June 30, 2008
4:15 pm
"Sasabihin nyo ba kay Grace na nakasalubong natin si Andrew?" Mahinang tanong ni Kim sa kanyang mga kasama. Napalaki naman ang mata ni Mae at tsaka napailing.
"Bakit ako? Ikaw na lang!" Suggestion nito. Naglalakad sila ngayon papuntang freedom circle. Doon kasi sila nagusap-usap na magkita. Sinamahan muna kasi ni Grace si Christine sa Dean's office ng department nito, may kailangan kasi siyang i-clear sa schedule niya. Mukhang may dapat siyang baguhin na klase.
"Charlene di ba close naman kayo ni Andrew at bessie ka ni Grace ikaw na lang kaya magsabi. Oo ikaw na lang!!!" Isip ni Mina habang nakangiti. Naningkit naman ang singkit na mata ni Charlene. (Imagine that.)
"Ayoko nga! Baka ibaon ako ng buhay ni bessie!! Ikaw na lang kaya inaanak ka naman eh." Sagot ni Charlene. Bigla naman siyang hinampas ng kulay pink at glittery handbag ni Mina.
"Kung ayaw mo mas lalong ayaw ko. Ano ba si Andrew pinaguusapan natin dito! Haler! Tsaka may date kami ni LJ mamaya. Wala akong time." Pagdadahilan ni Mina.
"Gaga anong date ka diyan magpapasama ka lang sa kumon eh!!!" Pagkontra ni Mae. Napatingin naman si Mina dito at tsaka nilagay ay daliri sa labi niya.
"Shhh. Secret lang natin yon."
"Pero yung totoo guys di ba natin sasabihin kay Grace kasi malalaman at malalaman rin naman niya eh. Kasama pa siya sa mga tutugtog mamaya." Napabuntong-hininga naman si Kim. Di nila malaman kung itatago ba o sasabihin nila kay Grace na andito si Andrew. Alam naman nila kasing sobrang senstive ni Grace pagdating kay Andrew. Banggitin mo nga lang ang pangalan nito kay Grace mukhang pinagsakluban na siya ng langit at lupa.
Medyo parang semi-end of the world na.
"Di ko alam. Ang hirap kasing sabihin alam nyo naman na ayaw na ayaw ni Grace na nababanggit si Andrew." Sabi ni Mae kay Kim. Ever since the incident, wala na atang nakapagsalita sa kanila about him. Di katulad nung dati na kung asarin lang nila si Grace kay Andrew halos minu-minuto.
"Bakit ba kasi dito nag-aaral yung hinayupak na yon?? Nung nakaraan naman natin siyang kinausap nung bago mag-graduation sabi niya miske nakapasa siya dito di na niya itutuloy yung balak niyang pag-eenroll?? Wala rin talagang isang salita yung hayop na yon eh!" Inis na sabi ni Mina. Tandang tanda pa niya yung ginawa niyang pang-aambush kay Andrew sa loob ng janitor's quarters. Montik na ata nilang mapaiyak yon eh!
"Kelan ba kasi nagkaroon ng isang salita yung taong yon. Kaya nga sobra hinanakit ni Grace doon eh." Dagdag ni Mae.
"Eh ano bang course nung taong yon at dito siya sa main campus?" Tanong ni Kim.
"Impossibleng anything about medicine yon. Sa Manila campus yon!"
"Impossible ding ComArts yon sa Pampanga yung campus don!"
"Impossibleng Engi--shit oo nga no Engineering course non!!!" Biglang naisip ni Mina. Naitanong nga pala niya kung anong course ang kukuhanin nito dati. "Kung Engineering siya pwede naman sa wait wait!!" Napatingi naman agad si Mina kay Charlene na kanina pang tahimik. At tsaka niya ito pinangdilatan.
"Ehem. Charlene??" Napatingin naman silang lahat kay Charlene. Nakita nilang napakamot ito sa ulo niya at napabuntong-hininga.
"May dapat ba kaming malaman hmm??" Dagdag ni Mina.
"Sorry!! Tulad nga ng sabi niyo di ko naman alam na talagang itutuloy niyang mag-enroll dito sa PhilU! Nalaman ko lang naman sabado eh. Nung meron kaming orientation. Pero I swear di ko talaga alam." Pagdadahilan ni Charlene. Nagsasabi naman talaga ito ng totoo, sadyang di lang rin niya alam kung paano i-open yung topic sa kanila dahil alam niyang magpapanic silang lahat.
BINABASA MO ANG
Untitled
HumorHindi lahat ng story dapat may title parang ang selfie mo hindi dapat parating may quote at hashtag na walang connection.