo na pala.

Nandon lang pala ung cellphone ko.

*51 missed calls*

*201 text messages*

"ang dami naman nito." pagbukas ko ay nagulat ako.

"lahat to! galing kay jennine?!" nabigla ako don ah.

Puro muzta, miz u, ingatz lang naman ung laman ng mga text nya.

Nagulat ako ng mabasa ko ang 2nd to the last na text nya *I LOVE YOU ;*" hindi ko na un dinelete.

Binasa ko na ung last text nya, *ay! wrong send* wrong send lang pala pero hindi ko pa din un dinelete.

Christmas vacation na namin, hanggang ngaun ay hindi pa din nagpaparamdam si Yssa sa akiin.

Miss na miss na miss ko na talaga siya.

JENNINE'S POV

1 week na akong hindi pinapansin ni Joshua, nakailang miss calls at text na ako sa kanya.

Oh, well oo miss na miss ko na talaga siya.

May mga bago na ata siyang kaibigan?

Baka naman may GF na siya?!

*toot..toot..toot*

*1 new message*

"Sino naman kaya to? Istorbo nga naman oh!" sabi ko.

*Hey, Jennine, i miss you. Bibisita ako dyan OTW na ako :)*

Kinilig ako sa text nya, joke lang XD.

Naligo na ako at sinuot ko ang pinakamagnda kong dress, at naglagay ako ng make-up.

*KNOCK KNOCK*

Nagmadali ako, naglagay na din ako ng perfume at nagmadling magbukas ng pinto.

A/N:

Lahat ng bagay ay may rason kaya't wag kang malungkot kung sakit ang nararamdaman mo dahil my rason yan so dont give up :)

ANC

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Occurs Unexpectedly &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon