huling tula

3.2K 5 5
                                    

nagkasalubong ng di inaasahan

mukha mo biglang nasilayan

lungkot bumalot sa aking katawan

ng maalala ko ang dati nating turingan

ngiti sa aking mga labi

may halong pait at pasakit

sapagkat aking nagunita mali kong pag uugali

noong ako'y iyo pa at ika'y kapiling

binuhusan mo ako ng iyong pagmamahal

ngunit di ko man lamang pinakaingatan

binalewala sapagkat di ko mapantayan

damdamin mong umaapaw sa ganda at yaman

mga mata mo sa akin ay nagtatanong

kung bakit sya ang piniling kasukob

sa payong na tinatawag nating pag-ibig

na ako lamang pala ang syang magbibitbit

nakakahiya mang aminin na ako'y nagkasala

sa iyo ako ay magpapakatotoo na

mali ang aking naging desisyon

mapapatawad mo ba ako? yan ang aking kuwestiyon

tama ka hindi nya ako minamahal

sapagkat bawat yapos ng kanyang mga bisig,

bawat halik ng kanyang mga labi--

walang emosyon at sadyang kaylamig

masakit pala pumasok sa isang relasyon

na ikaw lamang ang nag iisang umiibig

marahil ganito din ang iyong nadama

nung panahong tayo pa at iniwan kang bigla

patawarin mo ako at di ako nagpaalam

minahal mo ako, ngunit mahal ko siya

tama sila, mapaglaro ang tadhana

mahal ko siya ngunit ang mahal nya ay iba

marahil kinailangan kong manakit at masaktan

upang matutunan ang aral tungkol sa pagmamahal

ang katangi-tangi ko lamang pagsisisi

ay ang hindi ka naitrato ng tama at mabuti

nararamdaman ko na hindi na magtatagal

itong pag-ibig kuno na kanyang inaalay

pasasaan ma'y sya rin ay mapapagal

at landas nami'y tuluyan nang magwawalay

handa na ako sa unos na darating

bago pa man ito'y sukdulang harapin

narito ang huling tula na iyong hiling

salamat sa pagmamahal mo, nawa ako'y iyong patawarin

*ang tulang ito ay nabuo bilang sagot sa tulang The Good, The Bad, The Ugly (Isang Love Triangle) mula sa koleksiyong "buntong hininga" na isinulat ni isaganireyes.

koleksiyon ng mga tula sa wikang PilipinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon