**Lyka POV'S**
It's Thursday. Wala kaming pasok ngayon mag mini concert kami sa Luna Pub and Café..
Isang banda kami doon ako ang sa guitar , sI Jenny ang sa drums si Shaira ang sa keyboard at si Jessie ay lead vocalist..pero siyempre kumakanta parin kaming lahat.
Pero kapag huwebes ay sabay-sabay kaming walang pasok. Sigurado doble na naman ang tao ngayon doon.Naalala ko pa ng unang punta namin doon, si Shaira ang taya dahil birthday niya at siya ang pinaka may kaya sa aming apat..
Nag pustahan lang kami noon, kung sino ang may pinaka mataas na score ay siyang panalo. At dahil hindi iyon videoke-han, hinayaan namin ang mga iba pang kumakain at nag de-date doon ang sila ang pipili.
At sa huli si Jesica ang panalo. Kinanta nito ang pinaka paborito niyang pyesa Listen by beyonce.. Nag tayuan pa nga ang mga kumakain. Sa aming apat siya ang may pinaka mataas na key ng boses. Ako parang kay Moira lang. I can hit some high notes pero hindi yung kang Celine Dion
Habang si Shaira she doesn't like competing at all. Sitting pretty lang to while singing Taylor Swift songs. at si Jenny nag rap. Ano pa nga bang aasahan mo sa kanya. Nagustuhan ng may ari ang mga boses namin kaya kinuha niya kaming apat.
Sayang din dagdag kita, kay Shaira wala lang iyon. Iyong kinikita niya ipinang lilibre niya sa amin. Simula noon dumami na ang customer.
Tuwing linggo si Jesica,lunes ako,martes si Shaira,at si Jenny at miyerkules..at kapag huwebes ay kaming apat kaya siguradong magiging masaya ito. As in.
Pagbangon ko ay nagligpit muna ako ng dapat ligpitin sa kwarto ko.Naghilamos at nag mumog. Pinusod ko ang buhok at lumabas na. Without checking what did I wear. Ako lang naman mag isa.
Pag baba ko ay napa kunot ang noo ko.
Bakit may almusal na sa mesa, ang pag kaka alam ko e tuwing huwebes hindi na pinapa pasok ni Tita Louise si Manang Lucy dahil alam niyang wala akong pasok. Mamaya pa itong hapon para ibabad ang labahin.
Merong bacon, egg, hotdogs and pork adobo sa lamesa. Then sinangag.
Kahit papaano naman ay marunong ako sa gawaing bahay, simula ng mawala ang papa ko ay natuto na ako. At hindi rin naman ako sinanay sa luho ng parents ko. Tanging kay Kuya Jason lang nung buhay pa siya. Maging si Jeldrin ay ganun din. Mas magaling pa nga siya sa akin magluto e.
Ako lang naman ang laging naiiwan dito since maaga napasok si Tita Louise.
Ang tanging kasama ko lang ay si Manang Lucy.
Naputol ang pag iisip ko ng pumasok mula sa pintuan si Jelbot. Galing siguro ito sa labas. At napangiti ako ng todo ng makita ko na nakasuot ito ng apron. Gosh!! Ang gwapo niya talaga.
"kung ganito lang din naman araw-araw , kumpleto na ang araw ko."
"Bakit ganyan ka makatingin? Ang gwapo ko pa rin di ba?" He joked.
"Do you get those lies from your buddies? Mga lier sila. " " Shit! Oo na ang gwapo mo talaga. Kaya nga crush kita e. Binarhan ko siya ng talikod habang ngiting ngiti naman ako.
" Hindi ba wala kang pasok ngayon? Sabay na tayo mag almusal ha. We need to talk."
Talk? Matapos akong deadmahin. Talk?!
![](https://img.wattpad.com/cover/94457603-288-k432427.jpg)
BINABASA MO ANG
Kapag Napagod Ang Puso (MRU #1)
FanfictionTHIS STORY IS UNDER- EDITING "I was standing on a line between giving up and seeing how much I can take, just because I choose to love you." Lyka said while letting her tears to fall down. Hoping it will less the pain she's been keeping. If only...