Lahat ng pangyayari, lugar at bagay dito ay pawang dala at likha ng aking mahiwagang imahinasyon. Wag msyadong seryosohin baka ikamatay.
June 20, 2008
"Pwede ba may magpaliwanag sa akin kung bakit tayo pupunta sa dorm ng mga lalaki??" Naguguluhang tanong ni Christine. "Tsaka bakit may dala pang binoculars si Grace??"
"Di ba obvious mang-stastalk tayo ngayon." Simpleng sagot ni Charlene. Napakamot naman si Christine sa ulo nya. Magkakasama kasi silang barkada ngayon pwera kay Mae at Kim, tatapusin muna daw nila yung group report at susunod na lang sila; the rest naman sa grupo walang pasok o mamaya pang hapon ang klase. Naglalakad sila ngayon papuntang Green Hery St. Doon kasi nakapwesto ang dorm ng mga lalaking nagaaral sa Philippine University.
"Eh sino naman istastalk natin? At bakit? Tsaka parang ako lang ata walang kaalam-alam sa nangyayari ngayon?" Nagtatakang tanong ni Christine. Nga naman mga magkakasama lang naman sila kagabi pero parang wala siyang matandaan na pagpupulong.
"Gago matulog daw ba kasi habang nagreresearch kami tungkol kay LJ. Ayan tuloy walang kaalam-alam. Tsk." Sabi ni Grace habang pailing-iling.
"Eh ang tagal nyo naman magresearch. Facebook lang naman tiningnan nyo." Pagdadahilan ni Christine.
"Oo na baka magbangayan pa kayo. Ingay." Singit ni Charlene. Nakita naman nilang napahinto sa paglalakad si Mina.
"Omg guys, andito na tayo." Mahinang sabi ni Mina. Napatingin naman sila sa building sa harap nila. Ano ba yan?? Msyado namang maraming kulay blue sa building na to?? Isip ni Grace. Well kaya nga dorm ng mga lalaki.
"Sobra naman yung nagdesign nung dorm building na to. Buti na lang di tayo nagdorm." Sabi ni Christine.
"Oo nga mommy, parang outdated pa yung pagkablue. Mukha tuloy jologs yung titira dito." Pagaagree ni Mina.
"Kaya nga tapos sa lahat ng kulay ng bubong sa pilipinas kulay orange pa. Puta, dapat atang ibalik ata sa grade 3 yung nagpintura nung building." Dagdag ni Grace. Napalingon naman si Christine kay Grace.
"Bakit naman grade 3??" Tanong nito. Nagkibit balikat lang si Grace.
"Msyadong mainstream yung Kinder at Grade 1 eh." Sagot ni Grace.
"Bakit di na lang Grade 5?" Tanong ni Mina.
"Msyado nang matanda pag grade 5. Grade 2 or 3 lang dapat."
"May balak ba kayong tigilan yung paguusap tungkol sa kulay ng building kasi nakikita ko na si LJ papalapit sa aten." Singit ni Charlene.
"Wait! Wait!! Ayan na si sparkle formation guys!" Sigaw ni Mina. Napakunot naman ang noo ni Christine.
"Formation?? Ha??? Sparkle?? Di ba softdrinks yun?" Naguguluhang tanong ni Christine. Napailing naman si Grace.
"Sa susunod wag na ka nang matutulog pag may meeting de avace tayo ha. At utang na loob sabihin mo sa neurons mo bilisan ang pagfufunction." Iritang sabi ni Grace.
"Tara na bili!! Guys!!" Pagmamadaling sabi ni Mina. Agad namang pumunta si Charlene sa may bench sa puno ng santol sa tabi ng building at si Grace naman hatak hatak si Christine papunta sa likod ng isang puno ng apricot. Oo iba ibang klase ang puno dito sa Philippine University. Lahat na ata meron sila eh.
Nilabas naman ni Grace ang binoculars niya tsaka sumenyas ng 1,2,3 at thumbs up. Tanda na dapat lumingon na si Mina dahil malapit na si LJ.
For short look out silang dalawa.
Huminga ng malalim si Mina tsaka lumingon sa likod niya habang nakatingin kay Charlene na nakaupo sa bench sa tabi ng puno ng santol kung saang direksyon galing si LJ. Ngumiti sya ng pagkalaki-laki at tsaka sumigaw ng:

BINABASA MO ANG
Untitled
ЮморHindi lahat ng story dapat may title parang ang selfie mo hindi dapat parating may quote at hashtag na walang connection.